"Ama!!!!!!!!!" Sigaw ng prinsipe na umalingawngaw sa buong kaharian.
Hawak na ng nilalang na nababalot sa ginintuang baluti ang ulo ng kanyang amang hari. Makikita ang tumutulo nitong dugo sa leeg dahil hawak ng nilalang na ito ang ulo ng hari at naglalakad palayo, papunta sa likurang bahagi ng kaharian. Mapapansing sumunod sa kanya ang itim na dwende na pumugot sa ulo nito at gumamit ito ng kapangyarihan upang lumitaw ang isang napakalaking pader. Itinutok ng nilalang na may hawak sa ulo ng hari ang pugot na ulo nito sa dingding at yumanig ang paligid. Bumukas ang malaking dingding at doon ay makikita ang isang paikot na hagdan pababa. Ito ang kamara ng kaharian ng hari - kung saan nakatago doon ang punyal.
Mabilis itong tinakbo ng prinsipe para sundan ang mga ito ngunit sumara na ang silid na iyon. Bagamat hindi siya ang hari ay hindi siya otorisadong pumasok sa loob.
Ilang beses niyang sinuntok ang pader sa galit ngunit wala paring nangyari. Nanatiling nakasara ang kaharian.
Samantala, tumayo si Kyle sa pagkakabagsak sa sahig sanhi ng malakas na pwersa ng labanan nila ng nilalang na iyon. Tiningnan niya ang kalagayan ng kanyang mga kaibigan, halos matalo na si Ejay. Naka dagan na dito ang higanteng halimaw. Si Stephanie naman ay nasa sahig na din, natalo ito ng kalaban niyang mangkukulam. Si Me Ann naman ay nakikipag laban parin sa bampira. Paano siya makakatulong sa kanyang mga kaibigan? Wala na ang kanyang sandata, nabali na ito. Pinanghinaan ito ng loob at hindi na niya alam ang gagawin. Nang biglang isang napakalakas na puting liwanag ang nakita niya na nagmumula sa bato na hawak ni Me Ann.
"Ngayon mo ko pagtaguan bampira! Hindi ka makakapagtago sa akin sa liwanag!" Sabi ni Me Ann at noon ay nakita na niya ang bampirang nakatago sa anino ng isang haligi ng palasyo. Bagamat ngayon ay wala nang anino na pwede nitong pagtaguan at sobrang nasisilaw na ito sa liwanag ng bato ng pag-ibig na hawak ni Me Ann ay nagkaroon ng pagkakataon si Me Ann na tirahin ng kanyang palaso ang kalaban. Ayun, bahagya parin naman itong nakaiwas ngunit tinamaan parin sa kanyang braso. Maririnig ang daing nito sa sakit na naramdaman, Nakabaon sa braso nito ang palaso na pinakawalan ni Me Ann.
Dahil dito ay naalala ni Kyle na meron pa siyang isang panlaban, nasa kanya ang bungo ng sagradong kasunduan.
Nang makita niyang tutulong ang babaeng mangkukulam upang sumaklolo sa nasaktang kasamahan ay inilabas ni Kyle ang bungo at ang mga butas ng mata ng bungong ito ay nagliwanag ng kulay pula.
Nang makita ng halimaw na nakadagan kay Ejay ang liwanag na nagmumula sa bungong ito ay para itong natatakot na tumakbo at maya maya ay naging tao ito. Isang lalaking malaki ang katawan na nakahubad at ngayon ay tinatakpan nito ang kanyang mga mata para maiwasan ang liwanag na dulot na nagmumula sa bungo.
Ganon din ang nangyari sa mangkukulam, para itong naging isang maamong tupa na nakaluhod na nang makita ang liwanag ng bungo.
Kakaatras ng tatlong kalaban upang makaiwas sa liwanag ng bato ni Me Ann at bungo ng sagradong kasunduan ay nagkasama sama ang tatlo. Hindi na makagalaw ang mga ito. Naalala ni Kyle na ang mga lahi nila ay kasama sa mga lahing nangako ng kapayapaan at may kontrol sa kanila ang kapangyarihan ng bungong ito dahil dito nakakintal ang mga dugo ng mga sinauna nilang pinuno. Maging ang mga dwende ay nagsitigil din sa paglalabanan. Nagsimulang magtakbuhan ang mga itim na dwende at naiwang nakapikit ang iba.
Maya maya ay laking gulat nila nang magliwanag ang langit. Nagkaroon ito ng isang butas na kulay brown at laking gulat nila nang lamunin ng butas na iyon ang tatlong kalaban. Kasunod nila ay ang isang kulay itim na dwende na nasa itaas ng bubong ang tumakas din papasok sa butas na iyon.
Ang butas sa langit ay ang portal na daanan palabas at papasok ng mundo ng mga tao. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nakatakas ang mga kalaban sa tulong ng isang itim na dwende na nagbukas ng isang portal para makatakas sila.
Itinigil na ni Kyle at Me Ann ang liwanag mula sa bato at sa bungo. Ngayon ay pumayapa na ang buong kaharian. Nagsialisan na ang mga itim na dwende.
Tinakbo nilang apat ang kinaroroonan ng Prinsipe na noon ay umiiyak na dahil sa pagkamatay ng kanyang Ama.
"Mahal na prinsipe! Ang punyal. Kailangan natin silang maunahan!" Sabi ni Stephanie dito.
"Walang paraan para makapunta sa kamara ng kaharian ng aking ama maliban sa kanyang mukha. Dahil hawak ng kalaban ang ulo ng aking ama ay hindi natin ito mabubuksan!" Sagot nito.
Hinawakan ni Stephanie ang kanyang kamay.
"Maaaring hindi mabubuksan iyan, ngunit wala ka na bang ibang maisip na lagusan para makapasok tayo don?" Tanong ni Stephanie.
Ngunit hindi sumasagot ang prinsipe. Umiiyak lang ito.
"Pagtulungan natin ito, matagal na panahon na iningatan ito ng iyong Ama at ngayong patay na siya, ikaw na ang may pananagutan dito. Nakikiusap kami sayo. Tulungan mo kaming makapasok sa loob at nang makuha na namin ang punyal!" Si Kyle naman ang nagsalita.
Nagliwanag ang mukha ng prinsipe. May iba pang daan papasok sa kamara ng mga kayamanan ng hari. Ito ay ang daan sa ilalim na matagal na panahon nang isinara.
"Sumunod kayo sakin! Sabi ng Prinsipe sa apat."
Maya maya ay tinatakbo na nila ang papunta sa ilalim ng kaharian. Ilang sandali pa ay narating na nila ang ilalim ng kaharian at may nakita silang isang lumang malaking pintuan na napapaikutan ng malaking bakal ang door know nito at may isang napaka-laking kandado.
Natigilan silang lahat ngunit bahagyang itinaas ni Stephanie ang kanyang kamay at ginamitan niya ng kapangyarihan ang kandadong humaharang sa kanilang harapan.
Isang malakas na Click ang maririnig sa kandadong iyon, senyales na nabuksan na ito.
Madali nilang inalis ang bakal na nakapulupot sa door knob at nang mabuksan ito ay madali nilang tinakbo ang loob ng lagusan. Nagsilbing liwanag nila ang bato na hawak ngayon ni Me Ann habang sila ay tumatakbo.
Maya-maya ay may nakita silang maliit na liwanag. Iyon na ang kamara ng kayamanan ng hari. Madali nilang tinakbo ang butas na iyon at maya maya rin ay nakalabas na sila sa sikretong lagusan. At ayun na nga. Nakita na nilang hawak ng naka ginintuang baluti ang punyal ng sagradong kasunduan. Nakita nito ang punyal at ngayon ay hawak na niya. Napalingon pa ito sa kanila kasama ng itim na dwende.
Malayo sila sa kinatatayuan ng nilalang na ito at ng itim na dwende. Nagpakawala muli ng palaso si Me Ann papunta sa ulo ng taong naka-ginintuang baluti. Mabilis ang nilipad ng palaso ngunit mas mabilis at alerto ang taong ito. Binitawan nito ang ulo ng haring dwende at sinalo sa pamamagitan ng kaliwang kamay ang lumilipad na palaso. Gumulong ang ulo ng hari sa mga gintong barya na noon ay parang bundok na nakakalat lang sa silid na iyon. Maya maya ay nagkaroon ng itim na usok. Hawak ng nilalang na ito ang punyal sa kanang kamay at sa kaliwa ay ang palaso na nasalo niya sa pagtira ni Me Ann. Hindi nagtagal ay naglaho ang dwende at ang nilalang na ito. Ang itim na usok ay kapangyarihan ng dwende para makatakas sa kanila palabas ng silid na iyon. Kulob man ang kwartong iyon ay maririnig parin ang parang hinigop na mga nilalang ng langit sa pamamagitan ng portal na nilikha ng itim na dwendeng iyon. Malamang ay gumamit ito ng kapangyarihan na lumabas sa kamara ng kayamanan ng hari at nang makalabas ay gumawa ito ng panibagong portal para sila ay makatakas.
Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang lima sa loob ng kwartong iyon. Hawak ng prinsipe ang ulo ng kanyang namayapang ama at nang makalabas ay nakita nila ang mga dwendeng nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang pinuno.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...