Binabaybay na nila Kyle, Me Ann, Ejay at Stephanie ang daan papunta sa baryo nila Stephanie. Ngayon lang nalaman ni Kyle na ang kanilang baryo ang kuta ng mga mangkukulam. Tulad ng dati ay si Kyle parin ang nagda-drive. Binasag ni Ejay ang matagal na katahimikan.
"Tol, diba sabi niyo e may shield ang mansyon? Kaya takot ang mga kampon ng kadiliman na dumaan doon?"
"Oo tol. Kaya long cut ka kapag susunduin mo si Stephanie. Kailangan mo dumaan sa malayu kasi kapag madikit o masagi siya sa teritoryong may proteksyon e masusunog siya. Nakita na namin ni Me Ann yun na sa paglalakbay namin sa nakaraan." Sagot niya.
"Alam niyo wag niyong kawilihan ang maglakbay sa nakaraan. Baka mamukatmukat niyo e naka abang na pala ang mga kampon ni Azazel sa inyo hindi lang sa nakaraan bagkus inaabangan lang kayu na maglakbay muli at patayin ang katawan niyong walang bantay!" Sabi ni Stephanie na noon ay medyo magaling na.
"Wag ka mag-alala, I'm taking your potions everyday right? Wala nang makakapaglakbay sa atin sa nakaraan. That ability of mine has been disabled, kasabay ng pagpaparamdam ng itim na anino." Wika ni Me Ann.
"Ikaw ba ang naglagay ng pananggalang sa mansyon tol?" Tanong ni Ejay kay Kyle.
"Hindi tol. Di ko kaya yun no! Nakita mo ba kong may pakpak?" Sagot nito sabay nag tawanan ang dalawa. Napailing iling nalang si Me Ann.
"Hindi mo talaga kayang gawin yun no! Halatang di kayo nakikinig sa kwento e. Limang Anak ng Araw diba yung naglagay ng shield sa simbahan. That 5 entities represents the 5 Corners of the pentagram!" Sagot ni Stephanie.
Napahawak si Kyle sa kanyang kwintas.
"Ang malaking tanong ko lang, bakit may shield parin ang mansyon niyo? Sa pagkakatanda ko e noong napaslang ang supremo ng mga anak ng araw, yung pari e nawala na yung shield ng simbahan diba kasabay ng pagkawala ng kapangyarihan ng apat na kasamahan nito" Dugtong ni Ejay.
"It's simple. Ang mga sinaunang anak ng araw na naglagay ng shield sa mansyon nila Kyle ang naglagay noon. Bagamat namatay ang mga naunang supremo sa lahi nila Kyle, hindi naman sila nawalan ng tagapagmana. Ang sabi ng lola ko, matagal nang may proteksyon yang mansyon nila panahon pa ng lola niya. Nang mamatay ang lola niya, nawala ang kapangyarihan ng lolo ni Kyle na dating ka grupo ng lola niya kasama ang mga ka grupo nito. Ngunit dahil may tagapagmana, iyon ay ang ama ni Kyle, hindi nawala ang shield at nanatili doon. Unlike sa paring supremo na namatay, walang anak yun! Doon natapos ang bloodline, walang nagmana, nawala ang shield bukod sa nawala din ang mga kapangyarihan ng kanyang mga kasamahan." Si Stephanie ang sumagot.
"Ahhh iyon pala yon! Ibig sabihin pala, kung sino man ang magiging ka grupo ko ay mawawalan din ng kapangyarihan kapag ako ang namatay. Ang shield sa mansyon, mawawala kasi wala akong anak!" Sagot ni Kyle na ngayon ay di rin makapaniwala.
"Ang nakakatakot, wala na kaming ibang kilalang anak ng araw. Kung sa kinuwento ko about sa sinaunang digmaan ay may mahigit 20 pa na mga anak ng araw ang dumating para tumulong, I'm assuming na 5 or 6 na grupo pa sila noon na natitira. Which means 5 or 6 din na supremo na tulad mo ang nabubuhay pa noon, ngayun, ni isang supremo wala na kaming kilala maliban sayo. Kahit nga ordinaryong anak ng araw e wala! That makes you alone on this battle. Are you really sure na lalaban ka pa?" Paliwanag ni Me Ann.
"Una sa lahat, misyon ko ang pangalagaan ang kapayaan dito sa lupa. Kahit mag-isa ay magpapatuloy parin ako katulad ng ginawa ng aking ama at ina, kasama ng mga kagrupo nito at sampu ng aking mga ninuno. Pangalawa, hindi naman ako nag-iisa. Nandito kayo o?" Nakangiting wika nito habang nagmamaneho.
Hangang hanga si Me Ann dito. Napakatapang nito at hindi alintana ang panganib magampanan lang ang kaniyang misyon.
Maya maya ay narating nila ang isang baryo. Bagamat masikip ay kailangan nilang bumaba sa kotse para maglakad at tunguhin ang tahanan ng pinuno ng mangkukulam.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...