8

44 2 0
                                    


"A-ano" agad kong itinago ang pulso ko at kinuha ko ang papel na binibigay niya gamit ang kanan kong kamay. Hindi ko alam kung ipapaliwanag ko ba sa kaniya o hayaan kong alam niya.

"Wala kang pagsasabihan nito. Kalimutan mo ang nakita mo." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Bakit Joyce? All this time akala ko ang saya mo lang. Takbuhan ka ng kahit na sino sa amin. Tapos ganyan? Ano bang nasa isip mo?"

Yumuko ako. "Pumasok ka na lang Joyce. Pakisabi masama lang ang pakiramdam ko." Sinamaan ako nito ng tingin.

"Alam ba 'yan ni JC?"

Umiling ako.

"Sinong nakakaalam?"

Umiling ulit ako. "Please 'wag mo na lang ipagsabi"

Tumango ito at kinuha ang bag niya. Umalis na ito ng may pag-aalangan. Napabuntong hininga na lang ako ng makita kong nakasarado na ang pinto.

Now I know what's my problem.

No one knows my point of view, that's why no one wants to be with me. That's why no one ever stayed.

Kinahapunan, kagaya ng ine-expect ko, nandito silang lahat. Kahit hindi iisang grupo ang grupo nina Kristine at Yona ay nanatili silang nandito. Malamang kagagawan 'to ni Hanni

Suot ko ang wristband ko dahil ayaw kong may iba pang makaalam. Tanga na ako kung hahayaan kong may makaalam pang iba.

"Bakit lahat kayo nandito? Hindi ko birthday ha, wala akong maipapakain sa inyo" biro ko.

Bale, walong babae kaming nandito. Nakapabilog kami. Katabi ko sa kaliwa si Hanni, sa kanan naman ay si Annie. Kasunod ni Hanni ay si Kristine, Eula, Maiden, Aileen, Yona at si Annie.

"Sabi kasi ni Hanni, open something daw" sabi ni Eula.

"Oonga, syempre may sari-sarili tayong problema pero syempre meron dito na may problema sa akin" sabi naman ni Yona

"Hahahaha 'di mo sure" ngisi ni Kristine.

"O ano na simulan niyo na. Excited na ako mangcomfort ng naiyak" sabay tawa ni Maiden.

"Ayy, kasali ka ba Den?" Asar naman ni Hanni.

Tumatawa lang si Aileen at Annie dahil sa tingin ko, hindi nila kaya makipagsabayan.

Ako naman ay kinakabahan. Basta hindi ko sasabihin. Magiging tahimik lang ako.

Bumuntong-hininga ako at tumingin silang lahat sa akin. Naka-fierce akong nagsalita.

"Ano mang sasabihin niyo, natin, ay hindi lalabas sa kwartong ito. Ano mang makinig niyo, hanggang isip lang ninyo. Walang magsisinungaling, walang maninira at kung aalis ka lang sa grupo dahil lang sa problemang makikinig mo, umalis ka na ngayon."

Nagbilang ako ng 30 segundo at ng makita kong lahat sila ay interesado, saka ako tumango at nagsalita.

"Magsimula na tayo"

May inilabas na bote si Hanni. Tahimik lang kami dahil alam naming lalabas ngayon lahat. Lahat-lahat.

Ipinaliwanag ni Hanni ang gusto niyang mangyari. Kung kanino tumapat ang ulo ng bote, ito ang magcconfess. Kung kanino naman tumapat ang kabilang dulo ng bote, doon siya sa taong yun magsisimula magconfess, papuntang kaliwa ng taong yun hanggang sa nasa kanan ng taong yun.

Si Hanni ang nagpaikot ng bote. Ito ay para malaman kung sino ang unang magcoconfess.

Tumapat ito kay Yona. Ngumiti ito kay Kristine at hinawakan ang bote.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon