Chapter 18

62 4 0
                                    

Mahihinang mga bulong.

Nakakakilabot na ihip ng hangin at hampas ng mga dahon ng puno sa tapat ng kwarto ni Me Ann ang gumising sa kanya.

Hingal na hingal siya. Ilang linggo na ang nakalipas na ganito lagi ang nararamdaman niya. Laging kulang sa tulog at nagigising ng gabi.

Pangatlong bote na ng pampakalma at gamot na pampatulog ang naubos niya sa loob ng isang linggo lamang at naubusan na naman siya. Maging ang gamot na ibinigay sa kanya ni Doctor Tan ay hindi na umeepekto nitong mga nagdaang araw.

Akmang tatayo na siya patayo ng kama nang maramdaman ang presensya ng isang nilalang sa loob ng kwarto niya. Dahan dahan niyang nilingon ang kanyang likod at buong gulat niya nang makita ang anino na ilang linggo nang gumagambala sa kanya. Nakatayu ito sa may tapat ng kanyang bintana.

Sa ilang linggo na pagpapakita ng anino ng masamang pangitain sa kanya ay hindi maikakailang natatakot parin siya. Lalo ngayun na unti unti itong lumalapit sa kanya, unti unting naglalakad at akmang hahawakan siya. Naging alerto naman siya at mabilis na binuksan ang lampshade at lumiwanag ang buong kwarto - nawala ang anino.

Tumayo siya sa kanyang kama at tinungo ang naka bukas niyang bintana. Tiningnan ang labas ng bahay. Noon, mga myembro ng kulto ang nakita niya matapos magpakita ng anino sa kanya ngunit ngayung wala na ang mga ito, gumaan ang pakiramdam niya lalo pa at wala naman tao o nilalang sa labas ng kanilang bahay. Malinis ang kalsada, tahimik, madilim. Madaling araw noon ng lunes at kailangan niyang bumalik sa pagtulog sapagkat maaga pa ang pasok niya. Akmang babalik na siya sa kanyang higaan nang may marinig siyang malakas na alulong ng aso sa bintana. Muli niya itong sinilip at ayun nga, nakita niya ang isang kulay itim na aso na umaatungal sa kalsada. Malaki ang asong ito, doble ang laki sa tipikal na aso na kanyang nakikita at ito ay kulay itim. Nang mapansing naka tingin sa kanya ang aso ay dali dali niyang isinara ang bintana. Ewan ba niya, nasa ikalawang palapag naman siya ng bahay at siguradong hindi siya maabot ng asong ito ngunit ang pagsasara ng bintana ang sa palagay niya ay magdadala sa kanya sa kapayapaan. Nakatulog naman siya nang mahimbing at bukas ang ilaw.

Kinahapunan matapos ang klase nila Kyle...

"Tol, kumain ka ng itlog, mga tatlo hanggang lima sa isang araw. Papakin mo! Wag mo lutuin! Malakas ang protein non. Magkakalaman ka!" Sabi ni Ejay kay Kyle habang nagsasalamin sila sa malaking salamin sa locker room. Tapos na kasi ang try out nila sa basketball at nagshower na din sila. Noon ay nagbibihis na sila at dahil nga kapwa naka hubad ay hindi maiiwasan na tingnan tingnan nila ang figures nila. Si Ejay na batak sa gawaing bahay tulad ng pagsasaka, pagbubuhat ng mabibigat at pagsisibak ng kahoy ay may mga muscle na sa katawan at may angking tikas na. Si Kyle ay hindi pa gaano sapagkat hindi naman ito sanay sa ganoong gawain at ngayon lang nagsimulang mag work out. Araw araw parin ang ginagawa nilang pagpapalakas at pagpapalaki ng katawan at pagsasanay na gumamit ng sandata tuwing after try outs. Hindi na sinusundo si Kyle ni Mang Cardo at siya na ang nagda-drive pauwe. Bagamat may sikreto silang session sa safe house ay hindi sila agad dumederetso sa mansyon. Diretso sila sa safe house at doon ginagawa ang pagpapalakas nila. Mabuti na daw na maging handa kung ano man o kung may susunod man na sasalakay sa baryo nila.

Dumating sila sa safe house o sa abandonadong bahay nang marinig ang tawanan ng mga babae sa loob. Madali nilang pinark ang kotse at tinakbo ang safe house. Pagpasok nila sa loob..

"Hi! Nandito na pala kayo! We bought some pizza!" Si Me Ann yun. Naka upo sa upuan at nakapatong ang kanyang mga notebook sa lamesa na nandoon at doon gumagawa ng assignment.

"It's nice to see you here!" Sagot ni Kyle.

