"Gusto niyo lang po pala ng lalaking mayaman para sa anak ninyo, sana nung panahong hinihingi ko pa lang po ang kamay niya sa inyo ay humindi na po kayo."
After those words, I left them. Sinakyan ko ang motor at ibinalik sa may- ari. Nagpasalamat ako at humingi ng pasensya dahil wala akong maibabayad sa kaniya.
Habang naglalakad, isa lang ang naiisip ko. Bakit ang damot ng mundo, wala naman akong ginago. Sa layo ng nilakad ko at dahil blangko ang isip ko ay hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako.
Nakauwi na pala ako sa bahay ng asawa ko.
Siguro nga, hindi ko dapat siya guluhin. Kung gagawin ko naman, ano namang mapapala niya sa akin?
Nakatingin ako sa mataas at malaking bahay.
Hindi man lang ako makapagpagawa ng kahit maliit na tirahan, pagkatapos may gana akong guluhin siya?
Naisip ko ang kamay ng lalaking iyon sa bewang niya.
Bagay nga sila, at pabor pa sa kanila ang mundo.
Engineer ako ngunit sa pangalan lang. Anong laban ko? Hindi naman lahat ng inhinyero ay tagumpay. Kahit naghirap akong makatapos, naghihirap pa din ako para sa luho ng pamilya ko.
"JC.."
Lumingon ako sa nag- iisang babae na hindi ako sinukuan at binigyan ng problema. Siya ang nag- iisang babae na laging nandyan, tunay na super hero ko.
"Ma.."
Naiiyak ako. Bakit sa tingin pa lang niya parang alam na niya? Bakit basang- basa ako ni Mama?
Niyakap niya ako, doon tumulo ang luha ko. Sa kahit anong paghihirap ko si Mama ang nasasandalan ko.
"M- ma"
"Sshh"
Nakatingin ako kay Mama.
"M-ma." Nilapitan niya ako.
"Paano mo nagawa 'yon kay Joyce?" Bulong na tanong niya ngunit ramdam ko ang diin sa bawat salitang binitawan niya.
"Ma, hindi ako nagcheat. Ma, iniiwan na niya ako."
"Kung hindi ka nagka ibang babae, ano si Kristine?"
"Hindi po ako ang nagpapunta sa kaniya, Ma."
"Sino?"
"Si papa po. Nagkasundo na daw sila ng tatay ni Kristine."
Gulat na nakatingin lang sa akin si Mama. "Ma, iniwan na ako ni Joyce. Ma... Hindi pwede 'yon."
Niyakap niya ako. Napaka- iyakin ko pagdating sa kaniya. Ang hina hina ko 'pag tungkol sa kaniya.
Dito, sa tagpong ito, ako nagalit ng tuluyan kay Papa.
"Salamat, Ma. Palagi kang nandiyan."
"No problem, anak."
Pumasok kaming dalawa ni mama sa loob ng bahay. Sinamahan niya ako hanggang sa kwarto kahit na ang lahat ay nasa salas. Hindi ito ang kwarto namin ni Kristine kaya naman ni- lock ko ang pinto.
Hindi ko alam ang dahilan, wala lang akong gana sa lahat. Nakakawalang gana ang lahat.
Sumandal ako sa kama ko habang nakaupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
JugendliteraturThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...