Ramdam ko ang inis ni Kristine.Nauna na siya sa pagbaba ng sasakyan at padabog na isinara ang pinto. Sinundan ko siya papasok.
"Ma'am nakahanda na po ang kusina para sa inyo." Salubong sa amin ng maid niya.
"Iligpit niyo na. Hindi kami magluluto."
Sinundan lang siya ng tingin nito at napabuntong hininga. "Sayang lang pala paghahanda namin." Mahina nitong sinabi.
"Maluto ako, ate. Bababa ako mamaya." Sabi ko na lang at nginitian ako ng mga katulong. Sinundan ko na si Kristine paakyat.
Humarap ito sa akin at sinigawan ako. " 'Wag mo akong sundan!"
Sinundan ko pa din ito hanggang makapasok sa silid namin.
"Anong problema mo? Pati katulong niyo dinadamay mo sa pagkainis mo."
"Dinadamay mo din naman ako sa pagkabaliw mo kay Joyce ah!" Humarap siya sa akin at dinuro ako. "Itaga mo dyan sa puso at utak mo na wala na siya! Wala na! 'Wag mo kong masama sama sa pagsunod sunod mo sa ilusyon mo!"
"Bakit ganiyan ka makapagsalita? Hindi naman kita pinilit na pakasalan ako ah." Inis pa din siyang nakatingin sa akin. "Alalahanin mo, papatayin ako ng tatay mo kung hindi kita pakakasalan. Hindi naman kita mahal!" Walang ekspresyon ang mukha niya.
"Gano'n na lang 'yon? Sinabi mong gusto mo ako tapos nung nakita mo ulit siya.." mabigat ang bawat hinga niya na nakatingin sa akin. "Ginawa ko ang lahat para mahalin mo! Ginawa ko lahat para ako ang piliin mo! Bakit siya pa din?!"
Nakatanggap ako ng malakas na sampal sa kaniya. Ang sakit. Hindi ko alam kung ang "Sige. Saktan mo ako. Saktan mo lang ako. Bukas paggising mo hindi kita titingnan man lang." Tumalikod ako sa kaniya.
Niyakap niya ako mula sa likod. " 'Wag mo 'kong iwan!" Umiiyak na sigaw niya.
"Ang gulo mo. Ang hirap mong pakisamahan. Pabago- bago ugali mo. Kabaliwan ba 'yang sakit mo?" Itinulak ko siya para bumitaw. "Tingnan mo yang sarili mo. Oo nga, ang ganda mo. Ang daming nakasuporta sa 'yo. Tingnan mo ang ginawa mo, pinilit mo ako na asawahin ka. Pinilit mo akong anakan ka. Pinilit mo akong tanggapin ka pero hindi mo matanggap na iba ang mahal ko. Si Joyce ang mahal ko! Itatak mo din yan d'yan sa utak mo. Hindi kita mamahalin kahit kailan."
"Ang sakit- sakit mo magsalita. Lagi mo na lang akong sinasaktan pero ikaw at ikaw lang ang gusto ko. Kahit alam mo na sa akin ka ikakasal, gumagawa ka pa din ng paraan para makita siya. Sana.. sana ako na lang mahal mo. Sana ako naman ang makita mo." Lumupagi siya sa sahig at halos kapusin ng hininga sa pag- iyak. "Wala na siya pero siya pa din ang mahal mo. Ako ang nandito, JC! Ako ang nandito, JC..."
Lumuhod ako sa harap niya at akmang yayakapin siya ngunit itinulak niya ako. Napabuntong hininga ako. Ang bipolar niya.
"Ano bang problema mo talaga? Ang hirap mo paniwalaan. Para kang bata."
"Iwan mo na lang ako "
Okay.
Tumayo ako at tiningnan siya. Nakatingin siya sa akin, umiiyak pa din. Tumalikod ako at binuksan ang pinto. Nagdadalawang isip ako kung aalis pero mas lalo kaming hindi magkakaintindihan kung ganito kaming dalawa.
Kumuha ako ng damit pangbisekleta na nakasabit sa may hardin ng bahay. Kinuha ko ang mga iyon at pumasok sa banyo ng unang palapag pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay.
Kinuha ko ang bisekleta ko at pumunta sa daan kung saan ko nakita ang sasakyan na sinakyan ni Joyce. Matatagalan ako dahil nakabisekleta ako pero ayos lang kung makikita ko siya.

BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Roman pour AdolescentsThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...