Chapter 41

39 5 1
                                    

Itinaas ni Me Ann ang kanyang kamay. Tulad ng mga nauna ay may kung anong liwanag sa kalangitan ang tumama sa kanya at maya maya ay hawak na niya ang kanyang palaso.

"Shoot them Me Ann!" Sigaw ni Kyle.

Ginawa naman ni Me Ann. Ngunit katulad ng dati ay tumagos lamang sa kanila ang kanyang palaso.

Muli na naman silang napa-atras.

Itinaas ng bahagya ni Stephanie ang kanyang kamay para subukang itulak ang mga ito gamit ang isip ngunit walang nangyayari.

"Anong nangyayari? Bakit hindi gumagana ang kapangyarihan ko?" Tanong nito.

"Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo hanggat nandito ako!" Sabi ng bagong dating na matandang itim din na dwende na may hawak na tungkod.

"Akala ko ba violet lang na dwende ang mga may kapangyarihan dito? Bakit may Dwarf wizard na kulay black?" Tanong ni Stephanie.

"Hindi ko alam!" Sagot ni Me Ann.

Tulad ng nangyari kay Me Ann ay lumiwanag din sina Ejay at Kyle. Ngayon ay hawak na nila ang kanilang sandata. Isa lang ang ibig sabihin nito. Mapapalaban sila at naghahanda na ang dalawa kaya ngayon ay hawak na ng mga ito ang kanilang sandata.

Sumugod na ang mga dwende. Maririnig ang banggaan ng mga sandata nila Kyle at Ejay sa mga sandata ng mga itim na dwende at sa pagkakataong ito, lugi sila dahil hindi nila maaring mapaslang ang mga lamang lupang ito gamit ang kanilang sandata. Kaya wala silang ginawa kundi ang dumipensa. Lumilipad si Stephanie ng mga oras na iyon at sinimulang paliparin ang mga bato sa paligid. Siya ngayon ang kaharap ng matandang itim na dwende. Palitan sila ng mga ihinahagis sa isa't isa nang mga pagkakataong iyon hanggang sa laking gulat nila nang isang grupo ng mga puting dwende ang mga nagsidatingan. Tumatakbo ito sa kinaroroonan nila at may hawak ding sandata. Maririnig ang mga sigaw ng mga ito na "Yahhhhh" Habang tumatakbo sa kinaroroonan nila. Bagamat mahigit sampu sila ay napaslang ng mga ito ang tatlong itim na dwende at naiwan ang matandang dwende na noon ay naglahong parang bula. Ang mga puting dwende ay mabubuting dwende at tinatawag ang mga ito na independent dwarfs kaya naman ang mga ito ay may kalayaang pumuli kung ano ang magiging gampanin nila sa kanilang kaharian. Madalas nanggagaling dito ang mga asul at lilang dwende o mga sundalo at mga wizards na dwende sa hinaharap kaya ang mga tumulong kina Kyle ay marunong din namang gumamit ng sandata.

Nilapitan sila ng mga puting dwendeng tumulong sa kanila.

"Salamat sa pagtulong niyo!" Sabi ni Kyle sa mga ito.

"Nais naming malaman kung ano ang kailangan ninyo sa amin Anak ng Araw." Tanong ng isa.

" Nais kong kausapin ang inyong hari patungkol sa punyal na nais kunin ng mga kampon ni Azazel." Sagot nito.

"Ikinalulungkot kong sabihin na hindi magandang pagkakataon ang oras na ito para sa nais mong pakikipag-usap sa aming hari. Katulad ng inyong nasaksihan, may kaguluhan sa aming kaharian dahil sa rebeldeng itim na dwende na ngayon ay alam na naming nakipagsabwatan sa mga kampon ni Azazel. Magulo pa sa ngayon at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kaharian para na din sa proteksyon ng aming pinuno!" Sagot ng isa.

"Ngunit magagawan naman natin ito ng paraan!" Sabi ng isang matandang dwendeng naka puti na ngayon ay naka tingin kay Me Ann.

"Kamusta ka na bata?" Tanong nito.

Hindi makasagot si Me Ann.

"Kilala ko ang iyong lola. Nagkakilala na tayo noon!" Sabi nito.

Nagulat na naalala ito ni Me Ann. Ito ang dwendeng kaibigan ng kanyang lola na inilipat nito ng tirahan nang magsimulang magtanim ng hardin ang kanyang ina sa bakuran.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon