Guess what? The paper that I passed to my teacher only has my name. And now I'm considering JC as my classmate only. He doesn't deserve me.
Alam kong ngayon ay sarili ko na lang ang mayroon ako at ayaw ko namang gawing tanga ang sarili ko para lang hindi mag- isa. Kaya ko ang sarili ko. Naging desisyon ko ang sagutin siya, desisyon ko din ngayon ang pakikipaghiwalay sa kaniya.
I'm standing in front of their house, waiting for him.
Si Eula ang kasama niya nang makita ko siya. "Anong ginagawa mo dito?" kaswal na tanong niya sa akin.
"Girlfriend mo ako, masama kang bisitahin?" pabalik kong tanong sa kaniya.
Nakita kami ng Mama niya kaya't pinapasok kami nito. Wala pang ibang tao kundi ako, ang mama niya at siya. Hindi ko alam kung paano makikipaghiwalay. Tama bang lugar ang mismong bahay nila? Nakalimutan ko bigla ang balak kong gawin, nakalimutan ko agad na nasasaktan ako, dahil kaharap ko na siya.
Umupo ako at tumingin sa kaniyang nakatayo pa din. "Upo ka." Umupo nga ito ngunit hindi sa tabi ko kundi sa katapat kong upuan. "Dito ka sa tabi ko, ayaw mo na ba akong tabihan ngayon?"
Umiling ito at tumayo. Lumapit ito at paupo na sa tabi ko ng matigil siya sa sinabi ko.
"Uupo ka sa tabi ko kahit iba na mahal mo? Ganyan ba talaga ugali mo?" nakatingin lang ito sa akin ng naguguluhan. "Hindi lang ako ang nakakapansin na hindi mo na ako tinuturing gaya ng dati. Marami ng nakakapansin sa inyong dalawa ni Kristine, lalo na ako." May diin ngunit mahina kong sabi. Ayaw kong makita kaming ganito ng mama niya.
Lumuhod ito sa paanan ko at hinawakan ang pisngi ko. Nanatili akong matatag, ayaw kong magpadala sa damdamin ko ngayon. Oo, mahal ko siya, pero 'wag niya naman ako gawing tanga. "Anong mayroon sa inyo ni Kristine?"
"Wala. Kaibigan ko lang 'yun"
" Doon din naman tayo nagsimula ah."
"Anong. Mayroon. Sa. Inyo?"
Bumagsak ang kamay nito pababa sa inuupuan ko. Nanahimik itong sandali at niyakap ako sa bewang habang nakaluhod siya. Isinubsob niya ang ulo niya sa tyan ko habang umiiyak at nags-sorry.
Lumalambot ang puso ko sa pag-iyak niya. Dati, ayaw ko siyang umiyak kaya kino- comfort ko pero ngayon ako ang dahilan nito.
"'Wag kang umiyak. Desisyon mo 'yan e. Desisyon mong magloko, panindigan mo. Pero sana pinanindigan mo din ako." My voice cracked. " I was cheated. I came from a toxic relationship. No one cared for me. Tapos yun din pala ang gagawin mo." My tears started to fall. " Sana hindi mo na lang ako pinasaya. Sana.. sana hindi mo na lang ako pinangakuan." I hugged him too.
" Please, stay. I'm sorry. I'll not do it again."
" Hindi mo na magagawa, JC." I stand up. I stare at him, crying and begging me to stay. "'Wag ka na lang magcheat kay Kristine. Okay na ako do'n"
"Joyce, please. Forgive me"
I smiled at him with my pair of teary eyes. "Napatawad na kita. Ingatan mo yung dati kong kaibigan. 'Wag mo yung sasaktan ha. Magpakasaya kayo na parang walang 'ako', walang 'tayo', bago naging 'kayo'."
Tinalikuran ko na siya at pinahid ang luha ko. Lumabas ako ng bahay at nagpaalam kay Tita na nakita ata kami kanina pa. Niyakap ko ito at nag-sorry dahil sa kinahinatnan naming dalawa.
I'm sorry for catching you cheating.
////////////////////////////
Those memories. I don't know how to delete them. I wonder how because they're stuck on me.
I went out of the bathroom wearing a towel. Our bathroom is just one step away to my bedroom so I think that's okay.
And then, when I stepped out of the bathroom, I saw him staring. "Ahh?!" Bakit siya nakatingin ng ganon?!
"Dyisi, nakita mo ba- ay! Magbihis ka na. Sigeng pa- sexy ka pa d'yan kay Dyisi!" at kinulong ako nito sa kwarto.
Kawasa pakuha- kuha kayo ng gwapong engineer! Choosss
Paano ba ako maga-act sa harap niya? Ahh basta, magbibihis na ako.
I'm wearing a muscle tank top, a tube inside and I paired it with a black ripped jeans. Pupunta ako ng labas mamaya dahil namiss ko itong bayan namin. Wala akong kaibigan na mababalikan pero kayak o naman mag- isa. Kinaya ko nga ng 7 taon mag- isa, ngayon pa ba ako matatakot.
'Pag baba ko ng bahay namin ay may nakita akong pizza, softdrinks at iba pang mga masarap sa mata kainin. Binulungan ko si ate, siya pa din ang kasambahay namin, "Ate, atin 'yan?"
"Oo, gusto mo? Kuha na." sagot niya
Umupo agad ako sa pinakamalapit na upuan at itinaas ang isang paa sa bangko. Kumuha ng isang slice ng pizza at humablot ng baso para lagyan ng softdrinks.
"Akin yan" sabi ni JC habang nalamon ako.
"Madami pang softdrinks, kuha kang iyo"
Imbis na softdrink ang abutin niya ay tumayo ito at kumuha ng panibagong baso. Ngayon lang din nag-sink in sa utak ko na 'baka sa kaniya yung baso?'
Omygad.
"Iyo?" tumango siya.
I shrugged. Baso lang naman e. Yung iba nga laplap.
Part of me still hate him. I almost died when I lost him too. I didn't know that such a separation would cause me so much pain.
Isinubo ko na ang buong pizza bago pa ako mawalan ng gana kumain. I admit, pumayat ako, 'cause every time I remember my past I also remember that I was not enough, that I was cheated, that I also thought I was not loved. Who wouldn't lose the appetite?
Tinungga ko na ang nasa baso ko at umakyat na sa kwarto ko.
Hindi pa din ako sanay makisalamuha sa tao. Akala ko talaga siya na ang magtuturo sa akin maki- socialize kasi magaling siya doon e, kaya nga ang dami niyang kaibigan. Pero tinuruan niya lang ako na 'wag na ulit magtiwala kasi kayang- kaya naman akong ipagpalit ng lahat. Kayang- kaya akong kalimutan, pati na rin ang magagandang ginawa ko sa kanila.
Hindi ko alam na madami palang ganoon na tao. Malay ko ba na isa siya doon, hindi ba?
The next day, I found out na hindi siya ang engineer. Papa niya pala ang architect. Lol

BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Ficção AdolescenteThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...