"ah-opo" umayos ako ng tayo sa harap nila.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ni mama. "Hindi ko alam na naglilihim ka sa amin dati. Dahil ba 'yan ky JC?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi po."
"Kamusta ang kapatid ni JC? Maayos na daw ba?" Tanong ni mama.
"Tatatanungin ko po" tumango ako at naglakad patungo sa kwarto ko.
Hindi pa ito nagrereply mula sa text ko kanina. Kamusta na kaya 'yun?
Humiga ako sa kama at bumuntong-hininga. Nandoon sa hospital ang ina ni Kristine, posible din bang nandoon din siya? Posible bang mayroon pa ding namamagitan sa kanila?
Humawak ako sa labi ko. Hindi, ba't ko ba iniisip 'yon? Manliligaw ba siya kung may jowa siya? Atsaka kung may jowa siya, malamang dapat tutok siya sa sa cellphone niya kasi dapat updated sila 'di ba? Atsaka hahanapin 'yun dahil nag- overnight sa ibang lugar 'di ba?
'Di ba?
Huhu sagutin mo 'ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang buhok ko at hinila ng bahagya. Aarrrghhhhhh.
"Hoy, ano ka ga? Ikaw ba'y naloloka na?"
Binitawan ko ang buhok ko at ngumiti kay mama. "Hindi po. Iniisip ko lang kung hindi na ba niya ako lolokohin."
Ngumiti ito at tinabihan ako sa kama. " Kayanin mo ha? Ayaw kitang makita na miserable na naman dahil sa kaniya. Ang papa mo na ang bahala kay JC. "
Tumango ako. Niyakap ako niya ako at hinalikan ang aking noo.
Tumunog ang pinto ng kwarto ko sa pagkakasara niya, iyon ang ginamit kong senyales para tawagan ang numero niya.
"JC, nasaan ka?" Sumagot ito at agad akong kumuha ng jacket para puntahan siya.
Isinilip ko ang ulo ko sa pinto. Naabutan ko silang kumakain ng hapunan. Nakita ako ng mama ni JC kaya ipinasok ko na ang buong katawan ko. Ngumiti ako at tumungo ng bahagya. "Good evening po", sabi ko.
Inilibot ko ang paningin ko ngunit wala siya. Akala ko ba nandito siya?
"Kamusta na po siya?" Tanong ko sa kanila habang nakatingin sa nakatatandang lalaki na kapatid ni JC.
Tahimik pa din sila. Medyo nahiya ako sa kapal ng mukha ko na magpakita dito ngunit nakita ko ang pagngiti ng mama ni JC. "Salamat sa pagbisita Joyce. Palagay ko ay naayos na ang pagkakaibigan niyong dalawa." Ibinaba nito ang walang laman na pinggan at nilapitan ako. "Si JC ba ang hinahanap mo?"
Kinagat ko ang labi ko at patuloy na ngumingiti sa harap niya. "Nag- aalala lang po.. hindi ko po alam kung paano ako makakatulong e" nahihiya kong sabi.
"Naku, salamat ha? Halika sa labas, doon natin sila intayin" nginitian ako nito at iginiya ako palabas ng kwarto.
Sila?
Siguro yung tatay lang ni JC.
Umupo kami sa bench na nakita namin at nginitian ang isa't isa. "Kamusta ka?" Tanong niya.
"Okay naman po.. Okay na" pagkatapos konh sabihin iyon ay tumungo ako. "Ahh.. May girlfriend po ba siya?"
Kung meron mang tao na may alam ng lahat tungkol sa kaniya, malamang ay ang mama niya. At kung meron mang tao na maaaring sagutin ako ng totoo, ang mama niya ang naiisip ko.
"Wala.. wala siyang nabanggit na babae sa akin simula ng mawala ka pero hindi ako sigurado kung hindi na siya nagkababae pa."
"Ahhh" kung ganoon, walang kasiguraduhan kung makakagulo ba ako ng relasyon o hindi.
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Fiksi RemajaThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...