"You did that?" Tanong ni Kyle kay Me Ann habang nakatingin sa bakas ng bangkay ng isang myembro ng kulto na ngayon ay abo nalang. Nagsend agad ng text message si Me Ann kay Kyle matapos umalis ang lalaking tumulong sa kanya na panain ang isa sa mga myembro ng kulto. Ngayon ay nandito sila sa kalsada kung saan nag-aantay si Me Ann.
"Yup.. May tumulong sakin."
"Sino?" Kyle.
"Someone named Devron. Familiar?" Tanong niya.
"No." Sagot ni Kyle.
"Wala din akong idea guys." Si Ejay naman ang sumagot.
Inilahad ni Me Ann ang buong pangyayari simula sa pagtatangka nitong kunin ang kanyang panyo hanggang sa paghahabulan nila sa kagubatan at huli ay ang pagtulong ng isang misteryosong lalaki.
"Lima nalang sila." Sabi ni Me Ann.
"Kaya lang wala tayung idea kung sino at kailan sila aatake ulit." Sagot ni Ejay.
"Hindi na pwedeng may umatake pa ulit. Hindi pwedeng may mamatay ulit. Naniniwala ako na hindi lang nagkataon na si Me Ann ang puntirya nilang patayin. Lalo pa siguro ngayong napatay pa natin ang isa nilang kasamahan." Paliwanag ni Kyle.
"So what's the plan?" Tanong ni Me Ann.
"Hindi niyo ba napansin na itong daanang ito ay malapit sa dating kuta nila na pinuntahan natin?" Sagot ni Kyle sabay labas ng cellphone niya at pinakita ang mapa.
"Oo nga no. Diyan nalang yun o!" Sabay turo ni Ejay sa kanang bahagi ng lugar na iyon. Bagamat ang lugar ay napapaligiran ng kagubatan, ibig sabihin ay kinakailangan nilang dumaan sa masukal na kagubatan.
"So susugod tayo ngayon don?" Tanong ni Me Ann.
"Hindi Ngayon Me Ann. Mamayang gabi. Kung kailan sila buo at sumasamba sa diyos nila." Paliwanag ni Kyle.
"Are you sure na doon parin ang kuta nila?" Tanong ni Me Ann.
"I have the feeling na doon parin. Hapon tayo pumunta noon kaya isang tao lang ang naabutan natin. Pero sabi sa aklat ng talaan ng mga sinaunang anak ng araw, 12 Midnight sila sumasamba at nag-aalay. Just like what happened to you earlier, ang mga naunang biktima ay kinukuhanan nila ng gamit ng mga hapon. Dinadasalan nila iyon at ang sabi, mismong biktima ang lalapit sa kanila nang walang kahirap hirap at iyon. Kukunin na ang kanilang mga lamang loob at iaalay sa demonyong diyos nila." Paliwanag ni Kyle.
"Malakas ang kutob ko na mahuhuli natin sila this time!" Patuloy niya.
"Sige. Paano kayo tatakas sa mga magulang niyo?" Tanong ni Me Ann.
"Here is the plan." Kyle.
Natapos ang pag-uusap nila at umuwi na.
Maya-maya ay nag- 11PM na.
Dahan-dahan ang ginawang pagtakas ni Kyle sa mansyon. Sinalubong siya ni Ejay sa kanilang gate at kinausap ang mga gwardiya na kunwari ay wala silang nakita. Besides, ka close na nilang dalawa ang mga gwardiyang bantay tuwing gabi dahil ang mga ito ang nagtuturo sa kanila sa paghawak ng sandata.
Upang hindi maka-likha ng ingay ay nagbike ang dalawa. Nadaanan nila si Me Ann sa labas ng kanilang bahay at nag-aantay na din sa kanila.
Noon ay tinungo na nila ang kuta ng mga kulto. Narating naman nila ito matapos ang halos kalahating minuto ngunit upang hindi mahalata kung sakaling ito parin nga ang kuta nila ay ipinark nila ang kanilang mga bike sa medyo kalayuan sa mismong kuta. Lalakarin nalang ulit nila ang kuta.
"Makakatulong sana kung nandito si Stephanie." Sabi ni Ejay habang iginagarahe sa mayabong na halaman ang bike.
"I'm afraid hindi na natin siya pwedeng i-involve sa ganitong misyon. Hayaan nalang natin siya." Sagot ni Kyle.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormaleIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...