"Malalim pa ba ang huhukayin!" Reklamo ni Ejay habang naghuhukay sa gilid ng bakuran ng bahay nila Me Ann.
"Hindi ko alam. Basta diyan yun! Hukayin mo lang ng hukayin hanggang makakita ka ng butas at medyo brown na kulay ng lupa!" Sagot ni Me Ann habang hawak ang mahiwagang bato na nakatutok sa hinuhukay ni Ejay upang maging liwanag nila sa hinahanap nila.
"Bakit kasi hindi pa natin ipa magic kay Stephanie ito. Mas mapapabilis!" Sagot ni Ejay habang naghuhukay.
"Dahan dahanin mo naman yang halaman! Baka masira mo yung ugat! Papatayin ako ni mama niyan!" Sagot ni Me Ann.
"Oo na sorry na. Medyo mahirap tong pinapagawa mo e. Pag hukay at wala, ibabalik at hanap ulit ng huhukayin? Baka naman wala na dito yun!" Tanong ni Ejay habang nagpupunas ng pawis.
"Im sure nanjan lang yan somewhere. Hindi ibig sabihin kasi na nandiyan ang punso e ung pasukan nila o yung portal papunta sa bahay nila e nanjan na rin. Matatalino ang mga dwende kaya I'm sure nasa paligid lang yon!" Sagot ni Me Ann.
"What made you so sure na nandito pa yung bahay ng dwende na yan?" Muling tanong ni Ejay habang pinagpapatuloy ang paghuhukay.
"We are looking for a some sort of portal. Yung dating nakatira na puting dwende diyan ay nilipat ng lola ko sa iba which means buhay pa yun hanggang ngayon. That leaves this place empty at pwede nating magamit ito para makapasok sa kaharian nila gamit yung bungo!" Sagot nito.
Maya maya ay dumating na si Kyle na nahuling dumating dahil hinintay pa nitong makatulog ang lolo nito at tumakas. Sakay ito ngayon ng bike para hindi makalikha ng kahit anong ingay paalis ng kanilang mansyon.
"Ano guys? Nahanap niyo na?" Tanong nito.
"Wala akong mahanap na kakaibang lupa at butas dito sa hinuhukay ko!" Sagot ni Ejay.
Lumabas naman mula sa loob ng bahay nila Me Ann si Stephanie.
"Ready na itong potion. Meron tayong tatlong oras para maging itsurang dwende sa mga mata ng dwende kaya kung malapit na mag tatlong oras ay kailangan na nating bumalik!" Sabi nito habang inaalog ang apat na maliliit na bote.
"Wait, I think I found something!" Sabi ni Ejay habang sinusundot ng pala ang isang matigas na kulay brown na bato. Isa itong kulay brown na bato na tumigas na sa ilalim ng lupa.
Agad itong nilapitan ni Me Ann.
"Can you try pulling it out?" Tanong nito.
Pinagtulungan na nila ni Kyle na hukayin at alisin ang bato hanggang sa tama nga. May isang parang maliit na butas na nandoon at ang direksyon nito ay pailalim. Nagkatinginan silang apat. Ito na ang hinahanap nila.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...