34

72 2 1
                                        

Pagmulat ng mga mata ko ay mga ngiti niya ang agad kong nakita. "Goodmorning!" Masiglang bati nito.

"Morning" ngiti ko pabalik.

May kausap ito sa cellphone. Ako naman ay nag ayos ng sarili. Uuwi na ako. Nag aalala na talaga sa akin ang mga magulang ko. Buti na lamang at hindi ako pumayag na uminom dahil baka hanggang ngayon ay bagsak ako sa kama.

Nagsuot ako ng pang alis. Wala ng atrasan 'to.

"Una na ako sa'yo Kristine." Humarap siyang tila hindi makapaniwala sa nakikita niya. "Isara mo na lang ang pinto nitong kwarto na 'to. Salamat kagabi."

Hindi na siya nakapatol pa dahil agad din akong lumabas ng pinto. "Sorry Ma, Pa. Babalik na ako"

Ang selfish ko. Bakit hinayaan kong wala silang alam na nandito ako. Paano kung may nangyari ng kung ano nang wala akong alam.

Nakahanda na para umalis ang van. Hindi ko alam kung dito ba sila natulog o talagang nakatingin sila sa akin 24 hours para malaman ang desisyon ko. Hindi naman siguro abot sa loob ng kwarto, hindi ba?

Pagdating ko sa bahay ay nakakunot-noo kong nilingon si mama at papa. Bakit nasa bahay sila? May pasok sila ah? Pahinga ba nila?

Nagmano ako sa kanila. Umakyat si ate sa hindi malamang dahilan. Para tuloy akong teenager na aamin na naglayas.

"Sa beach po ako galing." Halos pabulong na wika ko.

"Oo nga e. Nasabi sa amin ng Boss mo." Sabi ni Mama.

"Ayos 'yang ganiyan at pinapahinga ka ng Boss mo pero huwag mong papatulan, ha! Ayaw pa kitang pag asawahin. Ibibili mo pa ako ng kotse." Sermon naman ni Papa.

Napangiti ako ng maliit. Parang dati lang support na support siya sa amin ni JC, 'di ba? Ngayon kasi, hindi na kami pwede.

Hindi kami pwede.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. May iniisip ba ako or lutang ako? Hindi ko na alam. Humiga ako sa kama kahit hindi ko pa naibubotones ang huling bead sa pantulog ko.

Posible pa bang umayos ang sitwasyon naming dalawa ni JC? May trabaho na kami, oo, pero bago pa lang kami e.

Kristine is a nice girl. She is a girlfriend material, except that she's quite spoiled. What if there's them? Paano na ako?

Susuko na ba ako?

Hindi ko na alam! Umaasa ako kahit wala namang kaasa- asa. Nagpapadala na naman ako sa kaniya. Lumalaban na naman ako kahit hindi niya ako pinaglaban noon kay Kristine.

"Hi.." I said, answering his call.

"Labas ka ng kwarto mo. Nandito ako sa likod."

My eyes widened and my lips formed a smile. He's here! He's really here!

I'm biting my lower lips while walking to him. I'm so happy to see him. Mukha siyang kauuwi lang galing sa trabaho pero ang linis tingnan. Siguro sa office lang siya pumunta at hindi sa site.

He opened his arms so I hug him. He hugged me back and said, "I'm back... and I'm going to get you now."

"Paano?"

"Anong paano?"

"Magtatanghali na oh. Hapon tayo ikakasal?"

Nginitian niya ako. "Ang baliw mo.  Ibig kong sabihin" inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Hihingiin ko ang permiso ng magulang mo"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Paano ang pamilya mo?" Nagbaba siya ng tingin. "Hindi sila payag?"

Mahirap ipaliwanag sa mga magulang ko na hindi ako tanggap ng pamilya niya. Paano kung tumanggi sina Mama dahil wala ang magulang ni JC? Ang hirap.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon