Chapter 43

56 6 4
                                        

"Protektahan ang kamahalan!!!!!!" Sigaw ng isang kawal na nagbabatay sa gilid.

Nagsimula ang labanan sa loob ng trono ng hari. Naging magulo ang kaninang may kaayusang throne room. Ang mga asul na dwende laban sa mga itim na dwende. Maririnig ang ingay ng bungguan ng kanilang mga sandata.

Sina Kyle, Me Ann, Stephanie at Ejay ay nakatingin sa babaeng nakaitim at mahaba ang buhok na ngayon ay nakangitin din sa kanilang tatlo -nakangiti.

Makikita ang tatlong matatandang dwarf wizards na humarang sa harap ng ngayon ay mga nakatayo nang Hari at Reyna at ang tatlong ito ay bumuo ng isang shield para protektahan ang kanilang mga pinuno. Sinubukan pang panain ito ng mga nasa itaas na mga itim na dwende ngunit nang tumama ito sa shield ay makikitang mababali ang mga palaso at liliwanag ang panangga ng kulay violet din. Ang buong paligid ay napapalibutan na ng mga itim na dwende ngunit ang puntirya nilang apat ay ang babae na naging sanhi ng matagumpay na panloloob ng mga ito. Ang naka itim na mangkukulam.

Tatlong liwanag mula sa langit ang tumama kina Ejay, Kyle at Me Ann. Ngayon ay handa na silang lumaban sapagkat hawak na ng mga ito ang kanilang mga sandata. Naghiwahiwalay ang apat. Lumipad si Stephanie, nagtago sa isang haligi si Me Ann at sumugod sina Kyle at Ejay sa babaeng ito.

Halatang sanay sa pakikipaglaban ang babaeng ito sapagkat nakailang ilag ito sa mga sandata ni Ejay at Kyle. Maya maya ay nilingon nito ang pinagtaguan ni Me Ann at nakita ang tatlong magkakasunod na pana na papunta na sa kanyang direksyon. Laking gulat nila nang makita na tulad ni Stephanie ay napahinto nito ang mga pana, lumutang ito sa ere. Bumaliktad ang mga pana at itinulak niya ito gamit ang kanyang kapangyarihan pabalik kay Me Ann.

Naging maagap si Me Ann at naitago ang sarili sa malaking haligi, doon tumama ang mga pana.

Ilang beses pang sinubukang tangkain na sugurin ito nina Kyle at laking gulat nila nang tumalsik sa malayo ang kanilang mga sandata. Nang susugurin na sila ng babaeng ito ay laking gulat nalang niya nang manigas siya. Hindi siya makagalaw. Nakita nila si Stephanie na ginamitan din niya ito ng kapangyarihan at ngayon ay hindi na makagalaw.

Isang malakas na sipa sa tyan ang pinakawalan ni Ejay at naging dahilan ng pagtilapon nito at napahiga sa sahig. Sa tulong muli ni Stephanie ay muling lumipad ang mga sandata nila Kyle pabalik sa kanila at nang magtatangka itong tumayo ay nakatutok na ang palakol ni Ejay at espada ni Kyle sa kanya.

"Not a single move!" Sabi naman ni Me Ann na palapit na rin sa babaeng ito.

Bumaba rin sa pagkakalipad niya si Stephanie at pinuntahan ang babaeng nakahandusay na sa sahig at itinutok nito ang kanyang kamay dito. Nagliliwanag ang kanyang kamay ng kulay dilaw at sinisiguro ni Stephanie na kung gumawa ito ng hindi maganda ay muli niyang gagamitin ang kanyang kapangyarihan para muli ay hindi ito makagalaw.

"Ha ha ha ha! Four against one!" Sabi nito habang inaayos ang sarili.

"Ayoko namang sarilinin ang tagumpay na ito. Alam ko sa sarili ko na kaya ko kayong paslanging apat ngunit nangako ako sa mga kasama ko na isama sila!" Nakangiting wika nito. Nang biglang muli ay nabasag ang isa pang salamin sa itaas at tatlo pang mga kakaibang nilalang ang nagsidatingan, tumalon sa kinaroroonan nila.

Nagsitalsikan silang apat sa lakas ng pwersa ng naunang tumalon. Isa itong higanteng halimaw na mukhang aso ang mukha na may sungay at ang katawan ay parang may balahibo ng oso. Napakalaki ng katawang nito at kita ang kanyang malalaking muscle dahil wala itong damit at ang tanging saplot lang nito ay ang suot nitong napunit na pantalon. May hawak ito napakalaking palakol at naglalaway ang bibig nito na akala mo ay anumang oras ay kakain ng tao.

Tumayo silang apat at tiningnan ang mga bagong dating na kalaban. May isa pang lalaking naka jacket na kulay itim ang dumating at makikita ang mga pangil nito habang tinutulungan ang babaeng mangkukulam na tumayo. Kung hindi nagkakamali sina Me Ann ay isa itong bampira. Kulay pula ang mata nito at napakaputi na akala mo ay walang dugo.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon