39

67 2 0
                                        

It felt wrong but... Honestly, it's not. I'm just left with the thought that she was still there. I'm moving on. I should love another girl. If Joyce can see me, she'll not like what I'm doing, being bad to a girl because of her.

Yes, we had sex. Kristine is so happy that she offered to made our breakfast. She's in the right mind when doing those dirty things. Tingin ko ay tama din naman na nangyari na din 'yon. Nangyayari na ang gusto kong mangyari. Nangyayari na ang iniisip kong hindi ko magagawa dati.

"I love you, JC. I'm more than happy. Thank you."

Be good at her. Take care of her. Cuddle with her.

Those are the 3 things to do to make her feel I love her. Even though I don't love her now, she's still my wife that I should love. This may be call pretending but this would make her happy.

I should make her happy.

"When are we going home?" I asked her. Nasa kusina kami, kinakain ang niluto kong sopas. Hindi pa daw siya nakakatikim nito e.

"Hmmm?" Puno ng macaroni ang bibig niya kaya inintay kong malunok niya ito bago ang sagot. "Bukas? Mother called me a while ago. I still need check ups according to her."

Tumango ako. "Okay. Let's go straight to my parents house?"

"After the check up?"

"Yes." Tumayo ako para ilagay na sa lababo ang pinagkainan ko. "Siguro kailangan mo ng saya galing sa ibang tao. I mean, all your life nandyan ka sa pamilya mo tsaka sa mga plastic friends mo."

"Plastic friends? Really?" Nakangisi siya sa akin. Mukhang tapos na din sa pagkain.

"Hmm." Sagot ko. "Nung nagka- photoshoot, I have a feeling that that gay likes you. I mean.  Maybe he's not gay?"

"He's not! HAHAHA" may paghampas pa sa lamesa niyang tawa.

"Bakit ang lambot?" Kunot noo kong tanong.

"Gano'n na talaga siguro pero hindi talaga yun bakla! Hindi lang naman ikaw napaisip ng ganyan. Actually, almost everyone has that bakla ba 'yon? impression to him."

"Atleast hindi ako nag- iisa." Tumawa kaming dalawa. "Pa'no mo ba 'yun nakilala?"

Tumawa siya ulit pero mas malakas na. "Wait-- HAHAHA. Naalala ko na naman" pinakalma niya ang mukha niya at nagsimulang magkwento. "Bakla na kasi talaga siya gumalaw dati. Tapos naabutan siya ng tatay niya na nakalipstick. Ayun! Nasuntok. E ang strict ng tatay no'n! Palibhasa mayaman. Ako ba naman pinakilalang girlfriend niya! Inutusan ko lang daw siya maglipstick! Ang walang hiyang 'yon!"

Tawa kami ng tawa. Kaya naman pala namin maging gan'to.

Pumunta kami sa teresa ng bahay at magkatabing umupo.

Nakakapagsisi na nagulo ko pa si Joyce. Kung makikita ko man siya ulit, hihingi ako ng tawad sa mga nagawa ko sa kaniya. Sana masaya din siya ngayon.

"JC, kung natatandaan mo man, nasampal na kita dati."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Seryoso ba? Hindi ko tanda." Tatawa- tawa kong sabi.

"Oo nga! Nasampal kita noon kasi akala ko minumura mo ako."

"Hindi ako palamura. 'Wag kang ano." Inirapan ko siya ng pabiro.

"Taray! Marunong umirap." Yumakap siya sa braso ko. "So, ayon, hindi pala ikaw nagmura. Yung kaharap mo na nasa likod ko."

"Hoy grabe. Ang sama mo naman." Asar- tawa ko sa kaniya. "Dati ka sigurong bingi."

We stayed just like that until the sky gets darker and rains again. Sana ay walang ulan bukas para maganda ang takbo ng bangka.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon