Sorry, ngayon lang.
--
Umuwi ako at doon ko lang nalaman na madaling araw na pala. Nagkakagulo sa bahay nina Kristine dahil bigla na lang akong nawala. Nagtigil lang sila lahat ng makita ako sa pintuan.
"JC..." Naiiyak na nilapitan ako ni Kristine at niyakap. "Akala ko iniwan mo na ako." Humahagulhol siya at ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko.
Gusto ko din umiyak. Gusto ko ulit umiyak.
Wala mang emosyon ay niyakap ko pa din si Kristine. Buntis siya at hindi siya dapat umiiyak ng ganito. Baka mapaano ang anak namin.
Hinayaan kami na umakyat na sa kwarto. Hindi na nagsalita sina Tito at Tita dahil hindi na din naman sila nilingon ni Kristine. Pagkadating sa kwarto ay umupo ako sa kama. Siya naman ay humiga sa tabi ko.
"Akala ko talaga iniwan mo na ako." ngumiti siya ng malaki ngunit may lungkot sa mata.
"Hindi kita iiwan pero mawawala ako."
"Mawawala ako.." pagtatama niya. "Ako 'yung mawawala JC.
Tiningnan ko siya ng naguguluhan. Malaki na ang tiyan niya ngunit pumapayat nga siya. "Akala ko..."
Umiling siya. "Oo. Mayroon ngang mga nakakalagpas ng cancer dahil sa pagbubuntis pero iba itong sa akin. Maaaring maapektuhan ko ang bata, maaaring hindi. Pero ang sigurado ako, mas umikli ang buhay ko."
"Paano? Akala ko ba pwede?"
"Akala ko din.."
"Paano na?" nalulungkot ako. Siya ang kasama ko buong college ko. Lagi niya akong sinasalo tuwing wala akong kapera- pera dahil lahat pinapabaon sa kapatid ko.
Lahat ng mga problemang dumating sa akin bago dumating si Joyce ay kay Kristine ako kumakapit. Dalawang tao ang mawawala sa akin. Dalawang mahalagang tao.
"Okay lang. Tanggap ko na, JC." Tiningnan ko lang siya habang sinasambit niya ang mga salitang iyon.
Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang dala niya. Kahit anong pagtanggi ko, alam ko sa sarili ko na, "minahal kita..."
"Mahal pa din kita." bigkas niya na tila hindi pinansin ang pagtukoy ko sa tapos na. "I am now 7 months pregnant. Anytime, pwede na akong mawala at maaaring manganib ang anak natin na nasa sinapupunan ko."
Tiningnan namin ang isa't- isa. Mangiyak- ngiyak siyang nakatitig sa akin. "JC.. Bakit hindi ako?"
Nagtungo ako ng tingin. Ang totoo, hindi ko din alam. May nabubuo sa isip ko na hindi naman magkakaganito kung pinasok ko pa si Joyce sa usapan at minahal na lang si Kristine ngunit paano? Hindi ko siya nakikita bilang kasama ko habang buhay.
"Don't try to say something that will melt me." She seriously said.
Tumango ako. Wala namang magagawa ang pagpapagaan ko sa loob niya. Ganito na talaga e.
"I'm okay now, JC. I'm giving you a time to be with Joyce. I know that when they got married you will never have a moment to see her again."
"Why are you doing this?"
"I learned to live half alive. I know I can. I'm Kristine. I can fight."
"I'm hurting you, right?"
"It's nothing.." she said. "just promise me to take care of her. I know she'll be gorgeous like me."
"Nagawa mo pa talagang magbiro." pinunas ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.

BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Novela JuvenilThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...