Chapter 29

55 5 0
                                    

Madilim sa loob ng kweba ngunit ang ilaw na nagmumula sa kwintas ni Kyle ang nagsilbing liwanag niya ng mga oras na iyon. Dahil sa batong nakaharang sa lagusan ng kweba ay imposibleng makalabas siya doon. Wala siyang magagawa kundi ang tahakin ang loob ng kweba at humanap ng ibang lagusan sa lugar na iyon para makalabas siya. Naging alerto siya habang naglalakad at sinimulan nang baybayin ang kweba. Isa lang naman ang direksyon nito kaya hindi siya nahirapan sa paglalakad.

Maya maya ay dalawang lagusan ang nagpatigil sa kanya. Isang kanan at isang kaliwa. Alin sa dalawang ito ang pipiliin niya? Pikit mata niyang pinuntahan ang kanan nang biglang isang liwanag sa kanang lagusan ang pumigil sa kanya. Nagulat siya nang isang babaeng naka-puti na may hawak na tungkod ang nakatayo doon at ang nagliliwanag na bato sa taas ng tungkod nito ang nagsilbing liwanag nito at naging dahilan para makita ni Kyle ang mukha ng babae. Napaka-ganda ng babaeng ito at nakatingin ito sa kanya. Hindi ito kakikitaan na nananakit ito o gagawa ito ng masama na katulad ng kwento kwento na ito daw ang dahilan ng pagkaligaw at pagkakasakit ng ilang mga tao na nakaka-engkwentro nito. Ito nga ang dahilan kaya niya ito sinundan sa kweba at kaya siya nandyan sa sitwasyon na iyan at napahiwalay sa kanyang mga kaibigan na nasa labas ng kweba.

Maya maya ay naglakad ang babae. Desedido na siya. Ang kaninang plano niyang pumunta sa kanan ay nagbago na at nilakad na niya ang kaliwa kung saan pumunta ang babae.

Mahabang paglalalakad ang nangyari. May mga pagkakataon na kailangan mong mamili ng ibang lagusan ngunit hindi na siya nag-abalang mamili pa dahil sinusundan na niya ang liwanag na nagmumula sa tungkod ng babae dahil nauuna ang babaeng ito sa kanya.

Hindi nagtagal ay nakakita na siya ng liwanag. Napangiti siya dahil ito na ang daan palabas ng kweba. Tinakbo niya ito at iyon nga. Labas na ito ng kweba. Tama ang hinala niya na ang babaeng sinusundan niya na kung tawagin ay si Maria - Ang Isinumpang Babae ay walang masamang tangka sa kanya. Nakatayo ito ngayon sa di kalayuan at naka-ngiti sa kanya.

Masarap na hangin ang humampas sa mukha ni Kyle at tubig sa batis ang maririnig nang mga oras na iyon.

Ito na ba ang batis na sinasabi nila Me Ann? Ang mapaghimalang batis? Tanong niya sa sarili niya.

Para makasigurado ay itinaas niya ang kanyang sandata, hinawakan ito ng mahigpit, paharap sa babaeng kaharap niya ngayon.

"Sino ka?" Tanong ni Kyle.

"Palagay ko ay kilala mo na ako. Ako ang tinatawag nilang babaeng engkanto sa lugar na ito. Si Maria. Ang babaeng isinumpa!" Sagot ng babae.

"Ibaba mo ang iyong sandata. Alam mong hindi tatalab sakin yan." Patuloy nito sabay talikod sa kanya at lumakad.

Sinundan naman ito ni Kyle. Maya maya ay nagsalita ang babae.

"Matagal na kitang hinihintay Anak ng Araw!" Sabi nito habang naglalakad.

Gulat si Kyle at hindi nakasagot.

"Tama ang kwento tungkol sa batis na ito. Nakakapagpagaling ito ng karamdaman at mga sugat. Isang patak nito ay kaya nitong supilin ang kahit gaano kalakas na apoy!" Sabi ng babae habang sumasalok ng tubig mula sa batis. May maliit itong lalagyan na ngayon ay nilalagyan na niya ng tubig. Laking gulat niya nang iabot niya ito kay Kyle.

"Kunin mo! Kakailanganin mo ito sa iyong misyon!" Sabi niya habang inaabot kay Kyle ang tubig.

Nag-aalangang kunin ito ni Kyle ngunit kinuha din naman niya.

"Bakit mo ako tinutulungan?" Tanong niya.

"Ang apoy sa tuktok ng bundok ay sumisira sa balanse ng mundo. Kaisa ako sa layunin niyo na dapat na nga itong mapuksa." Sagot nito.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon