50

139 3 0
                                    

kokoronashi. Pakinggan niyo hehe. skl. maganda siya.

.

.

Everyone's in a hurry. Kristine is giving birth. I am so fucked up that I forgot that this is the due! if something bad happened, I will not forgive myself. 

"Sorry!" I shouted to whoever I accidentally bumped my shoulder. Hindi ko na din ito natingnan dahil isa lang ang nasa isip ko. 

Safe ba ang mag- ina ko?

Pagkadating ko sa labas ng labor room ay nandoon din ang iba pang mga kaibigan ni Kristine at ang mga magulang niya. Ibig sabihin ay hindi pa nakakalabas ang bata? Bawal ba akong pumasok? Gusto kong makita. 

Kinakabahan at maya't- maya akong sumisilip sa pinto. Nagbabakasakaling makita ko sila. Nakatungo ako at nakasandal sa pader. Hindi ako mapakali at malalamig ang ipinapawis ko. Para akong lalagnatin na napapadumi.

May tumabi sa akin kaya nag- angat ako ng tingin. Sa kanan ay ang tatay ko at sa kaliwa ay ang tatay ni Kristine. Hawak nila ang balikat ko at parehas na nakangisi. 

"Ano.. magiging tatay ka na." kantyaw ni Papa.

"Aalagaan mo ang apo namin." nilingon ko naman ang tatay ni Kristine.  Tumango ako dito. 

Ngumiti ako sa hangin. "Sadya po bang ganito? Para akong hihimatayin." Nahihiya kong sabi na tinawanan nilang dalawa. 

Nasa loob na kami ng kwarto. Nakaupo ako sa tabi ng higaan ni Kristine. Kadadating lang namin at isusunod nila dito sa kwarto ang anak namin. 

Tatay na ako.

Tiningnan ko ang kamay ko na nilalaro niya gamit ang kaniyang mga daliri. Tiningnan ko siya at nginitian, "Thank you." 

Nanghihina at naguguluhan niya akong tiningnan. "For what?" 

Tumayo ako at hinarap siya. Lumapit ako at hinaplos ang mukha niya. Mula sa ulo niyang nauubusan na ng buhok hanggang sa kaniyang pisngi. "You really did your best. This is the first and best gift for her, Kristine."

"I love you, JC." a tear fell from her eye. "How I wish I could spend much time with the two of you."

"I'm sorry for I chose he--"

"No." he cut me. "Don't be sorry. It's for our baby. You can't take care of her with all your heart if you yourself is still lost." 

I leaned in and kiss her forehead. "You'll live, Kristine."

Ngumiti siya at umiling. "Ayaw ko na din naman." sabi niya. "kung mabubuhay man ako, ibubuhos ko lang ang lahat ng iyon sa anak natin. Kaya mo naman nang buhayin siya 'di ba?" 

"I'll need you." I whispered.

"I'll be always there, watching the two of you, guiding you." she said.

"Excuse me po." sabay kaming lumingon sa nurse na dala ang maliit na sanggol. 

Namuo ang luha ko. Itinabi niya ang anak namin kay Kristine. Umupo ako sa inuupuan ko kanina at parehas kami ni Kristine na nakatuon ang pansin sa kaniya. 

She got her eyes from Kristine. It doesn't look like an angel eyes but her smile is so innocent. She got her nose from me. It's pointed and I know, she'll hook every man she'll encounter. 

"She's beautiful." Kristine commented. 

Tumango ako bilang pagsang- ayon sa kaniya. "Mahihirapan ata akong palayuin ang mga lalaki sa kaniya." kumamot ako sa batok ko.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon