"I already accepted the fact that you won't love me, just please... stay."
"Kailan mo nalaman?" malamig kong tanong sa kaniya.
"Kasunod na araw pagkatapos mo akong samahan sa hospital."
Nakaupo siya sa kama at nakatayo ako sa harap niya. "Pwede ko bang makita?" Isinuot niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya at inabot sa akin ang mga papel at dalawang PT.
Binasa ko iyon at nakita sa PT ang dalawang pulang guhit. Tunay nga na may anak ako sa kaniya.
"Masaya ako na magkakaanak na tayo pero... pero nagdadalawang isip ako dahil kay Joyce." Inilayo ko ang tingin ko sa mga papel at kunot- noo siyang tiningnan. Iniintay kung ano ang susunod niyang sasabihin. "Noong una mo siyang nakita.. Noong habang iniintay mo ako sa labas. Nakita ko din siya.."
"Kung ganoon, bakit mo pinalabas na hindi siya totoo? Bakit nagsimula ka pa ng away? Bakit ginawa mo pa akong tanga sa kakaisip kung totoo ba siya gayong nakita mo din pala?"
"Kasi natatakot ako! Natatakot ako na mawala na naman ako. Palagi ka na lang Joyce! Joyce! Tapos ako palagi mong iniiwan, palaging kinakalimutan, binabaliwala."
"Dahil hindi naman kita minahal, una pa lang."
"Oo nga." mahinahon na niyang sagot. "Kaya nga tinatanggap ko na. I have this child na kailangan kong ingatan. Kung mas pinipili mo siya sa amin ng mag- ina mo, ayos lang. Kung doon mo gusto, sige lang."
Nanatili akong walang imik. Ayos na ako sa gusto niya.
"Basta kung kailangan mo ako, nandito lang ako sa bahay." Ngumiti siya kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Nandito lang ako. 'Wag mo 'ko iiwan, ha?"
Tumango ako at nagbaba ng tingin. May bago na naman akong responsibilidad, hindi na nabawasan.
"Sige na." sabi niya at lumingon sa pinto. Tumingin din ako doon at tumango sa kaniya. Naglakad ako papunta doon at lumingon sa kaniya bago isara ang pinto. Nakangiti siya ngunit lumuluha. "JC.." habol niya kaya binuksan ko ang pinto ng tamang lawak. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tumigil siya sa saglit at nagsalitang muli. "Kung gano'n, paalam na. Siguraduhin mong hindi talaga tayo dahil.. dahil.. hindi na kita tatanggapin."
Mabigat ang bawat hakbang palabas. Hinablot ko ang jacket ko na nakasabit sa may pinto. Bago ako umapak sa labas ng bahay nila, naalala ko ang ginawa niyang pagpapaubaya.
Kristine..
I love the way you lie.
I just stand there, outside their huge house, watching them sitting beside each other. He's holding her waist and her head is at his chest.
Ang sakit.
Ang sakit- sakit.
Ako dapat iyon.
Ako dapat ang nginingitian niya.
Ako dapat 'yang tinititigan niya.
Ako dapat ang katabi at kadamay niya sa lahat ng bagay.
Ako sana ang nag- aalaga sa kaniya.
Ako sana ang nginingitian niya.
Ako na lang sana.
Madaling- araw na at nagyeyelo na ako sa labas ngunit parang wala na lang. Alam kong hindi niya ako pipiliin kahit mamatay pa ako ngayon. Alam ko na wala na siyang pakialam sa akin.
Nakinig ko ang pagbukas ng gate ng bahay nila at iniluwa noon ang tatay ni Joyce. Nakita ako nito nang walang gulat sa mukha.
"Tulog na silang lahat. Anong kailangan mo?" bungad niya.
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...