30

83 3 1
                                        


Is it right for me to base his love on informally introducing me to his family? He left me there for her. Ngayon naman, hindi niya man lang ako tinatawagan.

I decided to walk into my room and think of what will I do to my life. Napatigil na lang ako sa paglalakad dahil narinig ko ang mga magulang kong nag- uusap. Kalimitang oras na ganito ay wala sila ngunit bakit sila nandito?

"Paghanapin mo na ng trabaho si Joyce. Alam mo na matanda na tayo. Maayos na'ng hindi ko maabutan ang apo ko huwag lang hindi ko maabutan na mayaman na siya sa sarili niyang pera." Kinig kong sabi ni Papa.

"Graduate na si Joyce, Agom. Pabayaan mo siya sa gusto niyang gawin dahil kahit kailan naman pwede siyang pumasok ng trabaho." Nakinig ko naman ang boses ni Mama.

"Bakit kasi hinahayaan mo na lumapit na naman siya sa JC na iyon. Dati ko pang sinasabi sa'yo na palayuin mo na siya." Nakikinig kong papalapit si Papa sa pinto kaya umalis na ako sa pwesto ko.

"Ano ba'ng inaayawan mo sa kaniya? Kasiyahan 'yon ng anak natin bakit ipagkakait mo?" Habol na sabi ni Mama na dahilan ng pagtigil ko sa paglakad.

"Ang kailangan ko ay yung mabubuhay siya. Paano kapag siya pa ang pinagtrabaho no'n? Kapag pinerahan siya ng pinerahan?"

"Engineer na yung tao, Agom. Makakabuhay na 'yun! Isipin mo na lang ang magiging reaksyon ng anak natin kung gusto mo siyang palayuin do'n"

"Hindi mo ba alam na sagot ng mga Adano ang pamilya---"

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong. Adano. Hindi ba't kay Kristine iyong apelyido? Kung ganoon, Adano is supporting Sullivan financially?

I hold my necklace.

And here I am, accepting something that is not sure if it came from his own pocket.

I waited for tomorrow to talk to JC. Kung kinausap ko siya kahapon, hula ko ay mag- aaway lang kami.

Nagsuot ako ng pantalon at tshirt. Simpleng damit para makipagkita sa taong gusto kong manatili sa buhay ko.

"Anak?" Lumingon ako kay Papa na nakasilip sa pinto ng kwarto ko.

"Pa?" Umayos ako ng harap sa kaniya at binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Pa- sa'n ka?" Curious nitong tanong.

"Kay ano po.. JC." Iwas ko ng tingin. Naaalala ko na naman ang kahapon na gusto niya akong palayuin sa kaniya kaya hindi ako komportableng sabihin ang pangalan niya kay Papa.

"Bakit? Lapit ka pa ng lapit doon. Katipan mo na ba 'yon?" Ramdam ko ang inis sa pagsasalita niya.

"Hindi po."

"Ano?" Kunot-noong tanong niya.

"Manliligaw po." Ngayon ako binagsakan ng katotohanan.

"Manliligaw mo pala, bakit ikaw ang pupunta?" Napatahimik ako dahil tama nga si Papa. "H'wag ka ng lalapit do'n. Bubugbugin ko 'yon kapag nakita ko kayong magkasama" banta niya.

"Bakit, Pa? Bakit ayaw mo na sa kaniya?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Hindi ka niya kayang buhayin. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na mag- asawa ka ng bubuhayin ka. Bakit nand'yan ka pa din sa lalaking 'yan?"

"Agom, tara na." Higit ni mama kay Papa. Hindi ko alam na nakapasok na din siya ng kwarto sa sobrang tutok ko kay Papa.

"Engineer, Pa. Noong highschool kami boto ka sa kaniya, bakit ngayon? Na may tinapos na yung tao?" May bahid ng inis na sabi ko.

"Gusto mong mapunta sa pamilya na binubuhat ng iba? Gusto mong ikaw naman ang kapitan?" Seryosong sabi ni Papa.

"Gawin mo na lang nini. Gawin mo na lang." Sambit na lamang ni Mama bago higitin si Papa.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon