"Hindi mo sinabi na kilala na nila ako!"Hampas ko sa braso ni JC. Nasa isang café kami malapit sa bahay. I feel like, may lakad sila ng tropa niya pero nandito siya ngayon, kasama ko.
Tinawanan niya lang ako at kinindatan. "Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo? Kita ko kanina sa gc nag-aakitan sila ah"
"Okay lang yun. Maiintindihan nila ako" sagot niya. Humawak ito sa baywang ko at sumandal sa balikat ko.
"Bakit ang clingy mo ngayon?" Kuwestiyon ko.
"Lagi naman e. Pakiramdam ko talaga hindi mabubuo araw ko 'pag 'di kita makasama or mapadikit sa'yo. Kahit dampi sa daliri lang, oks na!"
Iniisip ko pa din kung paano ako nakilala ng mama niya, e first time niya lang naman ako nakita. At saka naaalala ko noon na pinapalayo niya si JC sa akin dati.
Tinulak ko ang ulo niya paalis sa balikat ko at tiningnan ng naka-pout. "Paano nga ako nakilala?"
"Wait" kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at pinicturan ako. "Hihi ang cute"
Napabuga ako ng hangin. Ang kulit kulit! Hindi ko alam kung magtatampo ako o matutuwa. "Hindi ka na lasing pero ang hirap mo ihandle." Irap ko. " Sapukin kaya kita?" Ngiti ko ng maliit
"Hala wag ka naman ngumiti ng ganyan. Nakakatakot e"
Sumimangot ako at kumain na lang ng inorder namin. Bahala siya magbayad nito binwisit niya 'ko e.
Matapos kong mabored kakanguya, nilingon ko siya. "Ano?" Naabutan ko siyang nagsusumamo ang mukha.
"Sorry na bb" sinamaan ko ito ng tingin.
"Oo na. Okay na"
He grinned and he offered me his phone. No, he just showed me something. "Look. Isn't she so cute~?"
I saw my disgusting face so I shook my head. "Kadiri. Idelete mo yan"
"Bakit? Akin naman 'to e. Hindi ko 'to ishshare no. Labidabs ko 'to"
"Labidabs?" tawa ko
"Oo" tawa din niya.
Nagpatuloy na masaya kami dahil hindi na ako tinopak. Akala ko lang talaga masaya hanggang makauwi kami pero dahil naglalakad na kami pauwi e. Hindi pala.
"Hoy JC! Lagot ka kay Hilda!" Sigaw nung isa niyang katropa na maliit. Hilda ang pangalan ng mama ni JC.
May tatlong lalaki na naglalakad papalapit sa amin. Tinapik tapik nung isang lalaki na sa tingin ko ay hanggang ilalim lang ako ng tainga si JC. Sabay sabing "Onga, pre. Sabi Popoy kasama no na naman asawa mo".
Napalingon ito sa gawi ko kaya tinapik siya ng isa pa nilang kasama na maputi. "Boy magdasal ka na. Sasapakin ka niyan ni Joyce. Bagas yan"
Dalawa na sila ngayong inuulitan ang tumapik kay JC ng "halaaaaa".
Tinawanan ko sila at binigyan ng thumbs up para sabihin ayos lang 'yon. "Pasaan ba kayo?"
"Ahhh diyan lang kina Michel." Sagot ng maputing katropa nila.
"Ahhh don sa--" pinutol ako ni JC
"Hindi ako makakasama" tumingin ako sa kaniya. "Hahatid ko pa si Joyce e. Papagalitan ako ng Papa niya."
"Yiiieeeee"
"Lover boy"
"Aahihihihi keneleg nemen eke papa JC!"Tinawanan ko ang pagtudyo nila kay JC.
"Mga ga*o. Magsilayas na nga kayo" hinila na ako ni JC. Nagsimula na kaming maglakad papalayo. Tamo 'to pinapalayas sila pero siya umalis.
"Susunod daw si JC!" Sigaw ko. "Aray!" Sinimangutan ko si JC. "Ba't mo 'ko pinitik!?"
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...