Chapter 3

125 10 0
                                    

Mga tatlong araw ding inasikaso ni Kyle ang kanyang transfer galing sa siyudad papunta sa San Carlos High kung saan siya mag aaral. Sa bayan na ito ay walang private school. Ang San Carlos High school ay isang public school at lahat ng mga mag aaral sa high school ay nandito nag aaral. Hindi tulad ng sa siyudad ay naglalakihang mga building ang elementary at high school sa public school, dito ay mga tatlong palapag lamang at mahahaba at malalawak na school. Sa paglilibot ni Kyle kasama ang kanyang lolo, makikita ang hindi papahuling mga kagamitan sa school na ito. May football field pa sa labas at may basketball arena pa sa loob. Tulad ng makikita sa school ng probinsya, makikita ang malaking stage na pinagsasagawaan ng mga activities ng school at dinig niya ay may pool din dito. Sabi pa ng lolo niya, "Maganda sa school namin, madami kang magagawa, walang private private kasi ito parang private na."

Pumasok sila sa isang office at sinalubong sila ng isang matabang lalaki.

"Good morning Don Atanacio." Pagbati nito sa kanyang lolo.

"Napaka pormal mo naman Elmer." Nagtatawanang nagkakamayan ang dalawa.

Nabasa ni Kyle ang naka sulat na nakapatong sa kanyang lamesa na "Mr. Elmer Rogando - School Principal"

"Nadaan dito si Mayor Lopez nong isang araw. Hindi kayu nagpang abot. Gusto niya na pagandahin pa ang eskuwelahan natin at i extend ang building 3." Paliwanag ni Mr. Rogando.

"Alam mo naman Elmer na kung ano ang maisip ni Mayor e walang problema sakin. Hindi ko na kailangan pang umattend sa mga meeting meeting." Sagot ng lolo niya.

"Alam naman ng lahat Tan na isa ka sa pinaka malaki mag donate sa school na ito. Ang angkan niyo ang hindi nagsasawa sa pagbibigay sa eskuwelahan na ito. Kaya nga itong building 2 ay pinangalan sa inyo. Madrigal building. Kaya hindi pwede na hindi ka namin kausapin." Sabay tawa si Mr. Rogando.

"Kulang ang pondo ng bayan sa pag e extend ng building 3. Siguro naman ay plano ng association na kausapin ka para sa muling pag dodonasyon." Patuloy na paliwanag niya.

"Ngayun Don Atanacio, wala ka nang choice kundi sumama sa mga meeting natin dahil nandito na ang iyong apo. Wow ang gandang lalaki Tan. Kamukhang kamukha niya si Daniel!" Tuloy tuloy na kwento ng principal na ngayun ay naka baling na ang atensyon sa kanya.

"Mukha nga Sir Rogando. Mukha ngang wala na kong choice kundi umattend sa meeting pag meron lalo at dito na mag aaral si Kyle." Pag sang ayon ng kanyang lolo.

"Kamusta ka iho?" Principal.

"Ok naman po Sir." Ngiting nahihiyang wika niya.

"Akin na ang papeles mo at ipapa ayus na natin yan. Bukas na bukas mismo ay pwede ka na mag simula. Wow, matataas ang marka mo. Isa ka ngang Madrigal, hindi malayung maging Doktor ka din pagdating ng araw." Sabi ng principal sa kanya.

"Salamat po sir." Sagot niya.

"O siya. Kung gusto mo mag libot sa school, narito ang leaflets ng school. Nandiyan ang mapa ng school at ang magiging room mo, doon un sa building 1." Sabay abot ng principal sa mga nakatuping papel na colored printed material na nakalagay ay Welcome to San Carlos High.

"Gusto mo samahan kita apo?" Tanong ng lolo niya.

"Hindi na po lolo. Mukhang madami kayung pag uusapan ni Sir Rogando. Kaya ko na po maglibot mag isa." Sagot niya.

"Tama ka. Madami kaming pag uusapan ng lolo mo. Bumalik ka dito pag tapos mo." Sagot ng principal.

"Kyle tawagan mo ko pag may problema ha? O pag naligaw ka o kailangan mo ng tulong." Sabi ng lolo niya.

"Sige po Lo, kaya ko na po ito."

"Matalinong bata naman ang apo mo Tan. Hayaan mo na siya."

At ayun, mag isa siyang naglakad palabas ng office ng principal. Nasa building 2 siya ngayun at tama nga ang Principal. Naka pangalan sa kanila ang building 2. Nakita niya mismo sa mapa ang "Madrigal Building" kung saan siya naroon.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon