17

39 3 0
                                        

Letsugas, Ch17 na? Susko saan ito patungo, charrrr. Enjoy reading. 2 ch 'to. Intay lemeng😉😂

////////////////////////////

"Ano bang problema JC? Bakit ka ba ganyan"

After recess, hinigit na lang niya ako papunta sa katabi niyang upuan. Pagkatapos naming maupo ay pikon siyang tumingin sa akin.

"Ano JC?"

Umiling ito.

"Ano nga. Paano 'to maaayos?" Hinawakan ko siya sa braso ngunit tinagkal niya gamit ang kamay niya.

"Don ka na kay Maki"

Ha? Maki?

"Anong-- ahhh! Ayy sorry hehe" nag-peace sign ako sa mga kaklase ko dati napalakas pala ang salita ko. "Nagseselos ka kay ano?" Pabulong kong saad.

"Hindi ah" pag-iwas nito ng tingin sa akin.

Kinuha nito ang bag niya mula sa likod at niyakap. Isinubsob nito ang mukha niya sa bag.

"Huy nagtatampo ka ba? Sorry na."

"Ba't hindi ka don umupo sa upuan mo tapos lumingkis ka kay Maki."

"Ano ba naman yan JC. Katabi mo ako oh. Nasa 'yo ako. Bakit ba Maki ka ng Maki."

"Joyce." Umangat ito ng tingin sa akin "Hinanap kita kasi birthday ko, 'di ba? Ililibre sana kita ng recess pero nawala ka agad. Ano, hindi mo naaalala na birthday ko?"

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Malamang naaalala ko na birthday mo. At bumalik ako para sa wallet ko, kasi gutom na gutom na ako. Hindi ako nandito para makipaglandian sa iba. Sana naman inintindi mo muna yung side ko." Para siyang ibang tao na ang bilis ako husgahan e.

Tumayo ako sa inuupuan ko at pumunta sa bag ko. Kinuha ko ang regalo ko at padabog na inilagay sa desk ni JC. Hindi ko inintay ang reaksyon niya, tumalikod na ako, dahil nakatingin ang iba naming kaklase. Nakakahiya na.

Bumalik ako sa upuan ko at nagsimulang humabol sa pinapasulat ng teacher namin. Hindi ako galit kay JC, nakakabadtrip lang kasi tumiming na itong teacher na ito ang subject teacher namin. Siya lang naman yung teacher na chismosa at bababaan ang grades mo kapag ayaw sa'yo. Hindi siya ESP teacher niyan ha.

Anyways. Alam kong tinatamad magsulat si JC sa haba ng pinapasulat ng teacher namin kaya tumingin ako sa direksyon niya.

Inaabot ni JC ang notebook niya kay Kristine. Hindi, nagpalit pala sila ng notebook. Anong katarayan yan, JC? At hindi siya masama tumingin sa kanila ha. Ano, kasiyahan niya 'yon?

Okay, pasensyahan tayo JC.

I gave everyone a cold treatment even my parents. I'm not in a good mood para magentertain. Pabor din naman sa akin na walang kumakausap sa akin dahil baka masigawan ko lang.

Iniisip ko kung nakita na ba niya ang regalo ko. Simple lang yun. Memory Card. Alam ko medyo nakaka 'yun lang?' sa feeling pero alam kong maa- appreciate niya. He loves me enough para don. I know him. Soft siya na tao.

Maya-maya pa'y dumaan sa katabing bintana ko si Maki at JC. Magkasabay ata pumasok. Wow, magkaayos na sila? Bakit ako hindi niya kausapin. Nakakatampo siya masyado.

I'm on my way home when someone called me. Paglingon ko'y nakita ko si Maki na naglalakad din. Kasama si Chika.

Tumigil ako sa paglalakad at inintayan silang dalawa. Kagaya ng dating ugali ni Chika, masiyahin pa din siya.

Sinenyasan ko si Maki kung si Chika na nga ba at sumenyas ito ng 'oo'. Ngumiti ako ng palihim, sa wakas ay pinalaya na niya ako sa puso niya.

Paano kaya sila nagkaayos ni Maki e parehas sila palatawa. Hmmm..

Chika hhahahahha. I love you hhhahahha

Ahahhhha I love you too hahahahhaha

Hala baka naman hindi ganon.

"Joyceee, long time no talk" sabay tawa ni Chika.

"Hindi mo lang ako kinakausap kaya ganon" sagot ko naman.

Nasa unahang upuan ko kasi si Chika habang si Maki naman ay sa likod ko. 3rd wheeling pala!

Lumiko na sila kaya ng si Maki na lang ang nakatingin ay inasar ko siya sa tingin. Gumana naman! Kilig si tanga hahahaha.

Medyo ayos na ang pakiramdam ko ng makasama ko sila. Napangiti ako at gumaan ng kaunti ang nararamdaman ko. Ayoko din namang patagalin ang maliit na away namin, naiinis lang ako kasi hindi niya ako sinusuyo o kinakausap man lang.

Kinahapunan ay hindi ako ng hapunan. Kinatok ako ni mama na kumain na ngunit sumagot ako na mamaya na lang dahil may gagawin pa ako. Tunay na may gagawin ako pero ayoko lang talaga kumain. Kawawa naman ang project ko, nagamit ko sa pagsisinungaling.

Habang nakaubob ako sa mesang puno ng punit at gusumot ng papel, pumasok si mama sa kwarto. "Akala ko ba may gawa ka? Ba't ang dilim dito?"

Binuksan nito ang ilaw at sumingkit ang mata ko sa pagkasilaw. "Okay lang na madilim ma." Sagot ko.

"Tinawagan ko nga pala si JC"

"We? Wala kayong number non" hindi ako naniniwala sa mama ko. Alam ko tinatakot lang ako nito para kumain ako.

"Tinawagan ko. 'Wag kang tarantada." Napatahimik naman ako sa pagmumura nito sa akin. "Alam ko ng hindi kayo magkaayos" lumapit ito sa akin at umupo sa kama ko.

"Okay lang kami Ma"

"Magkaayos na nagkasagutan at hindi nag-usap maghapon?" Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Kung ano man ang problema niyo, maaayos din 'yan. Alam ko nagsisimula pa lang ang relasyon niyo kaya nagkakaroon ng maliliit na problema. Ang sa akin lang, matuto kayong intindihin ang isa't-isa. Alam kong may kaunting parte pa sa inyo na pagka- immature, pero 'wag niyong lagi pairalin. Siya ang una mong katipan, Joyce. Gusto kong hindi ka masaktan at makasakit. Bata ka pa, alam kong maaaring hindi pa siya ang makakatuluyan mo ngunit gusto kong matuto ka. Kapag hindi kayo nakatagal, hindi kita pag-aasawahin ng iba. Nakausap ko na si Kumare, ship namin kayo" kumindat pa ito sa huli at tumayo. Lumakad paalis at iniwan akong nakatanga.

Akala ko sobrang seryoso ng sasabihin niya, may halong joke pala.

Pero nadama ko ang sinabi niya. Nawala na ang bigat na nararamdaman ko. Mahal ko si JC, kahit ano namang mangyari sa kaniya ako kakapit.

Tumingin ako sa pintong nakasara na. Salamat Mama.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon