Epilogue

273 4 6
                                        


Pagkadating ko sa bahay namin ay mabilis ngunit tahimik akong tumakbo patungo sa taas. Sa kwarto namin ni Leo. Isinilid ko sa nakahandang kahon ang papel at tinakluban ito. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. 

Tumalikod ako para sana tawagin si Leo ngunit nandoon na siya. Maangas na nakasandal sa hamba ng pinto. "Kailan ka pa nand'yan?!" 

Nakita kaya niya?

"Hindi. Kasusunod ko lang sa 'yo."

Tumango- tango ako. "aayy!" Tumikhim ako. "Happy Birthday!!" bati ko sa kaniya. Gumilid ako para mas makita niya ang ihinanda kong mga pailaw at regalo sa kaniya. 

"Dami nito ah. Galing sa card ko?" biro niya. 

"Grabe kaaa. May pera naman ako." kinunot ko ang kilay ko at ngumuso. 

Lumapit siya sa akin at pinisil ang pisngi mo. "Cute mo no?"

Nilingon ko ang kahon at itinuro sa kaniya. Nginitian ko siya at iniyapos ang kamay sa matipunong braso niya. Wala siyang ideya sa kung ano ang regalo ko sa kaniya ngunit alam ko na ito ang magiging pinakamagandang regalo para sa kaniya. 

"J- joyce." hinawakan niya ang PT at ang ultrasound ko. "Tatay na ako? Magkakaanak na tayo?" 

Tumango ako at napaluha dahil sa ipinapakita niyang ekspresyon. Masaya ako na masaya siya para sa dinadala ko. 

"I'm a dad.." he whispered so, I observe him. Oh, he's still shock. "I'm a Dad! MOM! DAD! JOYCE'S PREGNANT!"

Mabilis siyang tumakbo pababa ng bahay at napasapo na lang ako sa noo ko dahil hindi na niya napansin na nahila niya ang chrismas light na ipinang dekorasyon ko.  Napatigil siya saglit at binitawan ang ilaw pagkatapos ay tumakbong muli. 

Kiddo.

"Is it true?!"

"Congratulations."

"Congratulations anak. I know you'll be a good father."

"Like I did."

"Excuse me?"

Naabutan kong nagbabangayan ang mga magulang ni Leo at natawa na lang ako dahil para silang babagong magjowa kung mag- away.

"Omygod! Alalayan mo si Joyce baka madulas siya sa hagdan!" pasigaw na utos ni Mom kay JC.

"Oh goodness. It will not happen. It's been two months now since she stayed here." sabi ni Dad ngunit nagpatuloy pa din sa paglapit sa akin si Leo para nga alalayan ako. 

"You don't have to." I said and chuckled. 

"You know that she's pregnant!" kinig kong sabi ni Mom. 

"And she's not blind, right Joyce?"

"Argh!" irap ni Mom kay Dad. Tinawanan ko na lang sila. 

Pumunta kami sa kusina ni Leo. Pinaupo niya ako at naglapag siya ng isang basong tubig. "Thank you", I said. He blushed and sit beside me. Hinawakan ko ang pisngi niya. "Init ah"

"I knew I'm hot. That's why you get addicted, right?" 

"Hangin bigla." I smiled and scratch my ear. He just laugh. While he's waiting for me to finish the glass of water, he called my parents. "They don't know." 

Tumango siya. May pinag- usapan sila sa magulang ko at sinabi sa akin pagkatapos na pupunta daw sina Mama at Papa mamayang gabi dito. 

I'm excited. I missed them. 

Habang nag- iintay na gumabi ay tumambay kami ni Leo sa terrace nila. Maganda ang view dito at hindi gaanong mainit kahit hindi pa lumulubog ang araw. 

"Naaalala mo ba nung umamin sa 'yo si Maki noon? Nakatago kami no'n sa pader. Inaabangan  kung maba- busted nga ba siya." kwento niya. 

"Ehh? Alam ba ni Maki?"

"HIndi." sinundan niya iyon ng tawa. Napalingon siya sa leeg ko. "He really hold a special place in your heart, huh?"

"Are you jealous?"

"Nope. You're my wife now. I am more powerful."

"He doesn't hold a special place in my heart and I don't love him anymore but, my world rotates to him for a decade and I don't want to turn our memories into nothing."

"Even the bad ones?"

"Even the bad ones." 

"Why?" 

"It's what made me stronger." He nodded to what I said. 

"LEO! JOYCE!"

"Makain na ata. Tara na?" Tumango ulit siya. 

I remember every single thing about him. I remember how I became an introvert, to being depressed, to be suicidal. I did not forget a single thing. My father and Leo did it on purpose. 

I came to him, I talked to him because I can. I don't feel that I can't. I don't have the urge to ignore him lalo na at kailangan niya ng kaibigan. I don't need him in my life but he's not new to me. I loved him before. Selflessly. 

Maybe, we're just not meant for each other. 

I ate every thing that Leo put in my plate but he's the one that I  bite when I said I'm full but he continue to give me. "Aww. Dalawa kayo ni baby na pinapakain ko kaya 'wag kang nareklamo."

"Ang taray mo naman po." tinawanan ko siya at dahil sumasabay siya sa trip ko, inirapan niya ako. Napakataray talaga kahit kailan. 

Masaya na din ako kay Leo. Alam ko na mabilis ang nangyari sa aming dalawa ni Leo ngunit hindi naman siguro mali na ikasal ang dalawang single. Hindi ako kailanman pinagbuhatan ng kamay ni Leo mula ng magkita kaming muli at oo, hindi ko nakilala na siya ang boss ko dahil nakalimutan ko na siya noon. 

Kinabukasan ay doon namin nakatagpo si JC. Sa kaniya pala ang susi na iyon. Nakakapagduda na hindi ako pinalayo ni Leo sa kaniya ngunit siguro alam na namin na hindi na niya ako guguluhin dahil may anak na sila ni Kristine (ayon sa diaper na nakatali sa labas ng kahon) at magkakaanak na kami ni Leo. 

Sumunod na araw noon ay hinayaan ako ni Leo na makipag- usap kay JC. Dinala ako ni JC sa bahay nina Kristine at doon ay naabutan ko itong mapayapang natutulog. Permanenteng pagtulog. 

Lumabas ang mga tao sa kwarto na mga mugto ang mata at hinayaan kaming tatlo na umukupa sa kwarto. "Kanina lang.." tumango ako. Kaya pala hindi pa siya nakukuha ng mag iimbalsamo dito. "Kanina ko lang din naramdaman na may pagmamahal akong nabuo sa loob ng mga buwan na magkasama kami."

I know that. Hinding- hindi mo siya pipiliin kaysa sa akin at sa buhay mo kung hindi mo siya mahal. 

"Hindi.. Hindi mo ba talaga ako maalala?" nanlulumong tanong niya. 

"Huwag mo na akong intindihin. Ang asikasuhin mo ay siya.." tingin ko kay Kristine. "At ang anak niyo. Hindi ko na kailangan ng pagmamahal mo, JC. Kung pwede ay sa anak niyo na lang ibigay ang ipinaparamdam mo sa akin." Tumingin ako ng diretso sa kaniya at ngumiti. "Mahiya ka naman sa asawa mo, harap- harapan mong ginagago." 

Binalot siya ng hiya at tanging pagtungo na lamang ang nagawa niya. 

Nagtagal pa ako doon ng kaunti para iwan ng mensahe si Kristine tsaka ako nagsabi na uuwi na ako. 

"Joyce.." he looked at me intently. Hoping that he'll find answers in my eyes.

"I didn't forget you, my heart did."

His lips smiled but her eyes were sad as I answer him straight. "You aren't now introvert, right?" he added. 

Umiling ako at nginitian siya ng matamis. "You made me stronger than what I really am. Thank you." See you when everything is under control, JC. 

I hope you find someone who is not shrinking violet.


Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon