"A man that she deserve", that's what I'm thinking while going home.
All the past years, I only thought of being an engineer. Akala ko 'yon na 'yon. Magkatrabaho at balikan siyang muli.
Sinubukan niya. Alam ko at naramdaman ko ang bumabalik na pagmamahal niya sa akin. Sana talaga namatay na lang ako. Sana nagpapatay na lang ako.
Bakit ang sakit na makita siyang may kasamang iba?
Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ngunit napapahinto ako dahil una pa lang naman, ako na ang sumira sa amin. Kung sana ay namatay ako at hindi nakasal kay Kristine, sisisihin ko ba siya?
Mahal ko si Joyce. Mahal ko pa din si Joyce.
Pinunas ko ang luha ko para luminaw ang nakikita ng mga mata ko. Alam ko na delikado ang pag- iyak ko habang nagbibisekleta, alam ko din na nakakahiya pero ang sakit. Para akong dinagukan ng isang mabigat na bato.
Nakarating din nama ako ng ligtas. Wala naman akong nakainkwentro na minura ako. Nakatanggap nga lang ako ng isa pang magpapabigat sa nararamdaman ko.
Si Kristine.
Dapat ko bang ituloy ang paglayo sa kaniya? Dapat ko bang kalimutan na may asawa ako? Dapat ko bang pagtuunan ang bagay na hindi na sa akin?
Lalo akong naguguluhan.
Ano na ang gagawin ko?
"JC! I've been waiting for you! Kakatawag lang kasi ng doctor ko. May kukunin ako at may aalamin. Dalawa ata 'yon, ang isa ay hindi pa makukuha." Masiglang bungad sa akin ni Kristine.
Tumango ako. "Ikaw na lang."
"Ha?" Lumingon ako sa kaniya. "Ahhh. Wala. Gets. Intayin na lang kita dito ha?"
Kumunot ang noo ko. Umupo nga siya sa inuupuan niya kanina at mabait na naghihintay. Lumingon pa ito sa akin at ngumiti. Ang dalas niya ngumiti, hindi 'yon normal.
Napilitan na lang ako magbihis nang madali dahil iniintay niya ako sa labas. Wala naman akong magagawa.
May mga sinasabi siya sa akin ngunit masyado akong abala sa pag- lilingon lingon. Baka sakaling makita ko ulit si Joyce.
"... Basta kahit anong mangyari gagawin ko ang makakaya ko para magstay hanggang makakaya ko."
"Ano?" Lumingon ako ng kaunti sa kaniya at ibinalik ang tingin sa daan.
"Hmm?"
"Anong sinasabi mo?" Pag- ulit ko ngunit nakakunot na'ng noo.
"Ah.. wala." Huminga siya ng malalim at lumingon sa bintana. "Ang ganda ng panahon, ano?" Nag- unat siya ng braso at ngumiti ng kaunti.
Tumango na lang ako. Tahimik ang naging biyahe namin.
"Hindi na kita sasamahan do'n. Intayin kita dito."
Natigilan siya sa pagbukas ng pinto. Tumango ito at lumingon sa akin. "Ingat ka." Ngumiti siya at umalis na.
Maybe I can find Joyce here? I mean, again?
I searched for her in the hospital. So, there is no Joyce here?
Where is she?
"Hey, hinahanap kita kanina pa." Hinawakan ako ni Kristine sa siko na nagpalingon sa akin. Tumango ako at sumunod sa kaniya papunta sa parking.
Bigo ako.
Siguro malaki ang pagtitipon sa gusaling iyon. Siguro dapat na din ako magpasalamat na wala siya sa hospital. Nasa maayos siyang kamay.
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...
