I'm doing yoga when he called me. Itinuon ko ang pansin ko sa kaniya kahit hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.Pakiramdam ko kasi nitong mga nakalipas na araw ay pagod ako. Hindi ko alam kung bakit pero sa pakiramdam ko ay matutulungan ako ng pagy- yoga ko.
Pero kung tatawag siya at kailangan niya ako, ititigil ko ito. Mas mahalaga siya e.
"Bakit?" Tanong ko.
"Can you come over?" He asked.
"Saan ba? Sige, okay lang naman." Naglakad na ako papuntang damitan at tinitigan ang mga damit ko.
"Bahay", sabi niya.
I said "okay" and picked up a white hanging blouse and a black leggings. I'm wearing the necklace that he gave me.
Ayaw ko nga itong gamitin dahil baka masira o manakaw pero baka isipin niyang hindi ko nagustuhan. Iingatan ko na lang.
Naglakad na lang ako papunta sa kanila dala ang berdeng payong ni mama dahil nakakapaso ang init ngayon. Ayaw ko namang magmotor dahil gagamitin ata ito ni papa.
"JC?" Tawag ko sa kaniya mula sa labas ng bahay nila. Bakit parang walang tao. "JC--aah?!"
Tumawa siya sa naging reaksyon ko sa panggugulat niya sa akin.
"Bwisit ka" bigkas ko sa kaniya na tila namumuri. Nginitian ko siya pagkatapos ay inirapan.
Kaya tinawanan niya ako ulit. "Tara. Pasok tayo."
Tumango na lang ako dahil medyo nagtatampo ako dahil sa pagtawa niya sa akin.
Nagulat ako dahil nandito pala ang mga kapatid at ang mama at papa niya. Nawala ang tampo ko sa katawan at napaltan ito ng hiya at saya.
Who will not be happy if your ex-lover/ suitor has finally taken you to their house? Kahit naman naging kami noon ay hindi niya ako nadala dito sa pamilya niya kaya ang saya sa puso ngayon.
"Good morning po. Ayy noon po." Tumango ako sa kanila at nagmano.
"Magandang tanghali din, Joyce." Ngiti sa akin ng mama niya. Tumingin ako sa papa niya na seryoso lang na nakatingin sa akin.
Nakakatakot talaga papa niya. Ang tangkad pa masyado. Kalahati niya lang ata ako ih!
"Hello ate Joyce!" Bati sa akin ng bunso nilang kapatid na babae. Nginitian ko siya at kumaway. Ang cute talaga nito! Ang taba tabaaaa! Nakakapanggigil!
"Bakit mo ako tinawagan? Hindi ko alam na nandito sila?" Bulong ko kay JC dahil may kaniya- kaniya naman na silang lahat na gawa.
"May ipapakita kasi ako sa'yo doon sa kwarto pero mamaya na lang. Papakainin ka pa muna niyan ni mama" paliwanag niya.
"Hindi naman niya ako pinapakain e tsaka okay lang ako hindi ako gutom" bulong ko ulit.
"Pustahan aalukin ka niyan" tingin ni JC sa mama niya.
Tumingin din ako sa mama niya at saktong nginitian ko nito. "Kain ka dito Joyce! JC akitin mo naman babycakes mo dito"
I look at JC with an unbelievable look. "Babycakes?!" Bulong ko ng pasigaw sa kaniya habang naglalakad kami papuntang kusina. Tumatawa lang ito pati ang mama niya habang nakasimangot akong nakain.
Pinanindigan kasi ni JC na babycakes niya ako.
"Ate Joyce, ano san ka na nag- aaral?" Tanong sa akin ng kapatid niyang babae.
"Hindi na nag- aaral si ate" sagot ko sa kaniya ng nakangiti.
"Bakit po?"
"Graduate na bb" sagot ko. Tumango tango ito at inilapat ang pisngi sa lamesa. Ang cute!
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...