9

45 2 0
                                    


"Umamin na si Yona kay JC" kinig kong sabi ng isa kong kaklase.

Patuloy lang akong naglakad papunta sa upuan ko at sinusulyapan si Yona. Nakaupo ito sa upuan niya, may hawak na ballpen at papel. Hindi na nakakapagtaka, running for valedictorian namin 'to e.

Grabe. Yung mga babae na nagkakagusto sa kaniya: matatalino, talented, tapos ako.. wala naligaw hahahah

Kasama naman ni JC ang mga boys sa room. Maybe they're telling him na jowain si Yona. Hmm. Bagay naman sila, walang tututol sa kanila sa room. Teachers, students and friends. Siguradong susuportahan sila.

Sana lahat.

Nilalayuan ko naman na si JC. Siguro 'yun ang naging basehan ni Yona na umamin. Hindi ko kaya umamin sa lalaki. Paano niya nagawa yun?

Paturo naman po, Idol.

Umupo na sa likuran ko si Maki kaya idinistansya ko na ang likod ko sa pag-aakalang ilalagay niya doon ang bag niya. Pero hindi. Kaya isinandal ko na ulit ang likod ko.

Maya maya itinulak niya ang likod ko para ilagay ang bag niya. Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin habang nagtataka naman siya kung bakit ganoon ang reaksyon ko.

Grabe. Ang kulit ng tae nito ah. Hayaan na nadagdag lang siya sa problema ko. Bumuntong-hininga ako at tumingin na lang sa bintana.

Kailan ako sasaya?

Uwian na naman. Hindi ako sumakay ng tricycle at naglakad ako. Medyo maaga kasi kaming pinauwi at sayang naman ang ipapamasahe ko kung hindi naman ako nagmamadali umuwi.

Alam kong nasa may likuran ko si JC. Hindi ko ito sinasadya. Sadyang nahuli lang siguro siya ng labas ng school. Hindi tuloy ako komportable! Pakiramdam ko mali ang paraan ko ng paglalakad.

Ano bang problema ko? Hindi naman siya titingin. Malay ko kung kasabay pala niya si Yona. Edi pakasaya sila, 'di ba?

Hays ano baaaaaa. Ba't ganito naiisip kooooo. Nakakahagas na.

Nakatungo akong naglalakad. Saulado ko naman ang daan pauwi kaya hindi ako maliligaw kahit nakaganto ako.

Nakalagpas na ako sa daan papunta kina JC kaya bumuntong-hininga ako dahil sa wakas wala na siya sa likod ko. O baka naman na disappoint ako dahil hindi niya ako sinabayan.

Bakit naman niya gagawin?

Ano na Joyce. Natatanga ka na.

May nasunod na yapak sa likod ko pero hinayaan ko na. Hindi naman akin ang daan para sabihin na sumusunod ito sa akin.

Umangat ako ng tingin dahil may nagkakagulo na estudyante. More on kaklase ko.

Parang may birthday party. Nagpatuloy ako sa paglalakad at balak na lang sana lagpasan ang bahay na iyon. Hindi ko naman kilala ang may bahay at hindi naman ako invited kaya anong pake ko?

Napabagal naman ako ng lakad dahil nakinig ko ang pangalan ni JC.

"Umamin ka kay JC?"

"Oo bakit? May girlfriend ba siya?"

"May rumors na may dinedate daw siya e"

"Seriously?"

"Joyce?"

Napatigil na ako ng lakad at lumingon. Nagulat din ata sila na napadaan ako. Halos lahat ng nasa kwarto ko noon. Lahat sila nandoon, sa palagay ko. Ngumiti na lang ako sa kanila at dumiretso na paglalakad.

"It's no big deal, Joyce. Birthday lang yun. May pagkain din sa bahay" pagpapaalwan ko sa sarili ko.

I woke up the next day sad. I feel alone. I badly want to know who's there for me.

Nandito na naman ako sa punto ng buhay ko na walang wala ako. Paano ko nga ulit naresolba ito noon?

Sa pagkakatanda ko, wala akong ginawaan ng masama para mangyari na naman ito. So, kahit pala hindi ako naging mabuti, wala pa ding magstay.