"Malapit nang matapos to Me Ann.  Yung assignment ko ha! Wag mo masyadong itama lahat at baka mahalata ni Ma'am na hindi ako ang may gawa!" Si Stephanie ang nagsasalita noon habang may niluluto at hinahalo na agad namang pinuntahan ni Kyle. Makikita ang kulay asul na likido o sabaw na kanina pa niya hinahalo. Kung si Kyle ay tinakbo ang kung ano man ang pinagkakaabalahan ni Stephanie, si Ejay naman ay tinakbo ang pizza na nakapatong sa lamesa at nagsimula nang basahin ang sinusulat ni Me Ann. Assignment kasi iyon at hindi pa niya ito nagagawa.

"What is that? Wait, what are you doing here?" Hindi malaman ni Kyle kung ano ang unang itatanong, kung ano ba ang niluluto o kung bakit nandoon si Stephanie na namaalam na noon sa kanila.

"Kyle, sorry kung hindi na kami nakapagpaalam. I asked for Stephanie's help kaya siya nandito." Sagot ni Me Ann.

"And???" Tanong ni Kyle na mukhang nabitin sa paliwanag ni Me Ann.

"I asked her to replicate this potion. Itong gawa ng lolo mo na pampatulog slash pampakalma slash at pangparelax. Hindi na kasi effective. Hindi na ko nakakatulog sa gabi at hindi na ko binibigyan ng lolo mo ng karagdagan dahil sa linggong ito ay naka tatlo na ako. That's why I asked for her help!" Paliwanag ni Me Ann.

Hindi makapaniwalang naiiling si Kyle.

"You know what, hindi naman to pampakalma o pamparelax o pampatulog. Itong binigay ng lolo mo sa kanya ay pampanatiling naka sara ang third eye!" Sagot ni Stephanie habang ibinubuhos na sa hinahalo niyang potion ang natitirang gamot ni Me Ann. Maya maya, ang kulay asul na tubig ay naging kulay puti na.

"There! Ok na!" Masayang sabi nito habang inaamoy ang isang sandok na potion.

"Akala ko ba ay ayaw mo ng dark magic?" Nakatinging tanong ni Kyle kay Me Ann. Si Ejay naman ay abala sa pagnguya ng pizza at pagkopya ng assignment.

Tumayo si Me Ann at tumalikod.

"Wala akong choice Kyle. Hindi ko na kaya ang lagi akong nagigising ng gabi dahil sa anino na yun. At lagi akong takot kahit sa sarili kong bahay. Gusto kong mamuhay ng normal. Wag ka mag-alala, tutulong parin naman ako sayu kung may problema e pero ito.. Gusto ko naman na makatulog nang mahimbing." Mahinahong sagot ni Me Ann.

"I have a bad feeling on this Me Ann, this is dark magic. Hindi gumagamit ng dark magic si lolo! Kung gusto mo, aaralin ko kung paano niya ginawa yung gamot niya!" Sagot ni Kyle.

"No Kyle, hindi ko na kaya pang makapag-antay pa. Sana maintindihan mo!" Sabi ni Me Ann.

"Ok, itong may pulang label, ito yung gamot para hindi ka makakita ng kahit ano! Itong blue, this is to put things back to normal. And this, black label.. To summon the actual demon!!! You know... Yung anino!" Paliwanag ni Stephanie habang inaabot kay Me Ann ang mga bote.

"Ano ba! Hindi ko kailangan yang black, itapon mo na yan! Mamaya mahalo pa dito sa gamot ko yan!" Sabi ni Me Ann.

"Ano ka ba? Just in case na gusto mo e kunin mo parin, ito pa ang tatlong bote na may red label. Araw araw kang iinom niyan, isang lunok lang, hindi mo na makikita ang anino. I know na may gamot ka na dati pero nilagyan ko ito ng mas matapang na ingredients tulad ng dinurog na buto ng palaka, mata ng buhay na octupus at nababad yan sa buhay na paniki! Yan yung kumikislot kislot kanina!"

"Kadiri naman to! Talagang sinabi mo pa ha! Ihhhhh!!!! Parang ayaw ko nang inumin!" Sagot ni Me Ann.

"I'm just saying para alam mo! Yan mismo ang nakasulat dito!" Sabi niya sabay pakita sa aklat niya na pinaggayahan niya ng recipe ng potion.

"Whatever!" Sagot ni Me Ann.

Napatingin siya kay Kyle.

"I'm gonna be alright!" Banggit nito sa kanya.

At doon ay ininom na niya ang isang bote na ginawa ni Stephanie para harangin ang kanyang nakabukas na third eye.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon