"Guys pwede ba muna tayong magpahinga muna at kumain?" Tanong ni Ejay. May mahigit isang oras na kasi silang naglalakad sa bundok.Ang bundok ng Evada ay hindi naman mahirap akyatin. May mga umaakyat na talaga dito at may daanan na upang hindi ka maligaw. Iyon ang unang pagkakataon na maakyat ito ni Kyle. Sina Ejay at ang basketball team ay may mga pagkakataon na umaakyat dito upang maligo sa falls na nasa halos pinaka-taas na ng bundok. Madalas din itong dinarayo ng mga dayuhan dahil sa angking ganda ng lugar.
"Ano? Gutom ka na agad? Diba kakakain lang natin kanina?" Tanong ni Stephanie.
Tawa naman ang isinagot ni Ejay.
"O siya, magpahinga muna tayo pero 15 minutes lang. May mga tinapay diyan sa bag, yun na muna ang kainin natin. Mamaya na ang lunch!" Sagot ni Kyle.
"I can't believe na sa gitna ng mission ay may dala tayong baunan, sandok, kutsara at kung ano anong pagkain. Ano to? Picnic?" Tanong ni Me Ann habang nilalabas ang tinapay sa bag niya.
"Ako ang nagpasok ng mga pagkain diyan. Mama mo ang nagbigay, alangan naman na sabihin kong huwag na po! Edi halata tayong may ibang pakay dito at hindi ang pamamasyal o hiking!" Sagot ni Stephanie. Siya ang nagprepare ng mga baon habang naliligo si Me Ann kaya may mga dala silang malalaking bag.
"Sige, itong tinapay at ulam ang ihagis natin sa kalaban pag may nakaharap tayo." Sarkastikong sagot ni Me Ann.
"Where are our weapons anyway?" Tanong ni Kyle.
"Relax! Dala ko lahat yan! You don't expect me to appear sa harap ng magulang ni Me Ann na may dalang espada, palakol at pana diba?" Nakangiting sagot ni Stephanie.
Lito parin ang lahat sa ibig sabihin nito. Wala naman ito sa mga dala niya.
"Alright! Ito na!" Wika ni Stephanie. Matapos ay inikot niya ng tatlong beses ang kamay niya. Kulay itim na parang usok ang lumabas dito at maya maya ay naging dilaw. Laking gulat nila nang nasa lapag na ang mga sandata nila.
"Wow!!! How did you do that!!!!" Manghang tanong ni Ejay.
"I'm a witch remember? Simple lang ang trick na yan. It's dark magic yet it's very useful!" Sagot nito.
Kanya kanya na sila ng kuha ng kanilang sandata at nagsimula nang maglakad matapos mag meryenda.
"Guys, hindi ba kayo natatakot sa lugar na to? Ang kwento ay may engkanto daw dito. Isang babaeng nagngangalang Maria. Kwento lang naman yan pero ang sabi, meron daw isang lugar dito na hindi pwedeng puntahan dahil don daw yun nakatira!" Tanong ni Ejay.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...