Umuwing luhaan ang magkakaibigan. Isang malakas na kasintunog ng kulog ang umalingawngaw sa labas ng bahay nila Me Ann. Nakabalik na sila sa mundo ng mga tao.
Ganito pala ang pakiramdam ng nabibigo? Ang pakiramdam ng natatalo. Matagal na panahon nila itong pinaghandaan ngunit natalo parin sila. Hawak na ng kalaban ang punyal.
Nakayuko silang bumitaw sa pagkakahawak ng bungo na ginamit nila para makauwi. Maya maya ay makikita sa di kalayuan ang isang napakalaking sunog. Nasa direksyon ito papunta sa mansyon nila Kyle. Nagkatinginan ang apat at sabay sabay na muling humawak sa bungo. Kasabay ng muli ay malakas na tunog na parang kulog ay ang paglalaho sa kanilang kinatatayuan.
Nananakbong lumabas ang mga magulang ni Me Ann dahil nagising ang mga ito sa lakas ng tunog ngunit wala silang nakitang mga tao doon sapagkat dinala na sila ng kapangyarihan ng bungo sa lokasyon ng nasusunog na lugar.
Pagdilat nila Kyle ay laking gulat nila kung nasaan sila. Nasa harapan sila ngayon ng kanilang safe-house. Nasusunog ito kasama ng mga halaman sa bukid at bumuo ito ng isang malakas na wild fire.
Maiyak-iyak si Me Ann sa nakita. Ito ang lugar kung saan naging bahay tagpuan nilang magkakaibigan. Ang lugar na ito ay may malaking bahaging ginampanan sa kanilang mga naunang mga misyon at higit sa lahat, ang alaala nilang magkakaibigan. Napayakap ito kay Kyle. Kahit kasi patayin ang apoy ay wala nang matitira, Sunog na sunog na ang bahay pati ang paligid nito.
Sa di kalayuan ay nakita ni Stephanie ang dalawang nilalang na maaaring sumunog sa kanilang safe-house. Naka tayo sa di kalayuan ang isang babae na naglaho matapos ito matabunan ng pinaghalong usok ng apoy at hamog. Maririnig sa buong paligid ang tawa ng babaeng ito. Hindi nga sila nagkakamali. Ang sumunog sa kanilang bahay ay ang mangkukulam na kanilang nakaharap sa kaharian ng mga dwende.
Maya maya lang ay malakas na sirena ang kanilang narinig. Mga bumbero ang mga nagsidating at sinubukang puksain ang malaking apoy.
Dumating din ang lolo ni Kyle na mukhang galit na galit. Naalala nila na dalawang araw pala silang nawala at hindi nagpaalam. Dumating din ang sundo ni Me Ann, ang kanyang mga magulang na halos maiyak-iyak na.
"San ka ba galing anak?" Maririnig mo sa kanila ngunit hindi sumasagot si Me Ann.
Maya maya ay nagpaalam na si Stephanie. Dumating na ang sundo nito. Lahat naman sila ay nagsiuwian na.
"Your grounded!!!!!!!" Umaalingawngaw na boses ng lolo ni Kyle.
"And you know what that means young man? No basketball, no televison, no phones, no car! Just home and school!" Nakumpiska ang cellphone nito. Putol ang cable sa kwarto, kinuha ang susi ng kotse at bantay sarado siya sa lolo niya. Wala siyang maisip na alibi at hindi na niya kaya pang magsinungaling sa lolo niya. Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi i-kwento ang lahat.
Nakakulong sa kwarto si Kyle, nakatingin sa langit.
Sa kabilang dako ay napagalitan naman si Me Ann ngunit mas namayani sa kanyang mga magulang ang awa. Hindi ito nagkwento ng buo sa mga ito dahil hindi maawat ang pag-iyak nito. Nakatulog nalang siya sa pagod.
Sa kuta naman ng mangkukulam ay ikinuwento ni Stephanie ang lahat. Nagmadaling pinalibutan ng mga matatandang mangkukulam ang kanilang kuta at nilagyan ito ng engkantasyon. Tulad ng mansyon ni Kyle ay may pananggalang na rin ang buong kuta. Nang malaman nila na hawak na ng kampon ni Azazel ang punyal ay malaking takot ang kanilang naramdaman. Nilagyan nila ng proteksyon ang kanilang kuta upang kahit papaano ay makalaban kung sakali man na sugurin sila ng may masamang tangka.
Si Ejay ay walang katapusang sermon ang inabot sa ina. Bad influence daw ito sa mabait na si Kyle at tulad din ni Kyle, grounded siya. No basketball.
Iyan ang sinapit ng anak ng araw at ng kanyang mga kaibigan.
Sa kabilang dako..
Nagising si Me Ann ng ala una ng madaling araw. Isang parang tunog ng palaso ang tumama sa kanilang pintuan. Parang may tumira ng palaso sa kanilang pintuan kaya naman agad agad na sinilip niya ang labas ng bahay. Walang tao. At wala sa pagkakataong iyon ang itim na anino na nagsasabi kung may panganib ba nang oras na iyon.
Agad niyang tinungo ang baba at walang pasubaling binuksan ang pintuan. Tama nga ang kanyang hinala. May pumana sa kanilang pintuan. Ang nakakapagtaka ay bala ito ng kanyang palaso! Nagtaka siya na may papel na nakatusok sa pana. Tinanggal niya ang pana at hinila mula dito ang papel at binuksan. Nang basahin niya, ito ang nilalaman ng sulat.
"Dear Baby,
You did well tonight, I'm impressed. No hard feelings ;)
Sincerely,
Devron BlytheNapatingin sa langit si Me Ann at napagtanto ang mga bagay bagay. Napahinga siya ng malalim ng maalala kung paano makipaglaban ang lalaking may malaking nag-aapoy na espada at nakasuot ng ginintuang baluti. Kilala na niya kung sino ito.
Sa mansyon ng mga Lopez....
Sa labas ng masyon habang paakyat ang lalaking nakasuot ng ginintuang baluti sa hagdan papasok ng kanilang bahay ay sinalubong na ito ng tatlong nilalang. Ang babaeng mangkukulam, ang lalaking nakahubad at may punit na pantalon na kanina lamang ay naging isang higanteng halimaw at naka-itim na bampira. Sabay sabay na lumuhod ang tatlo at nagsabing.
"Congratulations young master!"
Unti-unting tinanggal ng taong ito ang kanyang malaking helmet at lumitaw ang maamo at maputi nitong mukha. Si Lord Devron.
Kinuha nito ang punyal na nakasukbit sa kanyang tagiliran at ubod lakas na tumawa.
Rinig sa buong kaharian ang kanyang halakhak.
END OF BOOK 1
**********
Salamat po sa inyong suporta.
Sincerely,
Your Author - Dark Angel
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...