"OK Students! I have an urgent announcement." Malakas na sabi ni Mrs. Esperanza Sanchez, ang class adviser ng 4-1 sa kanila.
Pumayapa ang mga estudyante at itinuon ang atensyon kay Mrs. Sanchez.
"May malaking pagbabago ngayung taon para masigurado ang seguridad ng ating paaralan lalong lalo na ang mga estudyante. Ang mga pagbabagong ito ay upang maiwasan natin ang mga pagkakapahamak ng mga estudyante ng San Carlos High at maiwasan ang nangyari noon." Banggit niya sa mga estudyante niya. Kamakailan lamang ay namatay ang dalawang estudyante ng San Carlos High, Si Josephine Loscano at ang Basketball Team Captain na si Ricardo Cabrall nang maghasik ng kaguluhan ang mga kulto sa kanilang lugar.
"Alinsunod sa panuntunan ng City Hall, curfew is back." Straight to the point na sabi nito.
"What???"
"Ano yun??"
"Maaga na naman ang uwian???"
"Pano ang try outs?"
"Diba simula na ng laban ng basketball next week?"
"Paano ang San Carlos League?" Tanong naman ng isa na binabanggit ang taunang pagganap ng sports sa kanilang school na madalas ay gabi nangyayari.
Yan ang mga reklamo ng mga estudyante. Umingay ang klase
"Class!!! Let me finish!!!" Halos pasigaw na na sabi ni Mrs. Sanchez.
"It's true na 5pm ay dapat wala nang tao sa school para makasunod tayo sa utos ng city hall. Kaya ito ang gagawin natin."
"Flag Ceremony starts at 6:30 am hanggat hindi nalilift ang curfew. That means mas maaga kayong kailangan pumasok. Next. May twice a week na P.E tayo, scheduled every Tuesdays and Thursdays. Lahat ng P.E. schedule ay magiging last subject na. Iyon ang gagamitin nating schedule para sa mga maglalaro at manonood ng games sa San Carlos Fun League. 5PM - Dapat ay umuuwe na ang lahat. Isang game lang kada araw ang gaganapin. Makikita ninyo sa baba ang announcement kung anong game ang naka-schedule sa week na iyon."
Kumalma ang mga kabataan. Malungkot man ay kailangan nila itong tanggapin dahil sa muli na namang kaguluhan sa kanilang baryo.
"Class dismissed!" Pagkasabing pagkasabi noon ni Mrs. Sanchez ay tumunog na din ang bell na hudyat ng uwian na.
Sabay na bumaba si Ejay at Kyle sa baba ng building upang pumunta sa announcement board. Doon kasi makikita kung ano ang schedule sa San Carlos High Fun League na lalahukan ng lahat ng estudyante. Bagamat nakabuo na sila ng sarili nilang pangkat, mahalaga ding malaman nila kung sino ang makakalaban nila sa basketball. Doon kasi sila i-aassess kung karapatdapat ba silang maging basketball player ng San Carlos High na lalaban sa ibang mga karatig-eskwelahan.
Nasalubong ni Me Ann si Stephanie na nag-aantay sa hagdan.
"Sabay ka na ba? Sa safe house daw tayo para mag-plano." Bungad ni Stephanie sa kanya.
"I can't Steph. There is an important matter that I need to attend to today."
"Ala siya, what's more important than our mission? Diba nag promise tayo kay Kyle na tutulungan natin siya? Hindi lang siya pati ako din. Problema din ng lahi namin ang nagaganap ngayun tapos hindi ka sasama?" Sabi ni Stephanie sa kanya.
"Hmmmm. Alam mo, meron din naman akong social life no, I don't want to live killing people, bad people or bad creatures whatever they are. Work-life balance Stephanie." Paliwanag ni Me Ann kay Stephanie.
Ito na kasi ang pang-isang linggo nilang tumatakas gabi gabi para mang hunting ng mga aswang at ano pang mga itim na nilalang na nanggugulo sa kanilang baryo.

BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...