Nag hintay si Kyle na matapos ng kanyang Lolo ang pag konsulta sa apat na pasyente at habang nag hihintay, hindi niya malimutan ang nangyari nang magdikit ang braso nila ng dalagang kanyang naka daupang palad kanina. Nang magdikit ang kanilang mga braso ay may kung anong liwananag na bumalot sa kaniyang ulirat. Napapikit siya. At pag dilat niya, nandoon na siya nakatayu sa kanilang dating tahananan sa siyudad. Sa maikling sandali ay nagbalik sa ala ala niya ang pangyayari bago mamatay ang kanyang ina at sa pagkakataong ito, mas malinaw ang lahat na para bang nanonood siya ng mga pangyayari sa kanyang nakaraan. Naglakad siya papunta sa hardin, wala pang tao. At naglakad siya papunta sa loob ng kanilang bahay. Laking gulat niya dahil nakita niya ang kanyang nakaraan, ang dati niyang sarili na kausap ang kanyang ina. Magkayakap pa silang dalawa matapos ihagis ng kanyang ina ang espada sa naka itim na lalaki.
Sinubukan niyang hawakan sa likod ang dating siya at tawagin ang kanyang ina ngunit hindi siya nito naririnig at laking gulat niya nang tumagos lang sa kanya ang kanyang ina habang tumatakbo sa labas.
Tama ang nakikita niya. May kung anong kapangyatihan ang nag dala sa kanya dito sa nakaraan at nagteleport siya papunta sa nakaraan.
Tumakbo ang dalawa palabas patungo sa hardin, siya naman ay tumayo malayu ng kaunti sa dalawa at narito ang ala ala na hindi niya malilimutan. Narinig na niya ang mga huling kataga na binanggit ng mama niya sa kanya bago ito mamatay.
"Kahit anong mangyari ay huwag kang aalis dito ha" Saad ng kanyang ina na lumayo sa kanya ng bahagya, pumikit at nag banggit ng mga hindi maintindihang salita at lumiwanag ang kanyang kinatatayuan.
Pinanood ni Kyle ang buong pangyayari, lumapit siya ng kaunti sa Kyle ng nakaraan na ngayun ay nasa bilog na ginawa ng kanyang ina. Noong una ay akala niya ay isa lamang itong bilog at nagliliwanag, Ngunit sa pagkakataong ito, naging malinaw na ang lahat. Nasa gitna siya ng isang pentagram at maliwanag ito na animoy panangga na hindi pwedeng makapasok ang kahit na sino. Ang naka guhit sa lupa ng kanilang hardin na siya namang kinatatayuan niya ay simbolo na nakaukit sa kanyang kwintas, ang medalyon ng kanyang ama. Ang simbolong ito ay pentagram. Sa madaling salita, isa itong simbolo ng star sa loob ng bilog.
(authors note: Nasa imahe sa itaas ang simbolo)
Hawak parin ng kanyang ina ang espada na kanyang ihinagis sa lalaking muntik nang pumatay sa kanya sa loob ng kanilang bahay at nag simulang maglakad palayo sa kanya.
Naalala pa niya ang mga sigaw niya na "Ma!!!" "Ma!!" habang lumalayo ang kanyang ina upang kalabanin ang mga nanloob daw sa kanilang tahanan.
Hanggang sa dumating ang limang kalalakihan, naka tayo at masama ang titig sa kanya. May mga dala itong mga sandata. Ang isa ay pana, mga espada at iba pang naka mamatay na sandata. May itim na hood ang mga ito at narinig niya ang isa na bumulong sa lalaking may pana nag sabing, "Gawin mo na!".
Sinimulan nang gamitin ng isang lalaki ang kanyang pana at ginamit ang palaso na naka tutok sa kanyang kinaroroonan. Binitawan niya ang pana at mabilis na tumungo sa kanyang direksyon ang palaso. Nakikita nia ang buong pangyayari na akala mo ay pinapanood niya ang buong pangyayari at nandon siya. Nakita pa niya na napapikit ang pa ang dating sarili niyang nasa loob ng pentagram at ihinarang ang kanyang mga kamay at braso para tangkaing harangan ang palaso sa kanyang direksyon.
"Ano itong pakiramdam na to?" Tanong niya sa kanyang sarili. Nakikita niya ang mga nangyayari na parang nanonood ng pelikula. Kung i de describe ang nakikita niya, black and white ang paligid. Ang dating sarili niya at ang mga tao sa nakaraan ay black and white din ang kulay. Ang nakikita niya lang na may kulay ay ang kasalukuyang sarili niya na ngayon ay nagmamasid sa kanyang nakaraan na nasa loob ng pentagram at ang limang katao na naka itim at naka hood na nag tangka sa kanyang buhay. Para siyang nandoon sa pinangyarihan ng kagimbal gimbal na nakaraan at pinapanood ang kanyang dating sarili na atakihin ng mga masasamang loob. Ang kaibahan nga lang, hindi siya nakikita ng mga ito sapagkat siya ay nasa hinaharap at ang mga kaganapang nasasaksihan niya ay nakaraan na.
![](https://img.wattpad.com/cover/230161445-288-k19522.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...