4

73 3 0
                                    

Hindi naman na big deal sa amin kung alam namin sulat kamay ng bawat isa. Minsan kasi nakakatulong 'yun kapag may nawawalang papel o kaya may naninira sa amin na ginagamit penmanship namin.

Tama nga sabi nila. Kapag sobrang boring ng life, sobrang bagal ng oras. Sino bang lalandi sa'kin dyan? Arat na!

Ayaw niyo? Sige ako na lang lalandi. Total 'yun naman ako sabi ng mga chismosa HAAHAHHA.

Btw. Katabi ko ngayon si JC. Vacant kasi kami ngayon. Kumakain ako habang naggigitara siya sa tabi ko. May inaaral siyang kanta na nirequest ko.

Lakas ko 'no?

Ilang linggo ang lumipas at mas naging close kami. Na hindi namin namalayan na may nakakita pala sa'min na akala ay magnobyo kami.

Sana nga po.

Pero kung magllead lang ito na magmumukha siyang masama ay huwag na lang.

"Lumayo na daw ako sa'yo" sambit ni JC.

Naabutan ko siyang naka sweater kahit mainit at nakaubob sa upuan niya. Sabi nina Kristine hindi daw nila makausap at sa palagay nila ay sa akin lang magoopen.

Umiiyak ito sa balikat ko. Oo mas malaki siya sa akin pero kailangan niya ng masasandalan ngayon.

"Bakit nila ako papalayuin? Ikaw na nga lang nagpapasaya sa a-akin." Umiiyak na siya at wala akong magawa kundi makinig lang sa kaniya.

Hindi ko alam kung pa'no ko ipapaliwanag na ayaw kong lumayo sa kaniya. Siya lang din nagpapasaya sa'kin e. Anong gagawin ko?

Humihikbi siya at ang sakit marinig yun. Gusto kong mabingi para hindi ko yun marinig.

Inalis niya ang noo niya sa balikat ko at umubob na lang sa desk ng upuan niya.

Grabe, nilalagnat siya tapos ganun pa sinabi sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang  nararamdaman niya. 'Di ko alam pa'no ko mababawasan yung dinadala niya.

"Ano daw?" Basa ko sa bibig ni Kristine. Alam ko nag-aalala din siya. Kaibigan niya e. Nakatingin sila sa akin na inaabangan yung sasabihin ko.

Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya 'ko.

"'Wag mo sasabihin sa kanila. Atin lang.. P-please" hays. 'di ko alam gagawin.

Umiling ako kina Kristine. Naintindihan naman ata nila dahil napaiwas sila ng tingin at yung iba ay napabuntong hininga. 'Di namin alam gagawin namin.

"Ikaw na nga lang nagpapasaya sa'kin"

Ilang araw na nasa isip ko 'yan. Umaasa ako. Hays. I need someone to talk to. But who? You can't just trust your problem to anyone.

I glance at JC. He seems happy.

"Ikaw na nga lang nagpapasaya sa'kin"

Is he pretending?

But atleast he's near from being okay.

Vacant na naman. Ang tatamad ng teacher sa'min e. Pero atleast may time ako para chumika.

"Hi guyssss" bati ko kina Aileen at Annie. Yung upuan ko sana ay inuupuan ni Yona kaya sa sahig ako naupo. Nakatingala ako makipagkwentuhan sa kanila.

A teacher came. Just to say that we have a teacher but we will not have discussion. May ipapasulat lang. Kaya bumalik na sa proper seat yung dalawa at naiwan kami ni Annie. Nakaupo na ako sa inupuan ni Yona.

Ayoko siya guluhin habang nagsusulat kaya inintay ko na medyo nasa dulo na siya.

"Annie?" Nakatingin ako sa kaniya na mukhang namomroblema.

Nagngiti naman siya sa'kin. Alam na ata niya na mag oopen na naman ako. "Bakit?" Tanong niya at tumingin sa board at nagsulat ulit.

"Alam mo ba, may sinabi siya" kumunot ang noo niya sa tinutukoy ko. "Si ano" ngumuso ako papunta kay JC at nagets naman agad niya kaya napatango tango.

"Sabi niya ako na lang daw nagpapasaya sa kaniya. Umaasa ako te!" Tumawa lang siya sa way ng pagsasalita ko.

"Kasi naman eee. Huhu. Naconfuse tuloy ako kung aamin ako or hayaan yung sarili ko na mafall" bumuntong-hininga ako. Tumigil na siya sa pagsusulat at humarap sakin.

"Joyce.." medyo may pag aalangan na tawag ni Annie. "Nag-amin sa amin kanina si Yona. May crush daw siya kay JC pero matagal naman na daw. Baka wala na?"

"Hala?" Ano ba yan!

"Siguro kung sasabihin mo sa kaniya, magpapaubaya siya?"

"Ha? Gaya na lang nung nagpaubaya siya kay Aileen? Diba? Yung about kay Mark?" Tanong ko. May possibility pero parang ansama naman nun.

Tumango siya sa sinabi ko. "Pero malay mo wala ng feelings si Yona."

"Hays. Ayoko din naman umamin e. Tsaka pinapalayo na si JC sakin." Sabi ko habang nakatungo. Nakakalungkot.

"Ehh? Bakit naman?"

"Kasi may nakakita sa'min na kakilala ng mama niya. E ang sabi naghaharutan daw e magkatabi lng naman na naglalakad" irap ko.

"Ayy HAHAHA ang oa naman nun"

Sa huli, hindi nasagot ang tanong ko. Siguro iwasan ko na lang siya. Maliban sa pabor yun sa mama niya, ayos na ding desisyon yun para hindi na mas lumalim nararamdaman ko.

Siguro nga ganun na lang.

Nginitian ko na lang si Annie at nagpaalam na magccr.

Ibinalik ko ang notebook ko sa bag ko at hinabilin na kung ipapacheck ay idamay yung akin.

Pahinga siguro muna ako sa problema. Hindi ko na kakayanin 'pag may dumagdag pa.

Lumabas ako ng room. May mga nakasalubong akong estudyante pero isa lang ang nakasalubong kong nakatinginan ko pa.

Yung ex ko.

Umiwas ako ng tingin at pinakiramdaman ang puso ko. Wala. Nakamove on na ba ako?

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon