Photocredits to owner, downloaded from google
Tahimik. Walang katao tao. Napapalibutan ng puno ang dating kuta ng mga kulto. May araw pa ngunit natatabunan ng matatayog na puno ang sinag ng haring araw na noon ay palubog na ng mga oras na iyon. Si Kyle, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Ejay, Me Ann at Stephanie ay naglilibot sa lugar na iyon upang maka kuha ng kasagutan tungkol sa mga kultong nanggugulo sa kanilang baryo.
"Paano mo pala nalaman kung saan ang kuta nila Kyle?" Basag ni Me Ann sa katahimikan nilang apat.
Si Kyle noon ay sinisilip ang mga tent sa loob upang tingnan kung may mga naiwan bang bakas ang mga sinaunang kulto na nanggulo noon sa San Carlos, noong panahon ng kanyang mga magulang.
"Sa aklat ng talaan. Nabasa ko ito sa isang aklat na pinagtatalaan ng mga sinaunang anak ng araw. Nakasulat doon ang lokasyon which is dito nga, kung saan nila nilipol ang mga kalaban at pinatay." Sagot ni Kyle.
"Ano palang hinahanap natin dito tol?" Ejay.
"Kahit anong clue, kung paano nila pinipili ang biktima, bakit sila ang napili, sino ang susunod na papatayin at kung ano pa. Sa kasamaang palad, hindi yun naka sulat sa aklat." Paliwanag niya.
"Yan ang dahilan kaya sinabi ko kay Kyle na isama ka weirdo. I doubt kung may matira pa ditong kahit anong clue after so many years." Dugtong ni Stephanie.
"At paano mo naman nasabi na makakatulong ako?" May pag aalinlangang tanong ni Me Ann.
"Sa mundo natin, alam ng lahat na hindi ka baliw. What happened to you is true! Hindi lang ito pinaniniwalaan ng mga normal na tao sapagkat hindi nila alam na nag e exist ang mundo natin! Even the community of witches knows about your talent. Kaya alam ko na may maitutulong ka dito." Patuloy na paliwanag ni Stephanie.
"Guys! Tingnan niyo!" Sigaw ni Ejay sa di kalayuan. Tumakbo sila papunta doon sa lugar. Nagulat sila sa kanilang nakita.
"Ano ang lugar na ito?" Stephanie.
"This is an altar. Nabasa ko ito sa book. Dito nila isinasagawa ang kanilang pagsamba at pag aalay sa demonyong kanilang sinasamba."
"Kyle tingnan mo! Kaparehas ng kwintas mo!" Turo ni Ejay sa isang nakapintang simbolo sa harapan ng altar. Isa din itong pentagram na tulad ng kwintas ni Kyle.
"Hindi kaparehas Ejay. This one is an inverted pentagram! Hindi ito simbolo ng anak ng araw, ito ay simbolo ng demonyong si Baphomet!" Paliwanag ni Me Ann. Matapos banggitin ang mga katagang iyon ay nag dilim ang paligid. Tinabunan ng malalaking ulap ang araw na noon ay halos palubog na at lumakas ang hangin.
Alam ni Me Ann ang ganitong pakiramdam, tama nga siya! Bigla siyang nagulat nang may bagay ng gumalaw sa likod ng puno. Lubos niyang ikinagulat nang mag iba ang anino ng punong ito at ito ay naging isang hugis tao na ngayun ay naka harap na sa kanya. Ito ang aninong laging nagpapakita sa kanya, sa bahay, sa paaralan at maging sa kanyang panaginip!
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
خارق للطبيعةIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...