Bagamat 8PM pa ang party sa Lopez Manor ay kanina pang tanghali wala ang ina ni Me Ann.
Dumating siya sa bahay ng mga 4:30 PM kasama ang kanyang ama na sumundo sa kanya. Ihinabilin ng kanyang ina na dumaan siya sa flower shop at kumuha ng mga sariwang bulaklak dahil kinulang ang mga bulaklak na i dedecorate nila sa mga lamesa.
Matapos mag shower ay naghanap na siya ng susuutin. Formal daw ang theme ng party kaya hindi pwedeng kung ano lang ang suutin niya. Bagamat ang trabaho lang naman niya doon ay tumulong sa pagdedecorate ng mga tables, chairs at stage na nasimulan naman na ng mga naunang tauhan nila, kakailanganin niyang mag-antay hanggang matapos ang party dahil sasabay siya sa mama niya kasama ng mga tauhan nito at ng business partner nito na umuwe kaya hanggang magdamagan ang party na iyon. Mabuti at Biyernes, walang pasok bukas.
"Ito naman si Mayor, gabi pa talaga naisipang magpa party!" Sabi niya habang namimili ng susuuting damit. Naisip niya na magsuot lang ng simpleng bistida na kulay blue. Hindi naman niya kailangang makipagsayawan doon. Kumbaga makibagay lang para in siya sa mga taong nandoon.
Sa wakas ay nakapagbihis na si Me Ann. Sinundo siya ng isang lalaki na tauhan ng kanyang ina at dumeretso sa flower shop. Kinuha niya ang mga sariwang bulaklak na inutos sa kanya ng kanyang ina at sila ay umalis na. Mga 20 minutes ang itinagal ng kanilang paglalakbay papunta sa Lopez Manor. Nasa Baryo ng San Lazaro ang Lopez Manor at medyo may kalayuan ito sa Baryo ng San Carlos.Natigil sila sa isang malaking gate. Inusisa sila ng naka-itim na guard kung ano ang pakay nila. Mga 2 to 3 minutes na pag-aantay bago sila pinapasok sapagkat niradyo pa nito ang kanilang kasamahan kung talaga bang may business sila sa loob.
Manghangmangha si Me Ann sa nakita. Mala-palasyo nga ang lugar na ito. Naka-kotse man ay matagal bago nila natanaw ang malaking bahay na matayog na nakatayo sa gitnang bahagi nito.
May mga puno, may mga hardin na makikita mong hindi napapabayaan, at may fountain pa silang nadaanan at ilang lugar pahingahan sa ilalim ng puno. Ito ang Lopez Manor. Ang tahanan ng kanilang butihing Mayor.
Maya-maya ay dumating na sila at agad na bumaba si Me Ann para hanapin ang lugar kung saan gaganapin ang welcome party. Nakita niya agad sa kaliwang bahagi ang stage na naka set up at mga upuan at mga lamesang pinaganda ng kanyang ina, sampu ng mga tauhan nito.
"Me Ann! Buti at nagbihis ka ng pormal!" Bungad sa kanya ng mama niya.
"Wala na pala akong aayusin Ma, bakit pa ko nandito?" Tanong ni Me Ann habang iginagala ang kanyang mata sa mga lamesang mga naka-ayos na at pati ang stage ay naka-ayos na din.
Alas sais na noon ng hapon. Hindi naman nakakapagtaka na dapat ay maayos na ang lahat dahil maya-maya lang ay darating na ang bisita.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...