Chapter 1

454 18 2
                                    

Ilang linggo na ang lumipas at naka kulong parin si Kyle sa kanyang silid. Ngayun ay nasa piling na siya ng kanyang lolo, ang ama ng kanyang ama sapagkat matapos mamatay ang kanyang ina ay wala na siyang natirang pamilya.

Hindi parin niya lubos na maisip na panloloob at tangkang pagnanakaw daw sa kanilang bahay ang naganap nang oras na salakayin sila ng mga naka itim na tao.

Gulong gulo ang isip niya. Hindi na niya kinagisnan ang kanyang ama dahil ito ay namatay noong bata palang siya at tumira na sa siyudad kapiling ang kanyang ina.

Malaking bahay at isang subdivision ang kanilang tinitirahan. Isang doktor ang kanyang ina na nagta trabaho sa pribadong ospital at siya naman ay isang high school student sa isang pang pribadong paaralan.

Tulad ng kanyang ina, ang kanyang ama din ay isang doktor. Angkan sila ng mga kilalang doktor. Maging ang kanyang lolo na tinitirhan niya ngayun ay isa ding doktor sa kanilang baryo.

Mansyon ang kanilang tinitirhan. Napaka luwag ng kanyang kwarto at may sariling veranda. Nakaka lungkot lang at hindi niya na enjoy maglibot sa buong mansyon dala ng kalungkutan ngunit ang nagpapasaya sa kanya ngayun, ang kwarto daw niya na tinutuluyan ngayun ay kwarto ng kanyang yumaong ama.

Malawak ang kanilang lupain. Kita mo sa sliding door na pinto sa veranda ang naglalakihang mga puno at kung sisilip ka, makikita mo ang dalawang katulong na nag wawalis ng kanilang bakuran at nagdidilig ng kanilang hardin.

Nakita ni aling rosita na gising na siya at himalang lumabas ng kanyang silid at agad siyang tinawag.

"Ser" sigaw nito sa baba. At nag tatakbo papasok ng kanilang bahay. Maya maya lang ay may kumakatok na sa kanilang kwarto.

"Good morning po ser!" Bati ni Rosita matapos niyang buksan ang pinto. Ngumiti lamang siya dito.

"Mabuti ser at lumabas na kayu ng kwarto. Mabuti ho sa katawan ang maarawan. Gusto niyo po ba ng kape?" tanong niya.

"Saglit. Ilang araw na ba akong naka kulong sa kwarto na to." Tanong niya sa kanyang sarili. Tumango siya kay aling Rosita bilang tugon.

"Halikayo ser. Nasa hardin po ang pagkain." Nauna nang naglakad si Aling Rosita na sinundan naman niya.

Napakalaki ng kanilang bahay. Masasabing bahay ito ng mayaman sapagkat isang minuto nilang linakad ang napaka habang hagdan bago marating ang baba. Hindi na niya ito napansin nang maka rating siya sa mansyon dala ng sobrang kalungkutan. Tulala siya simula nong iburol ang kanyang ina, dito din sa mansyon na ito at ilibing dito sa kanilang baryo. Matagal na din na pagkakataon bago siya nakabalik sa bahay ng kanyang lolo. Laging ang lolo niya ang dumadalaw sa kanila sa siyudad kung saan sila naka tira ng kanyang ina.

Pumukaw ng atensyon ang tanong ni aling Rosita sa kanya.

"Ser, naalala mo ba dito ka pa naglalaro dati." Oo nga. naalala niya. Bata pa kasi siya noon, siguro 5 o 6 years old siya noong taon taon sila magbakasyon ng kanilang pamilya. Noong buhay pa ang kanyang Ama, masaya ang silang umuuwe sa kanilang baryo taon taon hanggang sa mamatay ang ito sa di maipaliwanag na kadahilanan. Tulad ng kanyang ina ay may pumatay din dito at ang pinagkaiba lang, dito sa baryong ito namatay ang kanyang ama at nasa bakasyon silang pamilya nang maganap ang trahedyang iyon. Simula non ay hindi na sila bumalik dito ng mag ina at tanging ang lolo nalang nila ang dumadalaw sa kanila sa siyudad.

"Ito ang baryo San Carlos ser. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao dito. Mga nag sasaka, nag tatanim, nag aalaga ng baboy nag titinda, di tulad sa siyudad. Sariwa po ang hangin dito. Mag eenjoy po kayu dito ser." Marami nang nasabi si Rosita at ito ang huli niyang narinig.

"Umalis na si Sir Tan. Nasa clinic na po. Kumain na po kayo." Tan, pinaiksing Atanacio. Ang lolo ni Kyle ang binabanggit ni Rosita. Sa ngayun ay makikita mo ang maliit na lamesa at parang isang maliit na tambayan na may transparent na bubong ang nandon sa ilalim ng puno. Napaka elegante ng mansyon nila para sa isang simpleng baryo na binabanggit ni Rosita. At alam naman niya na mayaman ang kanilang angkan. Bukod sa doktor ang kanyang mga magulang at lolo, may sarili din silang negosyo na palayan, manggahan, babuyan at mga pwesto sa palengke. Kanina nga ay nakita niya ang mga trabahador na nagtatawanan , nagbibiruan at paalis na galing sa likod ng mansyon siguro ay kakatapos lang ng mga itong kumain. Binati pa nga siya ng good morning ser at tinanguan naman niya.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon