(Author's note: Naka embed po sa taas ang youtube video ng kanta. Hanggat maaari ay i play po ang kanta para mas ma feel 😇. Ito po ay ni revive ni Charice at Alyssa Quijano).
Abala ang naging gabi ni Me Ann.
"Hello Ma'am, table number 6 is on your right side." , "It's good to see you here Sir. Please proceed on your left side, table 15 is in the corner!" Yan ang paulit ulit na routine niya. Nagdatingan ang mga bisita nang mga 7:30 PM at tunay nga na mga kilalang mga tao ang bisita. Halos lahat ay may posisyon sa gobyerno. Kahit si Senator June Enriquez ay dumating din na siya mismo ang naghatid sa table 1, siyempre alam niya ang protocol, VIP iyon, hindi uubra ang welcome lang at pagsasabi kung saan ito mauupo kahit obvious na sa harap naman ito uupo.
Nakakatuwa na lahat ng nasa checklist niya ay nagdatingan. Mga mag aalas 9 na nang magsimula ang program. Hindi mawawala ang sayawan, bagamat probinsya iyon, uso ang sayawan. Kung tawagin nga ay pasayaw ni Mayor. Ang mga kababaihan ay nag-aantay na puntahan sila ng mga kalalakihan at sila ay sasayaw sa gitna.
"Me Ann, wala nang darating. Kung gusto mo kumain muna ay kumain kana. Mamaya ay mag-aalisan na yang mga yan at magiging abala na naman tayo sa pagbati ng goodnight, have a safe trip sa kanila!" Sabi ng dalagang si Michaela, ang kasama niyang naging taga-welcome din ng guest nang gabing iyon.
"Are you sure na kaya mo mag-isa dito?" Tanong ni Me Ann.
"Oo kaya ko na to." Nakangiting sagot nito.
Maya maya ay tinungo na ni Me Ann ang likod ng mansyon kung saan nandoon ang daanan papunta sa kitchen ng Lopez Manor at kung saan makikita ang mga abalang catering services.
Konti lang naman ang kinain niya at nang matapos ay dumeretso sa restroom para mag freshen up. Nag toothbrush at nag facepowder ng bahagya at konting lipstick. Kailangan ay presentable siya mamaya syempre.
Pag labas niya ng rest room ay makikita ang mga ilang taong nagsasayawan doon. Ang iba ay busy sa pakikipag-usap at nagtatawanan.
Hindi niya napansin na nakatayo na siya sa gilid at nanonood na ng mga nagsasayawan. Naaliw siya sa saliw ng musika at siyempre sa mga napapanood na mga lalaki at babaeng sumasayaw sa saliw ng love song.
Nang matapos ang kanta ay nagbalikan sa upuan ang mga sumasayaw. Aalis na sana siya nang magsalita ang host ng event.
"This last song that we will be playing is one of the favorites of Lady Grace Lopez Blythe. May we request for the bachelors and maidens to dance as requested by the Lady of this Manor."
Tinugtog ang How Could an Angel Break my Heart at dahil ito nga ay paborito ni Me Ann ay tumigil siya upang pakinggan at panoorin ang banda na mag pe-play ng paborito niyang kanta.
Magaling ang mga kumakanta sa banda! Wika ni Me Ann sa kanyang sarili. Masarap pakinggan ang kanta at mapapaindak ka. Ngunit nang panahon na iyon ay wala pang sumasayaw sa gitna.
Maya-maya ay isang lalaki ang lumapit sa kanya.
Napanganga siya sa sobrang gulat.
"May I ask you for a dance?" Tanong ng lalaki na ngayon ay hinihingi ang kanyang kamay.
Napatanga siya sa lalaking kaharap. The guy is really handsome! Who would refuse such an offer to have a dance with him.

BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...