Pumasok ang dalawa sa silid ni Me Ann. Nakita na niya si Me Ann na ni lock ang pinto ng kanyang kwarto.
"Upo ka!" Yaya nito kay Kyle matapos itong umupo sa kanyang kama.
Naghihintay si Kyle sa sasabihin ni Me Ann ngayung magkaharap silang naka upo sa kama.
"Susubukan kong balikan natin ang nakaraan. Gusto lang kita bigyan ng babala, dahil hindi natin nakaraan ang tatangkain nating lakbayin, hindi natin alam kung saan at anong panahon tayu makakarating. Ngunit isa lang ang masasabi ko. Sisikapin kong gawin ang ritwal at makiusap sa kakayahan ko na dalhin tayo sa panahon kung saan masasagot lahat ng katanungan mo." Paliwanag ni Me Ann.
"Ok. Hindi ko pala kailangan matakot kasi kasama kita hehehe!" Sagot ni Kyle habang kumakamot sa batok.
"Matagal na panahon na simula noong nakapaglakbay ako sa nakaraan. Ang ritwal na ito ay proseso ng paglalakbay ng ating kaluluwa sa panahon na nais natin. Ang sabi ng lola ko, madadala ako ng kapangyarihan ko kahit saan at kailan ko gustuhin ngunit hindi maaaring maiwan ang katawan natin na walang kaluluwa. Makikita tayu ng mga elemento na gutom sa laman at nagnanais makabalik sa mundong ito. Bukod doon, hindi pwedeng makita tayu ng mga nilalang na binanggit ko kanina. Yung mga nilalang na pumatay sa nanay mo." Paliwanag ni Me Ann
Naka kuyom ang kamao ni Kyle nang marinig iyon.
"Mas lalong gusto ko tong gawin para makita ko kung sino ang pumatay sa aking ina." Nagagalit na wika ni Kyle.
"Hindi mo sila kaya. Noong panahon na kinaaaliwan ko ang paglalakbay sa nakaraan, nakaengkwentro ko sila. Halos ikamatay ko ito noong bata ako dahil hindi nila ako tinigilan. Kung kaya kong maglakbay sa nakaraan, kaya din nila ito. Ang tawag sa kanila ng lola ko, mga kampon ni azazel. Ang sabi, si Azazel ay isang demonyo na nasa lupa upang maghasik ng lagim. Parte ng paghahasik niya ng lagim ang magpadala ng mga masasamang espiritu sa mundo at gamit ang mga kampon niya na siya mismo ang humasa ng kanilang kaalaman at nag kaloob ng kapangyarihan, nakakapaghasik sila ng lagim sa mundo. Yan ang isa sa dahilan kaya may mga tulad niyo Mga anak ng araw ay nabubuhay. Kayo ang pumipigil sa kanila."
"Matagal na ang digmaan ng grupo ng mga anak ng araw laban sa kampon ng demonyong si Azazel ngunit sa nakikita ko ngayun, mukhang nananalo na sila. Kaya kahit anong mangyari, sa paglalakbay natin ay wala dapat makakakita sa atin. Alam kong kung saan tayo pupunta ay nandoon din sila. "
Sa isip ni Kyle, siguro sa ngayun ay ang pakay na muna nila ang kailangan nilang tapusin, ang humanap ng kahit anong aklat na naka tago sa kanilang mansyon. Aklat na magsasabi sa kanila kung paano tatalunin ang mga kultong naghahasik ng lagim sa kanilang baryo. Aklat kung saan naka tala ang lahat ng mga mahahalagang bagay na magagamit niya bilang isang anak ng araw. Siguradong black and white ang kulay ng mga tao sa nakaraan. Alam niya ito sapagkat nakapaglakbay na sila ni Me Ann sa nakaraan niya nang aksidente niyang mabunggo si Me Ann. Siguradong sila lang ni Me Ann ang may kulay sa mundo na iyon at kung may iba mang manlalakbay sa oras na iyon ay malalaman naman nila ito agad.
"Handa ka na ba?" Tanong ni Me Ann sa kanya.
Tumango naman siya.
"Hawakan mo ang mga kamay ko." Utos ni Me Ann.
Nag indian sit si Kyle sa kama na tulad ni Me Ann at hinawakan niya ang mga kamay nito. Nang mapansin niyang naka pikit si Me Ann ay pumikit din siya.
Mga ilang minuto ang naka lipas, parang wala namang nangyayari. Kaya tumayo si Kyle.
"Wala naman! Niloloko mo ata ako!" Reklamo niya kay Me Ann sabay bitaw sa mga kamay nito at tumayo.
Laking gulat niya nang mapansing kakaiba na ang paligid. Nakatayu na siya at kita niya ang kanyang katawan at si Me Ann na magkahawak kamay nang marinig niya ang boses sa likod.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...