Chapter 11

82 9 1
                                        

"Ano ang nangyari sa kanya?" Tanong ng isang lalaki na may malalim na tinig, habang nakatingin sa isang sunog na bangkay.

"Nadikit siya sa pananggalang ng mansyon ng mga Madrigal." Sagot ng isang babae.

"Ang akala ko ay kaya mo nang pangasiwaan ang paglalakbay sa nakaraan heneral!" sagot ng lalaki.

Makikita na ang tatlo pang mga kasama ng babaeng ito ay naka yuko. Malalim na ang gabi at nasa labas sila ng isang napakalaking mansyon at sinalubong sila ng mga tulad din nilang naka itim na jacket at naka hood. Madaming mga akalain mo ay body guard na bantay sa lugar na iyon. Lahat ay pare parehas ng suot. Ang ilan ay naka bantay sa itaas, ang ilan sa hardin, ang ilan sa gate, sa malaking pinto papasok sa mansyon at ang ilang ay naka tago sa mga puno. Para silang may binabantayan na importanteng tao sa loob at para itong isang kuta ng isang sikretong grupo.

"Alam mo kung gaano ka importante ang mga nakaraan na inyong binabantayan heneral at hindi mo nanaising makarating ito sa ating pinuno. Hayaan mong ako na ang mangasiwa dito nang....." Hindi pa natatapos na paliwanag ng lalaki.

"Hindi mo papakialaman ang misyon na iniatas sa akin ng ating pinuno! Mahahanap ko din kung sino ang may gawa nito at iaabot ko mismo sayo ang ulo ng taong ito!" Galit na wika ng babae sabay lumakad palayo sa kanila. Sumunod naman sa kanya ang tatlo nilang kasamahan.

Sa kabilang dako..

"Kriiiinnnnnnnngggggg" Malakas na tunog ng bell ng school, hudyat na tapos na ang klase. Lahat ng mga estudyante ay nagmamadali nang umuwe sapagkat 5PM ang curfew ng school.

"Hey!" Tawag ni Kyle sa atensyon ni Me Ann.

Ngumiti naman si Me Ann at nagpatuloy sa pagliligpit ng kanyang gamit.

"Do you want to join us?" Tanong ni Kyle sa kanya.

Ikinagulat ni Me Ann ang tanong ni Kyle kaya itinigil niya ang pag aayus ng gamit at lumingon sa kanya sabay mahinang tanong ng "What?"

"You know. Para hindi ka naman ma boring. Gagala lang tayu somewhere. Napaka seryoso mo kasi, alam mo yun, we're high school! We should enjoy and have some adventure!" Sabi ni Kyle sa kanya.

Matagal bago siya naka sagot.

"Despite of the situation, ngayun ka talaga nag yaya ng adventure no?" Sagot ni Me Ann na ang ibig sabihin ay wrong timing ang pagyayaya nito ng adventure o gala o kung ano man ito dahil sa gumagalang kulto na pumapatay ng tao.

"Tol! Mauna na ko ha!" Paalam ni Ejay kay Kyle habang naglalakad na palabas ng pinto.

"Sige. Ikaw na ang bahala kay Mang Cardo ha? Saka ikaw na ang bahalang sumundo sa kanya!" Sagot naman ni Kyle.

"Sige sige!" Ejay. Nang maka alis na si Ejay ay muling nilingon ni Kyle si Me Ann.

"See? Everything is set! May kotse tayo, kaya ihahatid ka din namin pauwe. Promise, hindi tayo magtatagal! After nito, kain tayo sa bahay!" Patuloy na pag aaya niya kay Me Ann.

Nagbuntong hininga si Me Ann. Kilala naman niya si Ejay at mabait naman si Kyle. Wala naman sigurong masama kung sasama siya sa kanila. Besides, this is a very good opportunity to have friends.

"Alright. Just promise me na 6PM ay nasa bahay na ko." Sagot niya kay Kyle.

"Sige promise!!" May pananabik na sagot niya kay Me Ann.

Naglakad na ang dalawa papuntang parking para doon ay sumakay na sa kotse ni Kyle. Ilang minuto lang ay narating na nila ang parking kung saan nakaparada ang kotse ni Kyle. Pinagbuksan ni Kyle si Me Ann ng pinto upang maka upo sa back seat. Si Kyle naman ang nasa drivers seat katabi si Ejay. Nagpaalam si Me Ann sa kanyang mga magulang na wag na siyang sunduin sapagkat dadaan siya sa mansyon ng mga Madrigal para mag merienda at uuwi din bago mag 6PM. Pinayagan naman siya ng kanyang mga magulang. Napansin ni Me Ann na hindi pa pinapa andar ni Kyle ang kotse ngunit naka andar na ang makina nito.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon