Chapter 4

107 8 0
                                    

Kumakain na ng hapunan sina Kyle kasama ang kaniyang lolo, ang kanilang katiwala sa bahay na si Aling Rosita at si Ejay ay hindi parin siya mapalagay. Iniisip parin niya ang mga pangyayari sa eskuwelahan kasama ang misteryosong babae na iniligtas niya.

"Alam mo Ser, madami kang magiging chicks, kahit sino siguro sa classroom e crush ka. Ikaw nga ang usap usapan sa canteen." Pagbibida ni Ejay.

"Ejay, ano ba naman yan, tuturuan mo pa ng kalokohan ang ser mo." Saway ni Rosita.

Natahimik nalang si Ejay.

"Ser, ung uniform nio, napatapos ko na po. Yung slacks nalang ang kulang." Sabi ni Rosita na pinasalamatan naman niya.

"Salamat po Nay Rosita." Sagot naman niya.

"Ser sigurado kaba na ayaw mo yung sapatos, kasya sakin ang yun." Tanong ni Ejay kay Kyle, naniniguro na binibigay nga sa kanya ang leather shoes na galing sa school.

"Oo Ejay, sayu nalang, madami na kong sapatos. Saka Kyle nalang itawag mo sakin. Pati sayu nay Rosita."

Ikinagulat ng mag ina ang sinabi ni Kyle. Mabait ang batang ito katulad ng kanilang lolo at mga magulang. Hindi mo kakikitaan ng pagiging mapagmataas kahit na nakakaangat sila sa buhay.

Matapos ang hapunan ay lumabas ng hardin si Kyle upang magpahangin at mag muni muni. Siya namang dating ni Ejay na may dalang dalawang boteng beer at inabot sa kanya ang isa.

"Pampaantok lang ser. Kyle pala." Sabi ni Ejay sa kanya at tinanggap naman niya.

"Excited ka na ba na pumasok bukas? Tanong ni Ejay.

"Oo tol. Gusto ko makausap ung Me Ann at may isa pang babae akong gusto tanungin."

"Grabe tol, dalawa agad!" Pantutuya ni Ejay.

"Loko kakausapin lang, hindi liligawan, magkaiba yun!" Sagot niya sabay tawanan ang dalawa.

"Si Me Ann, imposible mong ma diskartehan un. Di ka makaka ubra don. Focus sa pag aaral yun. Saka ilag din ang lalaki don. Medyo may kakaiba sa kanya e. Alam mo yun. Weirdo ang bansag sa kanya sa school. Sa kabila ng kilala ang pamilya nila sa pagiging may kaya sa lugar na to, wala e. May sayad sa utak ang anak." Paliwanag ni Ejay.

"Grabe ka naman sa may sayad tol." Sagot ni Kyle

"Naku tol, kung nakita mo lang yan noon? Parang mababaliw na. Kung ano ano ang nakikita. Kung di napagaling ng lolo mo, wala. Hindi natin kaklase yan ngayun. Yang bulaklak na naka display sa dining table natin, galing sa kanila yan. Linggo linggo silang nagpapadala ng bulaklak dito, mismong si Me Ann ang nagdadala." Dagdag ni Ejay.

Naipaliwanag ni Ejay na ang mga sariwang bulaklak ay galing sa hardin nila na ibinibenta din sa bayan. Bukod don ay may sarili din silang pwesto sa palengke na siyang pinagkukuhanan nila ng pagkakakitaan.

"Tol, alam mo ba kung ano ang kwintas na to?" Naitanong ni Kyle kay Ejay. Hinubad niya ito at tiningnan ni Ejay.

"Wow, totoo tong silver na to pwede isanla hahaha." Tawanan silang parehas.

"Hindi ako pamilyar dito e." Saad nito habang hawak ang kwintas at kinikilatis.

"Baka proteksyon sa mga masasamang elemento!" Patuloy na saad ni Ejay.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Alam mo may kalumaan na ang kwintas na ito. At alam ko na kapag ganitong may mga ibig sabihin, kaya itong ipaliwanag ng mama ko. Gusto mo tanungin natin siya?" Tanong ni Ejay.

"Sige pero unahin ko muna sigurong tanungin ang lolo ko. Matanda na din ang lolo ko, siguradong alam niya to."

"Oo nga no!" Sabay tawanan sila.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon