"Do you guys have a solid plan kung paano tayu makakarating sa Dwarf Castle?" Tanong ni Stephanie.
"Honestly wala. Hindi pa natin nararating ang lugar na to, as you've notice, kada may makikita tayong dwende e nagtatago tayo." Sagot ni Kyle.
"What?!!! So we came all this way for nothing?" Reklamo ni Stephanie.
"Relax, matagal ko na ding iniisip yan pero dahil sa kulang na tayo sa time e kailangan nating magmadali na. Pwede naman nating isipin ang bagay na yan habang nandito tayo!" Muling sagot ni Kyle.
Naglalakad sila ngayon sa isang lugar na mapuno. May mga puno din sa Dwarf City at iyon ay napaka ganda. Napakaraming halaman. Kung hindi nga lang siguro gabi ay mas maappreciate nila ang view.
"Inaantok na ko guys! It's 2am. Lalakarin na ba natin ngayon na ang palasyo? Hindi ba tayo pwede matulog muna?" Tanong ni Ejay.
"Guys ano yun!!" Tanong ni Me Ann habang tinuturo ang kalangitan.
Maya maya ay isang liwanag sa kalangitan ang napansin nila.
"Tingnan niyo ang kaharian guys!" Sabi naman ni Kyle habang tinuturo ang malaking kaharian na nais nilang puntahan. Bagamat malayo pa sila sa kaharian ay tanaw mo parin ang samut-saring mga liwanag na kulay lila mula dito na mukhang may ginagawa sa langit.
"I think they're doing something." Sagot ni Stephanie.
"Oh my God! I think they're closing the portals!" Sabi ni Me Ann habang nakatingin sa itaas.
Makikita na unti unting nawawala ang mga mala-lupang butas sa kalangitan kung saan sila pumasok sa lugar na ito.
"We need to do something!" Sagot ni Ejay.
"Nauubos na ang portal! We have to go back!" Sabi ni Stephanie na nagpapanic na.
"Would you guys please stay calm!" Sigaw ni Kyle sa mga ito.
Natahimik ang lahat.
Sa mga ganitong stressful na situation, hahanga ka talaga kay Kyle. Ni hindi mo kakikitaan ng pagpapanic. Nakakapag isip ng maayos at relax na relax. Ano nga naman ang magagawa ng pagpapanic.
Inilahad nito ang kanyang kanang kamay at maya maya ay lumabas ang bungo na magiging daan para sila ay maka uwe na dahil may ilan pang natitirang portal na natitira.
"Ok guys. I will not force you to join me on this quest. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ko sa inyo sa pagsama niyo. But this is a life threatening situation because there will be chance na hindi na tayo maka-uwe, hence I am giving you this. Kunin niyo to at umuwe na." Malumanay na paliwanag nito.
"What? Your staying?" Tanong ni Me Ann.
Tumango ito sa kanya.
"We're not leaving you here!" Sagot nito.
"I have no choice, this is my duty at hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala nalang ang kaguluhan na nangyayari dito. Walang karapatan ang kampon ni Azazel sa punyal na iyon dahil hindi naman sila kasali sa kasunduan pero gusto nila itong makuha dahil gusto nila itong gamitin sa masama. It's going to be the end of us kung makuha nila to and I am not just gonna sit tight and watch them do it. So, kung gusto niyo na umuwe, take this!" Sagot ni Kyle.
Walang gumagalaw sa kanila para kunin ang bungo. Tiningnan niya isa isa ang mga kaibigan niya na ngayon ay nakatingin din sa kanya ngunit walang kumukuha ng bungo mula sa kanya.
Maya maya ay napalingon sila sa langit at isa nalang ang natitirang butas sa itaas na ngayon ay makikitang nagvaviolet na dahil sa kapangyarihan ng mga lilang dwende na kung tawagin ay mga dwarf wizzards mula sa kaharian.
"We're on this together man!" Sabi ni Ejay sabay lumapit kay Kyle at niyakap ito.
"Alright, I'm with you! Madali naman pakiusapan si mama at mukhang may tiwala naman sa iyo yun!" Sagot ni Stephanie.
"Please while we are doing this, mag-isip na tayo ng alibi kung san tayo nag punta. Good thing na Friday na bukas, absent tayo sa school kung sakali and not to count, kung abutin man tayo ng two or three days? Mapapagalitan tayo pareparehas!" Sagot ni Me Ann habang nakatingala sa naglalahong portal sa langit.
Maya maya ay naglaho na ang huling portal.
"Thank you guys! Sisikapin nating umuwe ng maaga. My plan is to talk to the Dwarf King. Siguro naman ay papayagan nila tayong umuwe mabigyan lang ako ng pagkakataon na makausap siya. I have this skull anyway! This is a reminder na ang unang hari nila ay bahagi ng kasunduan. I'll try to retrieve the dagger and hide it somewhere safe. Then uwian na!" Masayang sabi ni Kyle.
"You made it sound very easy Kyle." Sagot ni Stephanie.
"Yan ang plano ko. Besides, kung totoo ngang sumusugod dito ang kampon ni Azazel ay may chance tayo na lumaban sa kanila. Tutulong tayo sa digmaan na to!" Sagot niya.
"May isa pa tayong problema. I highly doubt that the dwarves will be very happy to see us. Mapa-anong kulay pa yan!" Sagot ni Me Ann.
"And we cannot kill Devron. We don't know kung nandito siya." Sagot ni Ejay.
"We cannot kill Lord Devron indefinitely but that doesn't mean we can't hurt him! How I wish na ang hawak natin ay mga sandatang tunay na nakakapanakit sa kanila, lalo sa mga high ranking members ng Azazels Army." Sagot ni Me Ann.
"Unfortunately, ang mga sandatang iyon ay wala sa headquarters. Hindi ko pa inisip magresearch about don since nakakapatay pa naman tong sandata na hawak natin. So the only chance we have is to get the Dwarf King on our side!" Sagot ni Kyle.
"How I wish there is a way for us to get into him. There are guards everywhere and the dwarf wizards are everywhere! I don't know but we need a miracle to accomplish this mission!" Muling sagot ni Me Ann.
"You know what guys? I agree na dapat ay magpahinga muna tayo. Bukas nalang tayo ng umaga muling maglakbay para wala nang curfew and we need our strength para makapag-isip at makalaban." Sagot ni Stephanie na noon ay naglalakad na papunta sa ilalim ng puno at nagsimula nang maglabas ng mga kumot at panlatag mula sa bag na dala niya.
Sumunod naman si Ejay dito. Maririnig ang pag-aasaran ng dalawa ng "Don ka nga, lumayo ka sakin!" dahil sa pag tabi nito kay Stephanie. Naiwang nakatayo si Kyle na nakatingin sa nagliliwanag na kaharian ng Palasyo ng dwende. Nilapitan ito ni Me Ann.
"Are you Okay?" Tanong nito.
"I'm good! Nalulungkot lang ako kasi everytime na may mission ay napakahirap itong i-accomplish dahil wala tayong ka ide-idea. Honestly, hindi ko alam kung paano ko makakausap ang dwarf king, how am I gonna get past through the guards!" Sabi nito.
Hinawakan ni Me Ann ang kanyang kamay.
"It's gonna be alright! And we're here! We are all in this together! Kung ano man ang problema, let us just cross the bridge when we get there! Right now, we need a rest! We're gonna need it for tomorrow!" Sagot ni Me Ann sabay iniwan ito na nakangiti at pinuntahan na ang malaking puno kung saan nakahiga sina Ejay at Stephanie.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...