"Good morning Ser" Bati ni Ejay sa nag aalmusal na si Doctor Tan. Magkasabay na kumakain noon si Kyle at si Don Atanacio, sabado noon ng umaga.
"Good morning! Halika, sumabay ka na samin ni Kyle!" Sagot nito sa kanya.
Pinaunlakan naman niya ang alok ni Doctor Tan at naupo sa tabi ni Kyle.
"Tol, may nakita na kong magtuturo satin gumamit ng sandata, makipag-laban at gumamit ng self defense!" Bulong nito kay Kyle habang minamatyagan ang lolo ni Kyle na noon ay nagbabasa ng dyaryo. Mahirap na, baka mahalata sila. Mahigpit na itinagubilin ni Kyle sa kanya na isa itong sikreto na hindi dapat malaman ng lolo niya sapagkat parehas silang mananagot.
Halos masamid si Kyle noon na napatingin sa kanya. At nagmadaling kumain ng almusal. Mabuti at Sabado noon at walang pasok sa eskuwelahan. Halos patayo na ang dalawa sa lamesa nang lumapit si Aling Rosita kay Doctor Tan.
"Ser, nandito po si Me Ann, dinadalaw kayo." Sabi nito sa nagbabasa ng dyaryong si Doctor Tan.
Naglalakad naman palapit sa kanila si Me Ann, may dalang mga bulaklak.
"Good , morning Doc!" Sabi nito. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang dalawa at ito naman ay nginitian niya.
"O Me Ann, nag-abala ka pa! Talagang hindi mo ko kinakalimutang bigyan ng bulaklak ha!" Bungad nito kay Me Ann.
"Yes Doc, fresh flowers po para sa living room niyo! I am sure na magiging bagay po ito sa kurtina niyo!" Sagot naman ni Me Ann.
"Rosita, please take these flowers." Pagkakuha kay Me Ann ng bulaklak ay inabot naman ito kay Rosita.
"I believe you already met my grandson Kyle?" Dugtong nito.
"Yes po! Magka-classmate po kami and seat mates at the same time." Sagot ni Me Ann. Naku kung alam lang niya. Hindi lang pagiging isang classmate ang namagitan sa kanila ni Kyle. Sabay silang na detention, nakapaglakbay na sila sa past and just yesterday, pumunta pa sila sa kuta ng mga kulto kasama ni Ejay at ni Stephanie. A lot of things already happened between them at hindi ito alam ng lolo niya.
"Gusto mo sumama samin ni Kyle? Maglilibot kami sa hasienda" Tanong ni Ejay sa kanya sabay kindat sa kanya.
Alam niya ang ibig sabihin non. Hindi maglilibot ang dalawa sa hasienda. Plano nila na magsanay makipaglaban para harapin ang mga kulto. At sinabi na niya kahapon na hindi siya interesado.
"Huwag nga ako, alam ko ang plano niyo no, you should be thankful na hindi ko kayu sinusumbong kay Don Atanacio" Sabi nito sa sarili. Naka ngisi siya kay Ejay.
"I'm sorry Ejay, may gagawin kasi ako." Dahilan nito.
"Akala mo hindi kita tatablahin ha?" Sabi ni Me Ann matapos sabihin ito kay Ejay.
"Oo nga Ejay, wag mo na pilitin si Me Ann.Nagsusumikap mag-aral yan baka mamaya kapag bumagsak yan e sisihin kapa!" Sabi ni Kyle matapos inumin ang isang baso ng juice.
"It's Saturday right? Bakit hindi ka sumama sa kanila Me Ann? Makaka buti sayo ang may companion at nang makapag unwind ka naman hindi yung puro aral lang!" Si Don Atanacio yon na itinigil ang pagbabasa ng dyaryo.
Napatahimik si Me Ann. Pano ba niya tatanggihan ito? Bukod sa si Don Atanacio ang doctor niya ay ito ang nagpagaling sa kanya noon. Kaya nga siya nandito ngayun at may dalang bulaklak bilang pagtanaw ng utang na loob.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
МистикаIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...