Akala ko pagkatapos ng performance ay lalapit ito sa akin, ngunit hindi. Kasama pa din nito sina Kristine. Hindi ko tuloy alam kung naaalala pa ba ako nito o nakalimutan na. Dati naman ay close kami lagi kahit sa loob ng room.
Kinabukasan ay kinakabahan ako dahil sa gagawin kong performance. Wala din akong partner. Iniisip kong higitin na lang si JC mamaya at gawing partner ko.
He's my boyfriend, wala akong maisip na rason para tanggihan ako.
Nagpaturo na din ako kay Chika para kung pag-perform-in man ako ng mag-isa ay makakaya ko.
"Salamat Chika, ha?" Ngiti ko sa kaniya habang nagpupunas ng pawis.
"Uy hindi, ayos lang, ano ka ba? Ikaw nga itong tumulong sa akin e. Masaya ako na pinartner mo siya sa akin" lingon nito sa akin at bumalik sa pagsusulat.
Ngumiti ako at hindi na sumagot. Kumopya na lang ako ng sinusulat ng teacher namin sa board na pagkahaba-haba. Hindi ko na sinulyapan pa si JC dahil baka nagpapasulat ito kay Kristine o nakikipagpalitan ng notebook.
Hanga din naman ako kay Kristine. Hindi niya alam na may girlfriend yung tao? Sabagay, hindi nga naman halata sa amin. Hindi nga niya ako nilalapitan e.
Pagkatapos kong magpacheck at kukunin na sana ang notebook ko, ay may pumatong na tatlong notebook sa kamay ko. Notebook ito ni Kristine, JC at isang hindi ko alam kung kanino. Nasa ibabaw ang kay JC at halatang hindi siya ang sumulat ng kalahati.
Malamang, si Kristine.
Ang galing JC ah. Close na close ah. Ako kaya kailan mo lalapitan.
Pagkauwi ko dahil lunch break ay paspas ako ng kain at nagbihis agad. Nagtext ako kay JC na pupunta ako sa bahay nila at mabilis na akong pumunta doon nang lakad.
Nakatayo lang ako sa pathway na pinwestohan ko din dati ng i-comfort ko siya. Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang walang text na dumating. Sunod kong binuksan ang mobile data at nagbakasakaling online siya, ngunit hindi.
Wala ding chat mula sa kaniya.
Maya-maya pa ay nagdesisyon akong kumatok na lang kaya humakbang na ako paunahan. Hindi naman natuloy ang pag-abante ko dahil nakinigan ko ang boses ni JC.
Iintayin ko na lang siguro siya na buksan ang gate nila.
Pero mukhang may kausap.
Nawala ang excitement ko ng makita ko siya. Umatras ako ng kaunti at tinanaw lang siya. Tinanaw ko lang silang dalawa na nakangiti sa isa't- isa na palabas ng bahay nila JC.
Kumaway pa si Kristine kay JC bago makaalis ang tricycle. Nang hindi na ito matanaw ni JC ay umatras ito ng isang hakbang at tumalikod.
Nagtagpo ang mga tingin naming dalawa at tila nabisto siya sa isang krimeng ginawa.
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang iisipin ko. Alam kong hindi niya iyon magagawa ngunit ano ang nakita ko?
Nginitian ko siya.
Nginitian ko siya na parang wala akong nakita na ganon at sana maisip niya nang siya lang ang pinapahiwatig ng ngiti ko.
Alam kong hindi siya manghuhula para malaman ang ibig kong sabihin pero hindi din naman ako ganon para malaman ang nasa isip niya ngayon.
Aalis na lang ako, baka sakaling kumondisyon ang katawan ko sa pagsayaw mamaya.
"Joyce" nilingon ko siya ng nakangiti. "Anong ginagawa mo diyan?"
"Ah. Wala. Napadaan lang ko." Sagot ko..
"Dinadalaw mo ba ako?"
"Bakit? May sakit ka ba?"
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...
