Chapter 27

65 6 5
                                    

"Bakit hindi pa kayo matulog?" Basag sa katahimikan ni Me Ann sa mga kaibigang nakahiga na sa kanyang kwarto.

Kasya ang dalawang tao sa kama at sa lapag naman naka higa si Kyle at Ejay. Bagamat maluwag ang kwarto, nagkasya pa ang isang sofa sa lapag kung saan nakahiga ngayon sina Kyle at Ejay.

"I'm still thinking kung alin doon ang totoo at hindi totoo. Bukod doon, hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang dapat unahin." Sagot ni Kyle.

"Dapat ay hindi tayo agad agad naniniwala sa sinasabi ng dwende. Tingnan mo at hanggang ngayun ay pinapaikot parin niya ang mga ulo niyo. Hindi natin alam baka ni isa don ay walang totoo." Sagot ni Stephanie sabay tumalikod ng posisyon ng higa sa kanila.

"E paano kung isa don ang totoo? Hindi ka man lang ba nag-aalala?" Balik na tanong ni Kyle sa kanya.

Natigilan si Stephanie.

"Guys gabing gabi na o, madaling araw na pala. Hindi ba pwedeng bukas nalang natin isipin yan at magpahinga muna ngayon?" Singit ni Ejay.

"Palagay ko ay walang makakatulog sa atin hanggat hindi tayo nakakapag plano ng maayus." Sagot ni Me Ann at tumayo sa pagkakahiga.

"Ok, tumayo kayo diyan at magplano na tayo nang makapagpahinga na." Tuloy niya.

Tumayo naman sila sa pagkakahiga at ngayon ay mga magkakaharap na. Nakaupo sa kama si Me Ann at Stephanie at sa sofa naman si Kyle at Ejay.

"Ganto ang gagawin natin. Let's say na lahat yon ay totoo. Ano ang pinaka-mahalaga?" Tanong ni Me Ann.

"Lahat ay mahalaga." Sagot ni Kyle.

"Ok. But we need to decide on what to prioritize, unless gusto niyong maghiwa-hiwalay tayu at puntahan yun lahat." Suhestyon ni Me Ann.

"No! Walang maghihiwahiwalay. Mas malakas kung sama sama tayo. Malamang ay bawat misyon na pupuntahan natin ay may naka-ambang panganib at hindi pa tayo handang maghiwahiwalay." Sagot ni Kyle.

"Alright! Alright! Now. Since sabi mo lahat ay mahalaga, alin sa mga iyon ang maraming apektado kapag hindi natin na-accomplish?" Tanong ni Me Ann.

"Let me answer that." Sagot ni Stephanie.

"Ang punyal at ang bungo. Ni wala nga tayong idea kung ano ba ang nagagawa ng mga yon maliban nalang sa makakaya na nating saktan ang mga nilalang na hindi tinatablan ng sandata natin. Ang usok ng itim na insenso. Hindi ba ito naman ang dahilan kaya tayo nagkakaganito? Kaya natin hinahanap ang mga yan? Ilang linggo nang may patayan satin dahil sa usok, ilang linggo na kaming nagtitiis sa amoy na yon at nagpipigil. Dapat iyon ang unahin! Sa punyal naman, kung totoong hawak ito ng mga dwende, pwede naman natin itong balikan agad lalo pag alam na natin kung paano pumunta sa kaharian nila. Ni wala nga tayong idea kung paano pumasok sa bahay o kaharian nila unlike sa usok, nanjan lang sa bundok!" Mahabang paliwanag ni Stephanie.

"I think she's right." Sagot naman ni Me Ann na nakatingin kay Kyle.

"Ok. Puntahan natin ang usok na yan, patayin at habang ginagawa iyon ay pag-isipan kung paano natin makukuha ang bungo sa simbahan. Kung iisipin nating maiigi, mas malayu ang simbahan kaysa sa bundok na nandyan lang. At habang ginagawa iyon, kailangan nating pag-isipan kung paano makukuha ang punyal sa hari nila o kung nakanino man ito!" Sagot ni Kyle sa kanila, maaalalang sinabi ng dwende na kinuha nito ang punyal at ang isang pahayag nito ay nasa pangangalaga ito ng kanilang hari.

"Bukas ay magpaalam kayo sa mga magulang niyo. Magdahilan na kayo na siguro magpipicknick o magha-hiking sa bundok bahala kayo. Linggo naman bukas, isa man lang e ma-accomplish natin!" Suhestyon ni Me Ann.

Nakatulog din silang apat.

Makalipas ang ilang oras ay ginising sila ng mga magulang ni Me Ann. Alas 7 na ng umaga at naka luto na ng almusal ang kanyang ina.

Sabay sabay silang kumain sa baba.

"Ma, pupunta nga pala kami sa Bundok Evada. Mag ha-hiking kami at pagtapos ay maliligo sa falls doon." Paalam ni Me Ann sa kanyang ina. Nagkatinginan silang apat.

"Wala namang problema anak. Ang mahalaga ay umuwe kayo bago mag-dilim. Ang sabi ay may babaeng engkanto daw don. Alam mo na, hindi maganda ang mapaglaruan ng mga ganoong nilalang." Sagot ng kanyang ina.

Dahil pumayag ang kanyang ina, si Stephanie ay nakitawag sa cellphone ni Me Ann at ang dalawa naman ay umuwe upang magpaalam. Hindi nahirapan sa pagpapaalam si Stephanie dahil hindi naman niya kinailangang gumawa ng kwento para payagan. Sinabi nito na maaaring nandoon ang usok ng itim na insenso at balak nila itong patayin. Si Ejay naman ay nagpaalam din sa kanyang ina at si Kyle ay sa kanyang lolo. Pinayagan naman ang dalawa at effective ang pagdadahilan nilang maliligo sa falls sa taas matapos mag hiking.

Maya-maya lang ay dumating na kina Me Ann si Ejay at Kyle. Alas 10 na ng umaga nang makaalis sila. Hinatid pa sila ni Mang Cardo para marating ang baba ng bundok at doon na nila sinimulang maglakad.

Habang naglalakad..

"Kyle.. Hindi ka ba natatakot na baka totoo ang sinabi ng dwende about sa pagtatangka ng mga alagad ni Azazel na kunin ang punyal sa pangangalaga ng mga dwende?" Tanong ni Me Ann.

"Hindi e. Hindi naman natin alam kung totoo ang sinasabi niya. Yun nalang ang pinanghahawakan ko. Besides, nabasa ko sa isa sa mga aklat na bantay sarado ang kaharian nila. May mga pulang dwende na nagsisilbing mga bantay o mga kawal nila para protektahan ang hari nila. I doubt kung magiging madali ang pagkuha nila dito." Sagot nito.

"Hindi ko sinasabing dapat matakot ka. Ang akin ay mag-ingat ka ng sobra dahil ang punyal na iyon ay hindi lamang kayang saktan ang mga masasamang elemento na nakilahok sa sagradong kasunduan. Kahit ang lahi niyo din! Ibig sabihin ay makakaya ka na nilang saktan gamit ang punyal na iyon kahit may medalyon ka pa!" Sagot nito.

Natahimik si Kyle. Tama naman si Me Ann. Ang punyal na iyon ay ang mga sumugat sa mga nilalang na nakilahok sa sagradong kasunduan at kasama na ang lahi nila doon.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon