25

76 2 0
                                        


"I'm sorry, Joyce." JC said.

We're already inside our tent. Nakatitig lang ako sa tuktok nito ng magsalita siya.

"Akala ko ba hindi ka nag- cheat? Ba't nags- sorry ka pa din?" Tanong at pagharap ko sa kaniya.

"I'm sorry kasi hinayaan lang kitang mag- isa. Hinayaan lang kitang walang makapitan." Iwas niya ng tingin.

Ihinarap ko sa kaniya pati katawan ko. "Okay lang. Kinaya ko naman e." tumigil ako. "Kinaya ko naman ng wala ka pero... ba't ginugulo mo na naman ako?" pabulong kong sabi.

"Ngayon na may narating na ako sa buhay, ngayon na alam mong mas tumino ako, bakit hindi na lang ulit ako."

"Mahal mo ba ako?"

"Oo. Mahal na mahal."

"Kailan?" tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo. "Kailan mo ko minahal? Kasi kahit ilang beses mo 'yang sabihin sa akin, ang hirap hirap mong paniwalaan."

"Maniwala ka sa'kin Joyce." Nagmamakaawa ang kaniyang mga mata. "I didn't cheat. I didn't kiss anyone, even Kristine!"

"Ang hirap mong paniwalaan kasi 'yang sinasabi mo, hindi ko naramdaman noon." Hinawakan ko ang dibdib ko. "But you loved her, don't you?"

"No" marahas niyang pag- iling.

"You did! I saw you..." bumabalik sa isip ko ang high school life namin.

"You saw me what?"

"During that performance, where you're her partner, I felt betrayed. You know how much I want to be like her. Height, talent, beauty and brain. Ikaw yung meron ako na wala siya pero para kang ulol na nagpapaagaw... I saw how you almost denied that I'm your girlfriend... Nakapunta din siya sa bahay niyo. Alam ko mababaw pero nage- effort ako no'n para sa relationship natin tapos gano'n lang makikita ko." Lumapit siya sa akin at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya.

"Nakita ko na suportado din magulang mo para kay Kristine. Na parang walang ako bago siya. You and her had a fandom, right? Like, no one should be a reason for you to break. Like, if I'll be close to you, they'll kill me. You know how much it hurts, sinanay mo ako na nandiyan ka e. Simula sa academics hanggang sa pananamit dikta mo, may katulong ako"

Umiiyak na naman kami.

"Noong graduation, nag- intay ako sa labas ng café na malapit sa bahay. Kasi 'di ba sabi natin ililibre natin isa't- isa kapag pareho tayo honored student. Pero, wala e. 'Pag uwi ko may family dinner pala family mo with her family. Galing lang. Ang saya saya mo kahit halos wala ng makaalala sa akin. 'Di bale, ikaw nga na kasama ko sa madaming bagay pero nakalimutan pa din ako.

"Nasasaktan din naman ako noon, Joyce. Pero sorry kasi naparamdam ko sa' yo yan. I'm sorry I'm not with you in your darkest moments."

"Okay lang din. Nandito ka naman na kung kalian ayos na ako." Ikinuyom ko ang kamao ko at sinuntok ang dibdib niya kasabay ng pagmura ko. "Akala mo ba kabati kita?" ngiti ko habang naiyak.

Akala mo ba kabati kita?

Naaalala kong kapag galit ako sa kaniya at sinabi ko 'yan ay nagkakaayos kami.

"Alam kong hindi pero mahal pa din kita."

I love you too. "Sana hindi lang 'yan salita."

I felt his lips at the top of my head and his arms around me. I don't know why I'm allowing him but I feel safe. I missed my home.

.

Nagising ako dahil sa init. Parang ang kapal ata ng kumot ko—teka maliit lang kumot ko. "focc". Napakagat labi na lang ako kaysa gumawa ng ingay.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon