Kinabukasan, hindi nakapasok si JC. Nakatingin naman kay Kristine ang mga kaklase ko tuwing tinatanong ng teacher namin kung bakit siya absent.Nagpaalam daw kasi si JC kay Kristine na hindi makakapasok sa hindi ko alam na dahilan. Kasi nga diba kay Kristine nagsabi.
Tse
Magnobyo ba sila? Ibang level na pagkakaibigan naman na ata yun. Grabe naman. Kailangan talaga nagpaalam?
Nag-online din naman ako kanina ah. Ba't hindi na lang sa akin? Arghh! Nakakainis talaga.
Buong maga, badtrip ako. Walang nakausap sa akin kasi alam nila na mamumura ko lang sila.
Maliban kay Maki.
"Huy bakit badtrip ka? Selos ka kay Lady Bug no?"
"Sino naman yang Lady Bug na yan?" Nakakunot noo kong tingin sa kaniya.
"Edi yung girlfriend ng ex mo"
Umiling na lang ako sa kaniya. Nakakatamad magsalita. Mamaya mahampas ko 'to naku.
"si JC?" Tinaasan ko siya ng kilay "nasaan?" Nagkibit-balikat ako.
Ba't sa'kin mo tinatanong. Tanong mo kay Kristine!
Tumigil kami sa pag-uusap or siya lang kasi siya lang naman nagsasalita dahil dumating ang pinakaboring na teacher.
Halos 20 minutes na ang lumipas at halos makalimutan ko ang pagkabadtrip ko. Muntik na din akong sumubsob sa upuan kung hindi inalog ni Maki yung upuan ko.
"Huy labas tayo" pabulong na akit ni Maki.
"Pa'no?" Interesado na ako makaalis dito sa room. Walang patutunguhan ang paglelecture niya kung halos lahat kami nakaubob na.
"Sir, may naghahanap po sa inyo aa faculty" ika ng isang lower year na nagpapabebe pa. Akala mo ay ikinaganda.
Ng nasa may pinto na si sir..
"Tara dali" hinila ako ni Maki.
Kinakabahan ako dahil baka may makakita sa amin na malamang "nagcutting kayo?" ang iisipin.
Tumigil siya sa paghila sa akin. Nasa may damuhang part kami ng school.
" Huy gago nasaan tayo?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung saan na itong part.
Tumigil siya at tumingin sa akin.
"Gagi dito tayo magstay? Seryoso ka? Mamaya may ahas na lumabas dito" tinawanan niya ang sinabi ko.
"Hindi HAHHAHAHH. Dito kasi" turo niya sa pababang daan "baka madulas ka tapos sabay tayong gumulong doon kaya uuna ka."
"Ha? Pa'no 'pag gumulong nga ako?" Ano papabayaan niya ako? Ano siya hilo? Hihila-hilahin ako tapos.. grr.
"Ayy tanga. Hindi. Kaya nga ako magpapahuli para makapitan mo dito sa taas" Napatango tango na lang ako.
Nagsimula kaming bumaba, hindi naman mataas masyado pero may posibilidad nga na madisgrasya ako.
Nakakapit ako sa kamay niya habang nababa. Wala itong malisya 'no!
Tuluyan kaming nakababa at hindi naman ako nadulas. Buti naman.
"Pawisan kamay mo oy! Wala pa naman akonh panyo. Kitang wristband lang lagi kong dala."
"Arte naman nito. Buti nga tinakas kita doon sa boring na teacher" inirapan niya ako.
"Huy marunong ka na ah? Sino nagturo sa'yo mang-irap HAHAHAH"
"Omygash girl. It's normal, you know?"
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...