"May lumiwanag sa banda rito!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan.
Malakas ang kabog ng puso ni Me Ann na nagtatago sa ngayun sa likod ng puno. Naalala niya ang tinig ng babaeng ito. Ito ang babaeng gumulo sa buhay niya. Ang babaeng humawak sa noo niya noong bata siya habang naglalakbay siya sa nakaraan. Iyon ang naging simula ng pagbubukas ng third eye niya at naging simula ng pagdurusa niya sapagkat nakikita na niya ang ibat ibang uri ng mga lamang lupa o elemento na hindi nakikita ng normal na tao. Simula noon ay napagkamalan na siyang may sira sa ulo at muntikan pa siyang mamatay.
Sinilip niya ang kinaroroonan ng mga nagsidatingan mga nilalang. Nasa lima ang mga iyon. Isang babae at apat na lalaki. Mga naka jacket na may hood na kulay itim.
"Nararamdaman ko na hindi lang tayu ang nandito. Mag bantay kayo ng maiigi!" Utos ng babaeng ito sa apat nitong mga kasamahan.
"Opo Heneral!" Sabi naman ng apat.
Nagsimula nang maglibot libot ang mga taong ito at nag hiwa-hiwalay. Daig pa ang binuhusan ng isang timbang malamig na tubig ang nararamdaman ni Me Ann sa sobrang takot. Alam niya na hindi ito mga tao sa nakaraan. Tulad nila ni Kyle ay may kulay ang mga ito. Hindi sila mga tao ng nakaraan na tulad ng sa lola niya at sa ama niya noong kabinataan nito na kulay black and white lang. Ang mga ito ay katulad nila ni Kyle na manlalakbay sa nakaraan.
May mga sandata ang mga ito. May mga espada ang ilan at ang isa ay may pana, mga itsurang handang pumatay kahit kailan nila maibigan.
"Nasaan ka na ba Kyle?" Nangangatog na tanong niya sa sarili niya.
Umalis na sa tapat ng mansyon ang mga nilalang na ito. Naka hinga siya ng maluwag sa pagkakataong ito.
Maya maya lang ay nakita niya si Kyle na palabas na ng gate.
"Me Ann? Me Ann?" Tawag ni Kyle sa kanya
"Nasaan ka?" Patuloy na tawag niya dito.
Lalabas na sana si Me Ann sa kanyang pinag tataguan nang biglang lumabas sa di kalayuan ang lalaking isa sa naghahanap sa kanila.
"Nandito ka lang pala ha!!" Sabi nito habang patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Kyle na ngayun ay nasa may bandang labas na ng gate, sa kalsada.
Sumugod sa kanya ang lalaking ito.
"Ahhhh!!!" Sigaw ng lalaking ito habang naka amba ang espada nito.
Ano ba ang pwedeng gawin ni Kyle ng mga oras na iyon kundi ang umilag?
Ilang beses siyang pinagtangkaang saksakin at sugatan ng espada ng lalaking ito at ilang beses din siyang naka ilag ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, na talisod siya kaka atras at siya ay napa upo.
Sasaksakin na siya nito nang biglang dumating si Me Ann at hinampas siya ng kahoy sa likod. Hindi naging sapat iyon upang masindak ang lalaking ito kaya imbes na si Kyle ang saksakin ay siya naman ang pinuntirya nito.
Bago pa niya maisaksak kay Me Ann ang espada ay ubod lakas na sinipa ni Kyle ang lalaking ito, naging sanhi ng pagka tumba nito at nabitawan ang espada.
Agawan ng espada, suntukan, sipaan, sikuhan ang nangyari sa dalawa. Nasa lapag ang espada at pilit na inaabot ng lalaking ito samantalang si Kyle naman ay todo pigil dito. Ilang beses siyang nasuntok, nasipa paatras habang si Me Ann ay tulalang naka tayo, hindi alam ang gagawin.
Maya maya lang ay natalo si Kyle sa pakikipag bunong braso nito sa lalaking ito. Sinasakal na siya ng lalaking ito at halos hindi na makahinga. Nang...
"Arrggghhh!!!" lumabas sa bibig ng lalaking ito sabay luwag sa braso nito na nakapulupot sa leeg ni Kyle.
Ubod lakas na sinaksak ni Me Ann ng espada sa likod na ang lalaki na naging sanhi ng panghihina nito. Pinulot niya ang espada na pinag aagawan nila ni Kyle at isinaksak sa lalaking ito. Nabitawan na niya si Kyle na ngayun ay nakahiga na sa sahig habang hinahabol ang kinapos na paghinga nito, sanhi ng pag sakal sa kanya ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...