6

77 3 0
                                        


Ang dami kong napapansin. Hindi ko alam kung alin ba ang uunahin kong bigyan ng pansin.

Hindi ko alam kung sino ang una kong tutulungan.

Si Hanni?

Si JC

O sarili ko?

'Pag hinayaan ko silang dalawa, baka maging kagaya ko sila. No permanent friends, no one to hold on, no one to talk to.

'Cause I've lost my trust.

It feels like nobody deserves my trust.

Lahat na lang kasi ng pinagkakatiwalaan ko, tinatalikuran ako. Lahat na lang ng tinutulungan ko, sa huli, binabasura ako.

Si Hanni. Ganyan din ako dati. Nasa isang permanenteng grupo. Masaya sa una, mararamdaman mong importante ka kasi bago ka sa grupo. Tapos may kailangan lang pala sa'yo.

Kunwari, kinaibigan ka lang kasi magaling ka sa academics.

Si JC, basag na sa loob. Masaya siya kung titingnan yung ngiti niya pero kung tititigan mo yung mata niya, walang kislap.

Naging ganyan din ako.. hanggang sa hindi ko na kinaya maging peke. Nagpakatotoo ako pero yung mga tao sa paligid ko bigla akong inayawan. Lahat sila iniwan ako.

Wala akong masandalan nung mga panahon na masaya na sila.

Ayokong mangyari 'yun kay JC. Gusto ko may masandalan siya. Alam ko kasing 'yung nasa paligid niya, nandyan lang kapag tungkol sa saya.

Alam ko yun.. kasi nung nagtry ako magpakita na hindi ako okay, walang lumapit sa'kin. Walang may pake.

Ako.. okay lang ako. May problema ako pero hayaan ko na. Kinaya ko na 'to dati, kaya ko ulit 'to. Sila, aalalayan ko sila para kayanin ang hinaharap nila.

I'm strong inside.

Kaya ko 'to. Hindi na ako papaapekto sa anxiety ko.

Hindi na ako hahawak ng blade para maglaslas.

Laslas?

Napatingin ako sa wristband na suot ko. Akala nila suot ko lang 'to dahil sa kajejehan. Hindi nila alam 'yung mabigat na reason bakit ko 'to laging suot. Wala ding may alam sa pamilya ko. Ako lang.

Akala lang talaga nila tamad ako magdala ng panyo kaya lagi akong nakawristband.

Ako lang yung meron ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa table ko ng magvibrate ito.

Tumatawag si JC. Gabi na ah?

Sinagot ko ito at inilagay sa tenga ko.

:[Hello-

Sinalubong ako ng mga hikbi niya. Nakaawang ang labi ko habang pinapakinggan siya. Anong nangyari?

:[Huy ba't ka umiiyak? Asan ka?]

Patuloy lang siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano siya iccomfort.

: [Joyce. H-hindi ko na kaya. Gusto ko na mamatay]

Parang may kung ano na umugong sa tenga ko. Malakas. Ang sakit.

Sa puso

Ito yung ayaw ko na mangyari. 'Yun ang ayaw kong isipin niya.

Namalayan ko ang sarili kong nagpapaalam kay Papa na aalis ako ng bahay. Busy si papa kasama ang mga kumpare niyang nag-iinom kaya um-oo na lang ito.

Lakad-takbo ang ginawa ko papuntang bahay nila. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito pero alam ko na kailangan niya ako.

Itinext ko siya na lumabas ng bahay nila. Nakakunot ang noo ko na nag-aantay sa pathway katabi ng bahay nila. Hindi din mapakali ang paa ko na itinatapik ko sa kinatatayuan ko.

Lumabas siya na nakashorts, sweater at cap. Luminga-linga siya sa paligid na parang hinahanap ako. Hindi niya ako makita dahil nasa kabilang daan ang poste ng ilaw.

Sinundan ko na lang siya ng umupo siya sa upuan ng isang saradong tindahan. Hawak niya ang cellphone niya at may pinipindot.

Tumayo ako sa harap niya at unti unting umangat ang tingin niya.

Kumikinang ang mata niya dahil sa nagbabadyang tumulo na luha. Kapantay ng balikat ko ang balikat niya dahil nakaupo siya at medyo may kataasan ang bangko.

Tinagkal niya ang cap niya. Nagulat na lang ako ng hatakin niya ako bigla siguro dahil ayaw niya atang makita ko siya na naiyak o siguro kailangan niya lang ng ikocomfort siya.

Niyakap ko din at inalo siya.

"Kung ano man ang problema mo, magiging ayos din ang lahat."

Nandito lang ako.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago siya tumigil pag-iyak. Siguradong mabigat ang dahilan kung bakit siya umiyak ng ganoon.

Nakaupo na ako sa tabi niya ngayon. Mukha pa din siyang wala sa sarili. Nakatingin siya sa baba. Nakapatong ang siko niya sa ibabaw ng tuhod. Ilang beses din siyang nag-inhale exhale ng mabibigat para maging maayos ang paghinga niya.

Inaalo ko lang ang likod niya sa tuwing naiiyak na naman siya. Nakinig naman akong mabuti habang nag-oopen siya sa'kin.

"Family"

Tumango ako.

Unang salita pa lang, alam ko ng mabigat. Magkaproblema ka na ng dahil sa kaibigan 'wag lang sa pamilya.

"Ilang araw ko ng dinadala 'to. Inintindi ko lang ng inintindi kasi magulang ko yun e. Ang lungkot lungkot ko. Wala na akong time sa sarili ko. Pagkauwi, ako nagluluto ng kakainin nila. Pagdating nila, sunod-sunod na utos. Walang patid. Hindi ko pa nga natatapos yung isa, may kasunod na naman. Tapos sisigaw pa. Si papa hindi pa makuha yung remote na nasa tabi lang naman niya tapos sisigawan ako na ang tamad ko daw. Lahat ginawa ko para sa kanila. Honor student ako pero parang wala yung saya sa kanila. Yung mga kapatid ko, hayahay lang. Ako ang natanggap ng lahat ng utos kahit hindi naman ako ang panganay nor bunso. Ang bigat bigat. Dala dala ko araw araw yung pang iinsulto na sumisigaw sa tainga ko. Idagdag pa na pinapalayo ka nila sa akin. 'Yung saya ba na binibigay mo, naiibigay nila sa'kin? Bakit nila ako didiktahan. Oo, magulang ko sila. Pero mali naman ata yung ilayo nila sa akin yung saya ko. Tapos kapag nakakakita ng babae na kasama ko jowa ko daw yun. Ano man yun? Paiba-iba? Kada araw iba? Hindi ba pwedeng kaibigan lang? Ang problema, sila mismo yung nanghuhusga sa akin e"

Naaawa ako sa kaniya. Ang hirap nga naman na magulang mo nang iinsulto at nanghuhusga sa'yo.

Niyakap ko na lang siya para mabawasan ang bigat na dala niya.

"Magiging okay ka din"

Naglalakad kami ng mabagal pabalik ng bahay nila. Magaan na din ang aura niya.

"Thank you ha, pinuntahan mo 'ko." Nginitian ko siya.

"Sabi sa'yo nandito lang ako e" nginitian niya ako pabalik.

Ang sarap makita ng ngiti niya.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon