"We know who's the next victim!" Bungad ni Stephanie kay Kyle at Ejay.
Agad agad nilang tinungo ni Me Ann ang dalawa na nagbabantay sa labas matapos makapaglakbay sa nakaraan.
"Sino? Sino ang victim?" Tanong ni Kyle.
"Yung team captain niyo sa basketball!" Sagot ni Me Ann.
"You mean our team captain?" Si Cabrall?" Ejay.
"Yup! Siya nga!" Sagot ni Stephanie.
"Alright. We need to call him first and warn him. Then, susubukan kong mag puslit ng isang kotse sa bahay para puntahan siya!" Sabi ni Kyle sa kanila.
"Hindi siya sumasagot tol!" Sabi ni Ejay na noon ay tinatawagan na si Captain Cabrall.
"Hey, what's wrong?" Tanong ni Stephanie kay Me Ann nang mapansing hingal na hingal siya at naka tingin sa bukirin.
"It's.... It's here!!" Nangangatog na wika ni Me Ann.
"Which one?" Sabay sabay silang tumingin sa kaliwang bahagi ng bahay kung saan nakatingin si Me Ann ngunit wala naman silang makita kundi mga pananim na palay sa bukid.
"Come on,.. Speak to us! Ano yun?" Pagsusumamo ni Kyle sa kanya.
"The shadow! The Shadow of bad omen is here!" Sabi ni Me Ann na ikinagulat nila.
"Anong ginagawa niya Me Ann?" Tanong ni Stephanie.
"Naka tingin lang, nakatayo!" Sagot ni Me Ann na nanginginig parin sa takot.
Humangin ng malakas at ito ay tumama sa mga balat nila. Samantalang sila ay nasa labas ng bahay ay makikita mong sumasabay ang mga palayan sa malakas na hangin. Ang loob naman ng bahay ay dumilim sapagkat namatay na ang mga kandilang binuksan nila doon.
"May ibang tao dito. I can feel it!" Sabi ni Stephanie.
"Guys! Be ready!" Utos ni Kyle sa kanila na agad namang iniangat ang kanyang espada na katulad ng natutunan niya kahapon sa unang araw ng lessons nila.
Si Ejay naman ay naghanda na din nang hawakan niya ang mabigat na palakol na pinili niya bilang sandata. Si Stephanie naman ay tumakbo sa loob ng bahay at paglabas ay may dala nang lata na may lamang pulbos na kulay itim. Dumakot siya ng maraming pulbos sa kanyang palad at ihinagis sa kanilang harapan. Itinaas niya ang kanyang kamay at nagsabi ng isang salitang latin.
"Ignis!" Mula sa pulbong itinapon niya sa lupa, naging isang malaking apoy ito na pumalibot sa kanila. Nagliwanag ang paligid nila sanhi ng apoy na nilikha ni Stephanie. Maya-maya lang ay may naramdaman silang mga kaluskos.
Tiningnan ni Stephanie si Me Ann at nakuha naman niya ang ibig sabihin nito. Itinaas ni Me Ann ang kanyang palaso na nakatutok doon sa palayan kung saan nila narinig ang kaluskos na para bang may nagtatagong tao.
Nang itaas ni Stephanie ang kanyang kamay, iginalaw niya ito nang pakanan na akala mo ay may hinawing bagay sa harapan niya. Nang oras din na iyon ay nahawi ang palayan sa bukid at bagamat may malaking apoy sa kanilang harap ay may nakita silang tao na nagtatago doon. Isa ito sa mga miyembro ng kulto, nakasuot ng black na mahabang damit at may hood. Sa gulat nito ay napaatras ito at nanakbo.
"Me Ann!! Shoot him!!" Sigaw ni Kyle.
Nangangatog na halos hindi mabitawan ni Me Ann ang palaso kahit nakatutok na ito sa tumatakbong myembro ng kulto.
"Do it!" Sigaw ni Stephanie. Halos makalayo na kasi ang taong ito at kung hindi pa niya bibitawan ang kanyang palaso ay makakatakas na ito.
Paano ba niya magagawang bitawan ang kanyang palaso? Ibig sabihin lang non ay papatay siya ng tao!
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
FantastiqueIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...