"Grabe! Ansarap ng nilagang baboy mo Me Ann!" Sabi ni Ejay matapos silang kumain. Ito ang huling nakatapos kumain habang ang tatlo ay abala sa paghahanap ng kasagutan sa mga uri ng dwende at paano sila magagapi kung sakaling makaharap nila sila.
"Bilisan mo diyan at ikaw ang maghugas ng pinggan at ikaw ang nahuli!" Utos ni Stephanie.
"Sige! Walang problema, kayo na ang bahala sa pag reresearch diyan!" Sagot nito habang nagliligpit na.
Maya - maya...
"I think I found something!" Sabi ni Kyle.
Agad siyang pinuntahan ni Me Ann at Stephanie.
"Ang sabi dito, ay hindi natin malalaman kung ano ang kulay ng dwende maliban nalang kung tatawagin natin ito." Paliwanag ni Kyle.
"That makes sense! Kailangan nga nilang lumabas para malaman natin ang kulay nila!" Sagot ni Stephanie.
"I think I found something too. Tingnan niyo tong drawing!" Pinakita ni Me Ann ang isang naka-guhit sa aklat na binabasa niya.
"Ang tahanan ng mga dwende ay isa ding lagusan papunta sa kanilang kaharian na nakatago sa ilalim ng lupa. It's some sort of portal para makapunta ka sa kaharian nila. Pag nakapasok ka sa loob, ay makikita mo ang kanilang sibilisasyon at ang kanilang kaharian. Nasa pinaka-gitnang bahagi ang kanilang kaharian. Maaring nandoon ang hinahanap natin." Sagot ni Me Ann.
"Eto pa. Kilala ang dilaw na dwende sa pagkuha ng mga makikinang at may pakinabang na bagay tulad ng kayamanan, ginto, salapi at iba pa. Maaaring wala doon ang punyal dahil nakuha nila ito!" Dugtong ni Kyle.
"Kung totoo nga ang sinasabi mo ay malamang na dilaw na dwende nga ang nandon! Too bad they are not a good dwarfs, kilala sila sa likas na mapaglaro. Maaring hindi magsasabi ng katotohanan ang mga ganyang uri ng dwende!" Nanghihinayang na sagot ni Me Ann.
"I think wala nga tayong choice. Kailangan nga nating tawagin ang dwende na nakatira don, siguradong may alam siya kung nasaan naka-tago ang punyal! Ang tanong ay kung paano natin sila tatawagin?" Sagot ni Stephanie. Sinubukan niya kasing gamitan ito kagabi ng itim na salamangka ngunit wala namang lumabas.
"Nakita ko na! Nandito ang paraan o!" Nakangiting sagot ni Kyle.
At nagkatinginan silang tatlo.
Kinagabihan ay nagpaalam si Kyle at Ejay na mag sleep over kina Me Ann. Nagdala pa ang mga ito ng kunwaring makakain para hindi makahalata ang lolo niya at ang ina ni Ejay sa pinaplano nilang pagtawag sa dwendeng nakatira sa punso kung saan malapit ito sa itinuturo ng mapa na nakuha ni Me Ann at Stephanie sa library.
Alas-8 na nang dumating sila sa bahay ni Me Ann. Winelcome naman sila ng mga magulang nito at pinaakyat sa kwarto nito. Naabutan nila doon si Stephanie na umiinom ng isang likido na nasa bote.
"O, andito na pala kayo!" Salubong ni Stephanie sa kanila.
"Umiinom ka parin niyan?" Tanong ni Kyle dito.
"Oo naman. Sa katagalan e na a-adopt na ng katawan ko ang likidong ito. Hindi pwede na hindi ako uminom dahil nandiyan parin ang usok ng itim na insenso. Mahirap na at baka maging aggresive din ako at kung ano pa ang magawa ko. Konting tiis lang sa sakit ng ulo at maya maya ay mawawala din naman." Paliwanag ni Stephanie.
"Dala niyo ba ang mga pinapadala ko?" Tanong ni Me Ann.
"Oo!" Sagot ni Kyle.
Nilabas ni Ejay ang Fresh milk, Tinapay, Alak at kandilang puti.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...