I get it now.

At school, I never showed them that I'm hurting. Only this room knows. This room saw me slashed my wrist, cry silently, and sad. This room is the only place where I can show what I am, how I feel.

I wished, there is someone who will always be there for me.

I'm ready to go to school when I saw my papa vomited blood and he's unconscious.

Why am I always struck by misfortune?

"Aatteeeee!!!" Sigaw ko. Agad na tumalima si ate at binuhat namin si papa papunta sa pag-aari naming topdown tricycle.  Pinaharurot ko ito papuntang hospital at hindi ko alam ang gagawin. Tumakbo papuntang emergency at humingi ng tulong dahil hindi na ito kaya buhatin ni ate.

Iniwan ko si ate sa hospital at pumunta ako sa pinagtatrabahuhan ni mama. May dugo ako sa damit pero wala na akong hiya dahil buhay ni papa ito.

Alam kong dapat nasa school na ako pero wala akong magagawa. Mas mahalaga si papa kaysa na isang araw na klase.

"Mamaaaa!!" Sigaw ko at ninerbyos naman ang iba dahil sa itsura ko. Hindi nakapagsalita si mama kaya "si papa. Tara" namutla naman si mama dahil alam niyang about kay papa ito.

Nasa likod ko si mama habang nagddrive ako papunta sa bahay. Tinawagan ni mama ang driver ng van namin at pinahanda ang sasakyan habang ako ay ikinuha si mama ng maligamgan na tubig.

Inilagay ko ito sa table sa tabi niya dahil naghahanda siya ng mga kailangan ngayon.

We're in a rush. Maya-maya pa ay naandito na din si ate at sinabing nandoon na si Kuya Raven. Pinsan ko. Wala pa din daw malay si papa at nagsuka ulit ng dugo.

Kinuha ni ate ang damit ng sofa dahil puro dugo. At umalis kami sa bahay na nagpupunas pa siya ng sahig. Pagkadating namin ay hindi ako dumiretso kay papa dahil hindi ko kayang makita si mama na hagas, naiiyak at wala sa sarili. Madami kaming nag aabang sa labas ng kwarto. Tita at tito ko.

Ang bag na dapat notebook ko ang laman, damit na. Dahil idederetso daw namin si papa sa Lucena. I'm already wearing a peach short sleeve t-shirt with a hood partnered with black pants.

Lumabas si Mama at busy ang lahat kaya ako ang inatasan ni mama na bantayan si papa. Pumasok ako sa kwarto ng mabigat ang paghinga.

Ayokong umiyak.

Nginitian ko si papa ng maliit. Sinenyasan naman niya ako na lumapit. Pagkalapit ko ay niyakap niya ako. Napaltan na din siya ng damit kaya hindi ako nalagyan ulit ng dugo.

If not because of him, hindi ako matututo magdrive. I'm the only one who can drive among my cousins.

"Magaling ka na magmotor ah" biro pa nito. Hindi talaga siya fan ng pagiging malungkot. That's why he's my idol.

Bumitaw siya sa yakap. "Akala ko e hindi na ako magigising e" nakinig lang ako sa kaniya. "Kita ko na ang ulap kanina. Ang liwanag. Akala ko ay wala na e." Ang dilaw na ng mata niya. Kita ko ang pagdaloy ng luha niya mula sa mata niya papunta sa baba ng tainga.

I couldn't lose him.

" Kuhanin mo yung duraan ko diyan" inabot ko iyon sa kaniya. May dugo yung dura niya. Ng ibabalik ko sa pinagkuhanan ko ang duraan niya ay tumulo ang luha ko.

Kumisap-kisap ako at buti na lang nasa likod ito ng kama niya kaya hindi nito kita.

May pumasok na lalaking nurse at tinagkal ang nakalagay sa ilong ni papa. Hinila si papa papunta sa labas. Sumunod ako at nakinig ko pang tinanong si mama kung ambulance ba.

Idineretso si papa sa van namin at sumakay ako malapit sa pinto. Our driver drove the van fast but smoothly.

Mama close her eyes while I'm checking papa from time to time.

I hope he's safe. I hope he will fight. Please, hold on papa.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon