2

193 2 0
                                        


After mag-open sa'kin ni JC about sa issue thingy na 'yon, mas naging close kami.

Natambay na ako kasama kaibigan niya. Nakain, naglilibrehan at kung ano ano na wala namang masama palagay ko.

Lima kami. Tatlong babae, dalawang lalaki. Okay lang naman kami pag magkakasama. Magkakaiba ng trip pero masaya naman.

Minsan, nagroroadtrip din kami. Doon kami man naging close ni JC. Iniingatan niya ako na 'wag malaglag sa sasakyan, pinapahiram ng cap kapag mainit at binibilhan ng pagkain 'pag bad trip na 'ko sa gutom.

Akala ko 'yun na yung magiging grupo ko.

Hanggang sa may naging toxic na.

Ganun naman diba? 'Yun lang naman ang mahirap sa pagkakaron ng kaibigan.

Hanggang sa kami na lang natirang dalawa ni JC. Yung grupo na nabuo namin, nawala na. Nakakamiss pero alam mo yung hindi na compatible?

Sayang..

Dahil na nga don. Kami na lang ang kumakain sa labas ni JC. Namatay na din yung issue nila ni Kristine.

Just pray na 'di na naman ako ma-issue. Hmpf. Habol ng habol 'tong issue na 'to, wala namang pag-asa sa'kin. 

Madalas na din kaming magchat. Hindi ko alam kung ano ba 'to pero ayokong mag-expect.

Ayoko mag-jowa tas ang ending lahat mawala sakin; pati kaibigan.

Jowable siya, pero ayaw kong i-risk yung kung anong meron kami.

Masaktan na 'ko dahil sa heaetbreak 'wag lang dahil nawalan ng tunay na kaibigan.

Kagaya ni JC.

Ayaw kong mawala siya sa'kin. Ang hirap atang mag-open sa iba tapos from the start na naman. O kaya kimkimin lahat dahil wala na yung taong nakasanayan na pag-open-an.

Hays..

I'm overthinking. 

"Ano na sa'yo? Kawawa naman yung chchirya kanina mo pa tinititigan" nagising ang diwa ko ng may magsalita sa tabi ko. Si JC.

Nasa convenient store kami nabili ng pagkain. 'Di ko alam kung pang-ilan na 'to pero September na.

Technically, kung binilang ko, baka naubos na daliri ko sa kamay at paa.

"Ayoko kumain" saad ko na lang.

"Bakit? Diet diet ka pa man layers naman na bilbil mo" sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa siya. Alam niyang nainis ako sa pang-aasar niya.

Gigil!

Kumuha ako ng tomi at sinamaan ulit siya ng tingin sabay irap. Uunahan ko na sana siya sa counter pero naalala ko,

Shet 'di ako marunong magbayad sa counter counter na 'yan.

Tumigil ako paglalakad at lumingon sa likod ko. Nandun pa din siya, nakatayo habang nakangisi.

Aba hinahamon ata ako nito ah!

Nakipila ako at ninenerbyos na nagbayad. Nanlalamig ang kamay ko habang palabas ng convenient store. Iniintay ko lang makalabas si JC dahil nagbabayad siya sa counter.

Pano ba magbayad dun? Oo nakapagbayad ako pero letse 'di nagsink in sa'kin! At sobrang nahihiya na kinakabahan pa din ako!

"HAHAHAHAHAHAHHA" nakaturo ang hintuturo niya sa'kin habang yung isang kamay niya ay nakahawak sa tyan niya.

Mauutas na ata ito kakatawa.

"K-kita kita.. HAHAHAH Ka- HAHAH Kanina.. HAHAHAH halos lahat ng nagbabayad tinitingnan mo HAHAHAHA" Sinamaan ko 'to ng tingin.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon