Chapter 7

90 10 2
                                    

Malalim na ang gabi. Naging masarap ang tulog ni Me Ann nang gabing iyon nang sa kanyang panaginip ay nakarinig siya ng mga mahihinang mga bulong at tinatawag ang kanyang pangalan.

"Mary Ann..... Mary Ann.... Mary Ann.." Isang tawag ng isang hindi kilalang lalaki ang tumatawag sa kanya.

Nagising siya sapagkat habang tumatagal ang bulong na pagtawag sa kanya ay lumalakas ito ng lumalakas. Pagmulat niya ng mata, madilim ang kwarto niya. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa kanyang kwarto at tanaw niya ang nasa labas ng bintana sapagkat hindi naman niya ito isinara. Hinahawi ng hangin ang kurtinang nasa kanyang bintana at malamig ang simoy ng hangin. Wala na ang mga bulong. Panaginip lang pala ang lahat. Nang pagtayu niya sa higaan at pag harap sa pintuan ng kanyang kwarto, laking gulat niya nang nandon ang anino na ilang araw nang gumugulo sa kanya. Matatandaan na kahapon bago umuwe ay nagpakita ito sa kanya sa library at ngayun ay nandito ito sa kanyang kwarto, naka harap sa kanya. Pinagpapawisan siya ng malamig sa mga oras na iyon. Malakas ang kabog ng kanyang puso. Kailan ba matatapos ang pagdurusa niyang ito? Tanong niya sa sarili.

Napaatras siya sa kanyang kama nang biglang lumakad papalapit sa kanya ang anino. Napaupo siya sa kama niya at hingal na hingal na nakatingin sa naglalakad na anino papunta sa kanya. Naglakas loob siyang tanunging ito.

"Sino ka? Ano ang kailangan mo sakin?" Tanong niya.

Hindi ito sumagot bagkus isang bagay ang ikinagulat ni Me Ann na ginawa ng aninong ito. Bigla itong mabilis na lumakad sa kanyang kinaroroonan at dumikit sa kanya. Hindi lang iyon. Pumasok ang itim na aninong ito sa kanyang bibig, unti unti at pakiramdam niya ay para siyang nilulunod. Nakatingala siya habang ang itim na anino ay pumapasok sa kanyang bibig na para bang sumasanib ito sa kanya.Lunod na lunod na siya hanggang sa....

"Bahhgggg bahhggg bahhgggg bahhggg!!!!!!!" Isang malalakas na katok sa baba ang gumising sa kanya. Panaginip lang pala ang lahat. Ngunit hingal na hingal siya. Sobrang pagod ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito. Tiningnan niya ang oras. Ala una na pala ng madaling araw. Muli - "Bahhgggg bahhgggg bahhgggg bahhgggg!!!!" Malalakas na katok ang kanyang naririnig mula sa baba na akala mo ay sisirain na ang kanilang pinto.

Tumayo siya at sinilip ang baba. Patuloy parin ang malalakas na katok sa baba. Madilim sa baba kaya tinangka niyang buksan ang ilaw ngunit hindi ito bumubukas sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Bahhgggg bahhgggg bahhgggg!!!!!" Muling katok ng hindi kilalang bisita sa oras na iyon.

Bubuksan ba niya ang pinto? Pinilit niyang isipin na huwag nalang itong buksan sapagkat sa mga pagkakataon na ito, delikado ang panahon at baka kung mapaano siya.

Ilang hakbang nalang ay nasa pinto na siya at patuloy parin ang malalakas na kalabog na katok sa pinto. Desidido na siya. Bubuksan niya ang pinto. Hindi pwedeng lagi siyang paghaharian ng takot tulad ng sinabi ni Dr. Tan sa kanya.

Nahawakan na niya ang door knob. Narinig niya ang mahinang click ng pinto senyales na hindi na naka lock ang pinto. Inikot niya ng dahan dahan ang pintuan at ayun, malaya nang bukas ang lock nito. Kung magnanakaw ito ay maitutulak na ito ng malakas ngunit wala naman nag tulak ng pinto.

Naramdaman niya ang malakas na hangin na humampas sa kanyang mukha nang mahila niya nang bahagya ang pinto. Hanggang sa unti unti na niyang mabuksan ang pintuan at ikinagulat niya ang kanyang nakita.

Nakatayu sa harapan niya ang isa sa naka itim na tao na nakita niya kagabi. Nakaharap ito sa kanya. Naka mahabang tela ito na kulay itim at naka talukbong o naka hood kaya hindi mo makikita ang kanyang mukha.

(Authors note: Nasa picture sa itaas ang kanilang itsura)

Napa atras si Me Ann sa gulat at napa upo sa sahig. Wala namang ginagawa ang nilalang na naka itim ngunit may ibinubulong ito at may hawak itong bagay sa kanyang kanang kamay.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon